Chapter 28

720 43 15
                                    

**Marco's POV**

Tanghalian na kaya bumili ako ng tanghalian ko at naglakad narin pabalik sa kwarto ni Aaron

"hayst!" napabuntong hininga ako, dalawang araw naring hindi nagigising si aaron dahil malakas daw ang pagkahampas ng baril sa ulo nya.

nakarating na rin ako at binuksan na ang pintuan at nagulat ako ng nakaupo na ito "Mahal gising ka na!" nakaramdam ako ng saya ng makita ko ito at agad itong tumingin sa akin na nag-aalala

"nasan na si Kris?" tanong agad nito at binilisan ang paglapit ng balak nitong tumayo

"wag ka muna tumayo--"

"nasan si kris, yong pinsan ko!" tanong ulit nito at tangina hindi ko alam ang sasabihin sa sitwasyon nya ngayon "Marco si kris?" tumingin ako sa mga mata nito at kitang kita ko kung paanong bumaksak ang luha mula sa mata nito

"please Aaron, magpahinga ka muna, promise hahanapin namin sy--"

"hahanapin?" napapikit ako bigla at tumingin ng deritso dito at napanganga ito ng maintindihan nya at biglang nanghina kaya inalalayan ko itong umupo muna

"masyadong marami ang kumuha kay kris at may mga baril rin, pero don't worry dumating narin ang mommy at daddy nya--"

"dumating na? Bakit ang bilis anong araw na ba?"

"two days kang nakatulog"

"g-galit ba sila sa akin, sila tita?" nagulat ako sa sinabi nito at agad na umiling

"hindi" tanggi ko "walang may gusto ng nangyari aaron, walang may kasalanan" niyakap ko ito "mahal, kailangan ka ng pinsan mo" napahagulgol ito sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit "kaya kailangan mong magpalakas para kay Kris" tumango tango ito "Aaron" pagtawag ko at tinaas ang mukha nya

"hmm?"

"parang hindi mo kilala si kris, malakas na bakla yon" pampalakas ko dito kahit na ako ay nag-aalala sa best friend ko

"p-pero mag-isa sya" umiling ako

"hindi, dahil nandito tayong pamilya nya" tumango ito "so, take rest so you can help" tinulungan ko itong humiga at pumikit ng halikan ko ito sa labi "mahal na mahal kita"

"mahal na mahal rin kita"

Ilang minuto rin muna akong nag stay hanggang sa makatulog na ito... napatingin ako ng bumukas ang pintuan at napatayo ng ang parents ito ni Aaron

"tita" pagtawag ko at humalik sa pisnge nito at tumango naman ako kay tito at alam nila ang relation namin ni aaron

"oh Marco, kamusta na si aaron?" tanong sa akin ni tita at lumapit kami sa kama ni aaron

"ok narin po sya tita, nagising na sya kanina, natulog lang po ulit" tumango namn sila sa akin at umupo si tita sa tabi ni aaron at hinawi ang buhok nito

"pumayag akong dito sya mag-aral kasi nandito ang mga kaibigan nya" panimula nito "sana pala nag stay na lang sya sa US" napayuko ako sa sinabi nito

"wala pong may gusto sa nangyari tita" magalang kung sagot

"I know iho, don't get me wrong, kung nag stay lang sana sila lahat sa US, walang mangyayaring ganito, lalo na kay kris" nalungkot ako sa sinabi nito, pero totoo naman, siguro walang mapapahamak sa kanila lalo na si kris lung hindi sila bumalik dito

Pero kung hindi naman sila bumalik dito at hindi nag-aral, siguradong walang kami ni aaron at walang si Galaxy at si kris

"Marco" napatingin ako kay tito "take rest" tumango ako dito at dahan dahang naglakad palabas at tumingin muna kay Aaron bago ako tuluyang lumabas ng kwarto at bumuntong hininga, pupunta na lang ako sa bahay nila Kris dahil nandoon ang lahat

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon