Chapter 2

2 2 0
                                    

CHAPTER 2

H A N A

"Good morning Sir" bati ng mga employees na madaanan niya.

Hala! Sir?! Pero baka naman hindi siya yung iniisip ko. Dali ako kapag nagkataon. Napahiya pa naman ako sa mga sinabi ko kanina. Eh kasi naman, sino ba namang hindi magugulat kung may bigla na lang gwapong nilalang na pumasok sa office niyo, 'di ba? Akala ko nga nagkamali lang siya ng pasok e, baka kasi sa modelling agency talaga siya pupunta.

Kasi naman, ang tangkad niya, tapos ang puti pa. Tapos... Basta gwapo!

Dire-diretso akong pumasok papunta sa office namin. Pero nagulat ako nang nakita ko siyang sumusunod sa akin.

Gusto kong basahin kung ano ang iniisip niya. Pero wala. Ang tanging naririnig ko lang ay

'Shet ampogi ni Sir.'
'Saan kaya siya pupunta?'
'OMG ampogiii'
'May jowa na kaya 'to? Sana ako na lang waaah!'
'Pero mukhang masungit. Pero okay lang, dagdag pogi points. Oh to the M to the G!"

Lalong lumakas ang kutob ko sa mga naririnig ko. Pero grabe ha! Sa kabila ng mga ngiti at pagbati nila, lihim pala nilang pinagpapantasyahan itong lalaking ito.

Pumasok na ako sa office at pumasok na rin siya. Baka bagong employee? Pero hindi e, ang alam ko, hindi naman kami hiring.

Napatunayan kong tama nga ang kutob ko nang magpakikila siya.

"Good morning. I think everyone is here. Let me introduce myself. I am Timothy Lee, ako ang papalit kay Mr  Manuel Lee. I am his son. Have a good day." Pakilala niya at umalis din agad.

Eh? 'Yun na 'yun? Ang tipid naman niya magsalita. Ni hindi man lang kami nakapag-pakilala. Pero for sure naman no need na 'yon. Dahil may kopya naman siguro siya ng mga profiles ng mga employees niya.

Naiwan kaming lahat na nakatulala. Lalo na ako. Baka matanggal pa ako dahil sa sinabi ko kanina. Pero ang babaw naman niya kung ganoon! Pinuri ko pa nga siya e. Kahit mga nakatulala sila, rinig na rinig ko pa rin ang mga naiisip nila.

'Nyiii. 'yun na 'yun? Pero hayaan na, pogi naman si Sirrr.' Tili ni Mylene sa utak niya.

Kahit kailan talaga. Hays. Basta gwapo, gora 'tong si Mylene.

'Gwapo talaga ni Sir. Kaso minus point sa attitude. Pero gwapo pa rin. Kyaaah' sabi naman ni Tin.

"Gwapo, check. Mayaman, check. Mukha namang malinis at matalino 'tong anak ni Sir Manuel. Check na rin. Kaso mukhang masungit. Ano ba 'yan! Akala ko pa naman makikita ko na si Mr. Right! Pero nagleft the group ata. Kalokaaa." Mahabang litanya ni Kim sa utak niya.

Napapailing na bumalik na lang ako sa pwesto ko at nagsimula na magtrabaho.

---

7:05 P.M

Haaaay. Kapagod. Overtime na naman. Hayaan na, dagdag sweldo.  Ang daming correction nung napunta sa aking dapat iproofread. Kaloka.

Pero okay lang, kaya nga proofreader ako para itama ang mga mali e.

Hindi ko napansin na kanina pa pala nakapasok si Sir Timothy sa elevator. Babatiin ko na sana siya ng 'Good evening' kaso mukha naman siyang snobber at hindi interesado. Kaya nanahimik na lang din ako. Masyado na rin akong napagod kaya hinayaan ko na lang.

Pinilit ko talagang marinig ang mga iniisip nya pero wala. As in wala. Baka naman robot 'to.

Nagulat ako nang biglang namatay-buhay ang mga ilaw sa elevator at may parang malakas na tunog na bumagsak na ewan. Baka matrap kami rito. May mga gagawin pa ako. 

Pumunta ako sa pinto at pinindot ang button para magbukas ito. Pero shocks! Sira nga. Hala! Paano na yung mga alaga kong pusa sa bahay? Paano kung walang ng laman ang mga food bowls nila? Iniisip ko pa lang yun, nagpapanic na ako.

"Wala ring mangyayari kahit pilitin mong buksan 'yan. Baka lalo pang masira kakapindot mo. Mas better kung mag-hintay na lang tayo ng mag-aayos niyan." Sabi niya at naupo.

"Edi maghintay. Sabi mo e." Bulong ko at umupo. Nakakainis kasi. Siya, wala man lang ginagawa. Kaya naman, kinuha ko na lang ang cellphone ko at itinext si Annie, ang kapitbahay ko doon sa tinitirhan ko. Pinakiusapan ko siya na kung pwede e pakicheck ang mga alaga ko. Hindi naman ako nabigo dahil makalipas lang ang ilang minuto ay nagreply siya na ayos lang daw at ingat daw ako pag-uwi. Kung alam lang niya, hindi ko sure kung makakauwi pa ako. Hays.

Dahil medyo madilim na, hindi ko alam na nahawakan ko ang kamay niya bago ako umupo. Napapagod na kasi ako kakatayo at kakahintay. Idagdag pa 'yung pagod sa trabaho. The moment na dumapi ang kamay ko sa kamay niya, boom! Parang bulang nawala ang maiingay na paligid ko. You know what I mean. Hehe. As in wala talaga. Like... Paano nangyari 'to? Parang... Magic.

Baka nga siya na 'yung hinahanap ko na makapagpapawala ng lahat ng ingay na ito. Napangiti naman ako sa isip kong 'yun. Iniisip ko pa lang ang tahimik na atmosphere e naeexcite na ako. Pero yung ngiti ko ay napalitan ng inis nang magsalita siya...

"Chansing?" Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Bigla ko tuloy tinanggal ang kamay at parang may button na napindot at biglang umingay na naman.

Minsan nga naisip kong useless din itong kakayahan na ito e. Naririnig ko nga, hindi ko naman alam kung saang direksyon. Hays. Kaya ko lang narerecognize ang iniisip nila at kung sinong nag-iisip nito dahil parehas lang ang boses nila kapag nagsasalita at kapag nagiisip.

Pero nakakainis pa rin ang utak nitong kasama ko, bukod sa hindi ko marinig ay sinabihan pa akong nananaching!

T I M O T H Y

Nagulat ako nang biglang hinawakan ni... Sino nga 'to? Ewan ko. I don't care. Basta yung nasa proofreading 'to e.  Siya ata 'yung nakasabay ko rin sa elevator kanina. Chumachansing ata ito sa akin.

"Chansing?" bigla ko na lang nasabi.

"Ang kapal naman ng mukha mo SIR!" Sabi niya na inemphasize pa ang salitang Sir.

Siya na nga ang nakahawak sa kamay ko siya pang may ganang  magalit. Tanggalin ko kaya 'to sa trabaho? Kaso, napaka unprofessional ko naman kung ganon. Ang babaw masyado.

"Alam kong gwapo ka, SIR, pero malayo sa bokabularyo ko ang salitang chansing noh!" sabi nya at nanlaki ang mata niya. Halatang nagulat sa sinabi niya. Pangalawang beses na niya kasi akong sinabihang gwapo ngayong araw.

"Hala shet ano ba 'tong pinagsasasabi ko." Bulong niya.

"You are so loud. Isang salita lang ang sinabi ko ang dami mo na agad nasabi."

---

Almost 2 hours na kaming narito. Napakatagal naman nung nag-aayos. Yung kasama ko, ayun, tulog na. Buti pa siya, ang bilis antukin. Sana ako rin. I just really find it hard to sleep lalo na kung hindi ko iinumin ang sleeping pills ko. Nakakaumay na rin ang ganito. It's been so long since I've had this insomnia. Kahit pagod ako, nakainom, lasing, o anuman,  hindi talaga ako inaantok. That is why I need the help of my sleeping pills.

---

Naalimpungatan ako nang may mga ilaw na dumadapo sa mata ko at ingay sa paligid ko. Umaga na pala. Wait... Did I just sleep? Without my medicines? I'm just probably tired.

---

Where I Find PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon