CHAPTER 1
H A N A
Pagkalapag ko pa lang ng mga gamit ko sa table ko, narinig ko na agad ang pagrereklamo ni Kimberly Gomez, o mas kilala sa tawag na Kim, isa sa mga katrabaho ko rito sa publishing company na pinagtatrabahuhan ko.
'Uggghh! Ano ba naman itong mga 'to. Ang gagaling gumawa ng story pero ang daming error sa grammar! Yung tipong kikiligin ka na pero itatama mo pa yung grammar.Kainis' Rinig kong reklamo ni Kim sa utak nya.
Natawa naman ako sa reklamo niya. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko syang pinoproof read ang story na ibinigay sa kaniya. Nakalimutan ata niyang proofreader siya at hindi reader lang. Hahahaha. Nakakadala kasi minsan e, ang gaganda ng mga naassign sa amin. Kaya hindi maiwasang hindi mabasa at mahook. Hahahaha. Inilapit ko ang upuan ko sa kaniya at tinapik siya.
"Fighting!" Sabi ko, pampagaan ng loob.
"Hanaaaa!" Sabi niya na parang maiiyak na.
"Kaya mo 'yan! Sayang sweldo. Hahahaha" sabi ko na lang sa kaniya. Pampagaan ng loob. Mukhang effective naman dahil nagsimula na ulit siya magproof read.
Tanging pagtipa sa keyboard at pagpindot sa mouse na lamang ang maririnig mula sa table niya.
Hindi ko naman siya masisi, kasi karamihan sa mga pinoprood read namin ay pare-parehas lang ng mali. Kapag English, laging nagkakapalit-palit ang 'Your' at 'You're', 'They're', 'Their', at 'There'. Kapag naman Filipino, laging nagkakabaliktad ang 'Nang', 'Ng', 'Din', 'Rin', 'Raw', at 'Daw'. Hindi rin mawawala ang pagpupumilit na pagtambalin ang 'pa lang (pa lamang)' 'na lang (na lamang)' at marami pang iba.
Pero syempre, kaya nga kami narito para itama ang mga mali nila. Hindi naman tayo perpekto. May mga pagkakataon din na kailangan natin ng tao o mga tao na magtatama sa mali natin at tutulungan tayong itama iyon. Naks, whogoat kung whogoat!
Okay, ang daldal ko.
Ako nga pala si Hana Mendoza, 2 years na akong nagtatrabaho rito sa isang publishing company bilang isang proofreader. Masaya naman ako sa trabaho ko. Masakit nga lang sa mata. Ikaw ba naman maghapong tumapat sa computer, ewan ko na lang kung hindi mamuti mata mo. Pero sa kabila noon, masaya naman ako. Lalo na at nakikita ko na nagiging successful ang mga kwentong naassign sa amin na galing sa mga magagaling na mga manunulat.
Kagaya nga ng nabasa ninyo kanina, naririnig ko ang mga iniisip ng ibang tao. Nagtataka ba kayo kung paano ko naririnig ang thoughts ng iba? Ako rin. Basta nagising na lang ako isang araw na maingay na ang mundo ko. Ilang buwan din bago ako nakapag-adjust. Sino ba namang hindi maninibago, paggising mo isang araw, biglang lahat ng iniisip ng iba e, naririnig mo na. Mga tambay, mga professional, normal na mamamayan, estudyante, at kung ano-ano pa. Idagdag mo pa ang ingay ng kalsada, talagang mananakit na lang ulo mo. Pero sabi nga sa commercial ng isang kilalang toothpaste brand, "I have to endure the pain." Kaya hinayaan ko na lang. Wala rin naman akong magagawa.
Sa araw-araw na nangyayari ito, ang dami ko nang narinig na kwento, hiling, mga pangako at kung ano ano pa.
At higit sa lahat, naririnig ko ang sagot sa exams! BWAHAHAHA. Pero joke lang, hindi ko naman ginagawa iyon. Kapag exam days, focused lang ako sa pagsasagot. Kapag kasi once na focused ako sa isang bagay, hindi ko rin naman gaanong naririnig ang mga iniisip nila. Buti na lang.
Kaya nga napili ko itong trabaho na ito e, para mas focused ako. Para mawala kahit papaano ang ingay ng mundo ko. Tanging pagpindot sa mouse at pagtipa sa keyboard lang ang naririnig ko.
---
"Guys! May chika ako." Ani Tin pagkaupo namin sa cafeteria para mag-lunch. Bagong chismis!
"Mapapalitan na raw ang boss natin. Yung anak daw niya na galing Canada ang papalit sa kaniya."
"Huh? Bakit naman?" Tanong ko bago sumubo ng kinakain kong fried rice.
"Alam nyo naman, medyo umeedad na si Sir, kailangan na niya ienjoy ang buhay. Malayo sa stress. Besides, balita ko matalino raw ang anak niya, at gwapo pa. Kyaaah!!!" Mahabang litanya nya na may tili sa dulo.
Talaga 'tong babaeng ito. Sino kaya yung anak ni Sir? Gwapo raw e. Hmmm. Sana nga. Chaar.
'Grabe, sana naman mabait yung anak ni Sir. Pero okay lang kahit hindi. Gwapo naman. Hihi.' Rinig kong sabi ni Mylene, isa sa mga editors namin.
"At eto pa, balita ko, single raw! Baka siya na ang Mr. Right ng isa sa atin." Kinikilig na dagdag ni Kim. Siguro, kung nasa anime o cartoons kami, may makikita kang heart heart sa mata niya. Kahit kailan talaga. Basta gwapo, hindi magkanda-ugaga itong mga 'to.
"Nays, single pa! Emegesh here I come!" Mapanglokong sambit ni Mylene sa isip niya.
Napatawa na lang ako sa narinig ko. Kahit kailan talaga. Pero sana nga gwapo. Hihi. Para naman masaya pumasok araw-araw! Char.
---
6:30 A.M (Kinabukasan)
Nakasakay ako sa elevator pataas sa office namin. Magsasara na sana yung pinto nang may pumasok na hindi pamilyar na mukha. Pipindutin ko na sana ang 6, kung saan ang floor namin nang sabay niya itong pindutin. Nagkadikit ang mga kamay namin.
Hala shet.
Nagulat ako nang mawala ang mga ingay na lagi kong naririnig. Hindi ito katulad ng mga romantikong nobela na nababasa natin. Yung kakabog ang dibdib mo at kung ano ano pang keme. Hindi ganoon. Basta, lahat ingay nawala. Wala akong naririnig na thoughts ng iba.
Ano kayang mayroon sa kaniya? Bago ba siya rito? Ngayon ko lang siya nakita. Pero... Ang gwapo niya.
"Miss?" Tawag niya sa akin. Hala shet. Ampogi pati ng boses OMG.
"Miss?" Ulit nya na ikinagulat ko.
"Ay gwapo!" Hala shet. Otomatiko akong napatakip sa bibig ko matapos kong sabihin ang mga iyon. Tinampal-tampal ko ang bibig ko na para bang may kagimbal-gimbal akong nasabi. Pero nakakahiya kasi!
"You seem fine." Sabi nya sabay alis sa elevator ng bumukas ito. Antipatiko.
"Good morning Sir" bati ng mga employees na madaanan niya.
Hala! Sir?! Tinawag siyang Sir ng mga katrabaho ko?
Hala! Sana hindi tama ang kutob ko.
---
BINABASA MO ANG
Where I Find Peace
RomanceNasanay na si Hana sa maingay niyang mundo. Bukod kasi sa ingay ng mga normal na tao, may iba pa siyang naririnig. At iyon ay ang thoughts o iniisip ng mga tao. Sanay na siya sa ganoon. Ngunit nawala bigla ang ingay nang magdampi ang mga kamay nil...