Chapter 7

0 1 0
                                    

C H A P T E R 7

H A N A

Pagkatapos ko kanina magsuka ay pumunta na lang ako sa bilihan ng mga ice cream dito. Gusto ko ng malamig. Takte kasing alak yan. Waah. Sobrang sakit pati ng ulo ko.
Pero tila nawala ang hilo ko nang makakita ako ng isang cute na cute na kuting. Sinundan ko ito at tinawag. Agad naman itong lumapit at nilambing ako. Waah. Gusto ko na siyang iuwi. Habang naglalaro kami nung kuting ay may narinig akong mga kalalakihan sa tabi ko.

"Miss, wala ka bang kasama?" Sabi nito na sususray-suray. Kataas ng sikat ng araw tapos lasing? Hanggang umaga siguro sila uminom.

Hindi ko na lang ito pinansin at aalis na sana. Ayoko na silang patulan. Lalo pa't naririnig ko ang mga sinasabi nila sa utak nila... Gusto nila akong gawan ng masama.

"Miss, ang pakipot mo naman," sabi ng isa pang lalaki at hinawakan ako nang mahigpit sa braso ko.

"Bitawan niyo nga ako!" Sabi ko at buong lakas na inalis iyon. Tatakbo na sana ako nang makita ko sa 'di kalayuan si Sir Timothy na nakatayo. Pagkakataon ko na 'to para makaalis sa mga manyak na 'to. Ito na lang ang naiisip kong paraan. Kapag kasi tumakbo lang ako nang tumakbo ay paniguradong hahabulin pa rin nila ako. Kaya ito na lang talaga ang naisip kong paraan. Sorry na talaga agad Sir!

"Loveeee! Nandyan ka na pala! Help me!" Sigaw ko sa kaniya na ikinasama ng mukha niya. Sorry na talaga Sir waah.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan siya sa braso. Timingnan ko na lang siya ng 'sorry talaga Sir pero tulungan mo ako' look. At binulungan pa ng

"Sorry talaga Sir. Huhuhu. Tulungan mo muna ako. Gusto ko pang mabuhay."

"Love, kanina pa kita hinihintay, may mga lumalapit sa akin. Pinasasama ako sa kanilaaa." Sabi ko sabay pout. Takte nakakadiri ka Hana! Wala e, gipit na ako.

Mukha namang natunugan siya sa kung anong nangyayari at tumingin sa mga kalalakihan sa harap ko. Unti-unti niyang inalis ang kamay ko na nakahawak sa kaniya at iniakbay ito sa akin. Boom! Parang magic na hindi ko na marinig lahat ng iniisip nila.

Shet. Kinikilig ako. Hindi magkamayaw ang dibdib ko, lalo na nung sabihin niyang.

"What are you doing to my girlfriend?" Iritable niyang sabi at tiningnan ng masama yung mga lalaki.

"I've been waiting for you sa room natin kanina pa. But hindi ka pa nagpapakita, so... I looked for you" baling niya sa akin at kinindatan ako. Shet. Feeling ko mahihimatay ako sa kindat niya. Feeling ko malalaglag ang panga ko any moment. Napakagwapong nilalang naman kasi nito!

Ang galing naman nito magpanggap. Teka... Ano?! 'Room natin'?! Kalma girl. Palabas lang yan kilig ka naman diyan.

"Weh? Hindi ako naniniwala na katipan ka niya." Sabi nung isang lalaki. Ano bang gusto nito sa akin? Gusto ko na lang matulog ulit. Sumakit ang ulo ko lalo.

"Want a proof?" Sabi ni Sir Timothy at mapang-asar na tiningnan yung masasamang loob.
Unti-unti siyang humarap sa akin at unti-unti lumapit. Hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang magkabila kong pisngi.

Hindi magkumahog sa pagtibok ang puso ko nang palapit na siya nang palapit hanggang sa maduling ako. Takte kelan ba aalis 'tong mga kumag na 'to. Kinikilig ako anuba!

Gusto kong batukan ang sarili ko sa mga iniisip ko. Ano ba 'yan! Ang harot! Ngayon pa talaga ha!

Ilang sentimetro na lamang ang aming pagitan nang sambitin ng isang lalaki na

Where I Find PeaceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon