C H A P T E R 1 1
H A N A
After 10 minutes ay lumabas na rin si Timothy. Kaso yung plano kong paghiram ng hair blower e hindi na natuloy. Eh paano, sa sobrang tagal niya lumabas ay natuyo na lang ang buhok ko. Daig pa niya ang babae kung mag-ayos. Kaya pala ang bango niya. Aish! Kung ano ano na sinasabi ko. Tinawagan ko na lang si Annie para ipabantay ang mga alaga ko at gladly, pumayag naman siya. Nahihiya na talaga ako sa kaniya pero wala namang ibang choice. Hays.
Dahil nga natuyo na yung buhok ko, sinuklay ko na lang ito ng kamay ko. Buti na lang talaga may conditioner akong ginagamit. Naks, yeyemenin. Hahahaha.
Kaya naman habang nasa sala e naisipan kong laruin na lang yung pusang nirescue namin. Kaso, hindi pa ako nakakalapit ay nakaabang na agad yung mga kuko niya na anytime ay handa akong kalmutin. Kaya naisipan kong pakainin muna siya para mapaamo. Kaya kinuha ko yung cat food na nasa kit na dala ko at kukunin ko na sana yung food bowl sa loob ng carrier nang kalmutin niya ako. Sa sobrang gulat ko ay napasigaw pa ako.
"Aray naman Mingming! Hindi naman kita sasaktan!" Sabi ko sa pusa. Sanay naman na ako sa mga ganitong kalmot, kaso syempre, nakakagulat pa rin talaga. Ang tatalas kaya ng kuko nila.
Nagulat ako nang nasa tabi ko na si Timothy na mukhang nagulat sa pagsigaw ko
"What happened?"
"Ahh ehh. Wala po, nakalmot lang ako ni Mingming. Papakainin ko po kasi sana e. Kaso ayun, galit ata sa akin." Paliwanag ko.
"We need to treat that wound bago pa lumala." Sabi niya at dali-daling kumuha ng first aid kit.
"Hala. Hindi na po kailangan, may anti-rabies naman po ako, in case na may rabies siya." Sabi ko pero sadya atang sinapian siya ni The Flash at may dala dala na siyang first aid kit.
"Tim... Hindi naman na kailangan. Okay lang ako." Nahihiyang sabi ko sa kaniya. Kahit naman kasi gustong gusto ko hawakan ang kamay niya nakakahiya pa rin noh.
Hindi siya umimik at hinila ang kamay ko.
"Okay lang talaga..." Sabi ko at hinila ang kamay ko.
"Bakit ba? Mabilis lang naman gamutin 'yan." Naiinis na sabi niya.
"Nahihiya ako... Kasi..."
"Kasi?"
Shet na malagkit! Paano ba 'to? Nakakahiya talaga.
"Kasi..." Nag-aalangang sabi ko pa rin.
"Just tell me what it is! Paligoy-ligoy ka pa!" Naiinis pa rin na sabi niya.
"Nakakahiya kasi pasamado ako!" Mabilis kong sabi sabay pikit. Nakakahiya kasi talaga. Mamaya kapag nahawakan niya ang kamay ko pawis pawis pa 'yun. Mayaman pa naman ito. Baka mandiri. At saka hindi lang naman 'yung pawis ang dahilan e. Naloloka kasi ako kapag hawak niya ang kamay ko. Nagwawala 'yung puso ko. Ang lakas ng epekto niya talaga.
"Tss. Iyon lang naman pala." Sabi niya sabay hatak sa kamay ko na ikinagulat ko. Ang ingay... naman ng puso ko!
Nilagyan niya ng alcohol yung bulak at idinampi doon sa kalmot. Aalma pa sana ako at sasabihing magsasabon na lang ako pero umurong ang dila ko. Ang hapdi naman kasi mga beshy! Alcohol yun e! Kaya hindi ko mapigilan ang mapangiwi at napansin naman niya.
Nagulat ako nang hipan niya yung sugat habang nilalagyan ng alcohol. Naramdaman niya pala na nasasaktan ako. Ang hapdi naman kasi talaga!
Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagamot niya ang sugat ko.
Napakagwapo niya talaga. Ang tangkad at ang bango pa. Idagdag mo pa na siya lang ang nakakapagpatahimik ng maingay kong mundo.
Hindi ko napapansin na nakatitig na pala ako sa kaniya. Sakto naman na nag-angat siya ng tingin. Tapos na ata siya sa ginagawa niya.
Pero hindi ko pa rin maalis ang tingin ko sa kaniya. Para akong namamagnet ng mga mata niya. It really felt familiar. Parang naramdaman ko na ang ganito noon pa lang. Hindi ko lang alam kung kanino, saan, at kailan.
Para talaga akong namamagnet sa mga tingin niya dahil hindi ko namamalayan na unti-unti na palang lumalapit ang mukha namin sa isa't-isa. And I can't seem to stop. Ano bang nangyayari sa akin?!
Pero on the other hand, baka ito na ang solusyon na matagal ko nang hinahanap. Ang tanging solusyon para mawala lahat ng ingay.
Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. Tipong konti na lang at magkikiss na kami nang biglang may sumigaw.
"Ahhh! Titaaa! Ang mga mata ko!" Sigaw nung dumating na nakapagpabalik sa akin sa realidad. Shet. Nakakahiya talaga yung ginawa mo Hana!
Dahil doon sa sumigaw, bigla naman akong napabitaw sa kamay ni Tim. Tim na lang itatawag ko sa kaniya. Ang haba ng Timothy e.
Pero sadya ata talagang araw ko ngayon kaya naman pagbitaw ng kamay namin natumba ako. Umingay na naman ang paligid ko dahil sa thoughts nila pero nawala agad iyon dahil nilapitan ako ni Tim at hinawakan sa magbilang braso.
"Pucha, ano yung nakita ko? Omg! Gf ba ni Kuya 'yon? Aaahhh, Rated SPG huhu"
"Sino yung sumigaw? May sunog ba? Mygoodness "
"Are you okay? Masakit ba? Sorry. " Sabi niya na dahilan ng pagkailang ko. Nakakahiya naman kasi yung ginawa ko kanina!
"O-okay l-lang ako, Sir---Timothy pala. Hehe" Sabi ko at akmang tatayo na nang magsalita si Tim.
"Don't you know the word knock? Paul John?" Sabi niya doon sa lalaking sumigaw kanina.
Paul John pala ang pangalan nung sumigaw. Ang cute naman ng name niya!
Ngayon ko lang napansin na nandito pala si Sir Manuel kasama yung asawa niya. Dali dali naman akong tumayo para batiin sila. Nakakahiya talaga.
Pero hindi ba nasa date raw ang mga ito? Baka nacancel kasi umuulan.
"Good evening din Kuya ha. Sorry naman! Sana kasi sa kwarto kayo gumagawa ng milagro para walang istorbo." Sabi niya na medyo naiinis na pero may halong pang-aasar na mahihimihan sa boses niya.
"What?!"
"Mom, I thought may date kayo ni Dad?" Baling naman niya at dinedma na ang pang aasar ni Paul John.
"Nacancel 'nak e, umuulan. Saka nagpasundo itong pinsan mo."
"Hi, young lady!" Bati sa akin nung asawa ni Sir Manuel at bumaling sa akin.
"Good evening po Ma'am. Hana Mendoza po pala. Hehe. Pasensya na po, nakituloy muna po ako rito. Umuulan po kasi e. Saka malayo pa po ang bahay ko. Don't worry. Aalis naman po ako mamaya kapag tumila na." Tuloy-tuloy na sabi ko. Kinakabahan kasi talaga ako. Baka kung ano ang sabihin nila sa akin.
"No. Stay here. Paano kung madaling araw pa tumila? Hindi naman ata namin kayang maatim na lumabas ka ng ganoong oras." Sabi ni Ma'am na nag-aalala.
"And don't call me Ma'am, hindi ako teacher. Hahaha. Just call me Tita Melinda." Sabi niya habang nakangiti.
"Or pwede ring Mommy. Kasi 'yon din naman ang itatawag mo sa akin sooner or later." Dagdag niya pa.
Hala namisinterpret ata nila ang mga pangyayari OMG!
"Pero Ma'am--- este Tita, hindi po ganoon 'yun. Mali po ang ini---"
"Tara! Kain na tayo!" Naputol ang sasabihin ko nang magyayang kumain si Sir Manuel.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung sasabay ako sa kanila o ano. Nakakahiya naman kasi. Syempre! Boss si Tim tapos ako employee niya.
---
A.N: Ang tipid ko pala sa pagpapangalan ng Characters. HAHAHAHAHA Tin, Tim, Hana. Sorry naman.
BINABASA MO ANG
Where I Find Peace
RomanceNasanay na si Hana sa maingay niyang mundo. Bukod kasi sa ingay ng mga normal na tao, may iba pa siyang naririnig. At iyon ay ang thoughts o iniisip ng mga tao. Sanay na siya sa ganoon. Ngunit nawala bigla ang ingay nang magdampi ang mga kamay nil...