**Kris POV**
Dalawang buwan rin ang lumipas ng wala ng nangyayari sa harriam as in bumalik na ang lahat sa dati at satingin ko nga nagbago si bee dahil kay Michael dahil hindi na ako inaaway nito maging mga kaibigan ko ay hindi nya na inaaway
Sa dalawang buwan na iyon ay maraming nangyari si Aaron at Marco sila parin at magpapatuloy parin daw hanggang sa pagtanda nila, si franco na laging inlababo kay Nick at walang tigil sa pagbibiro kay Creed dahilan sa pagiging single nito at si Ash naman na niluluko kay Dave at lahat kami nakakakuha ng hampas galing sa kanya, si Dave ok narin naman kami ganoon rin si Nicka na nagngingitian kami kapag nagkikita, siguro nga may mga tao talagang sobrang close mo pero sa huli hanggang ngitian na lang kayo, kami naman ni galaxy? Ewan ganon parin
"hilaw puta umayos ka nga!!" natatawa kung sigaw dito at napatabon sa mukha ko
"Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin"Nasa classroom ako ngayon at vacant namin at ang bwisit na si hilaw walang sabi sabing pumasok sa Classroom namin at nagharana sa akin, nandito pa naman mga kaklase ko
"ayiieeehhhh!!"
"wetwewww sanaol!!!"
napangiti ako ng malaki ng lumapit na sa akin si hilaw at pinatayo ako ni Aaron na katabi ko, nilagay ko ang mga kamay ko sa likod
"Happy Monthsary!" masayang bati nito at binigay sa akin ang bouquet of red rose at cute na panda at kinuha ko ito ng masaya
"nakakainis ka alam mo ba yon!?" tumawa ito ng malakas at may nag v-video pa sa amin
Tsup!
"waaaaaa kainggiiitttt!!"
"PDA!!"
Nagwala na naman mga lalaki kung kaklase ng halikan ako ni hilaw sa labi at ang walang hiya tinatawanan ang pulang pula kung mukha ngayon
"ang hilig mo na talagang mag pakilig ha, nagkakaroon ka na ng sweetness sa katawan, lumalala pa" biro ko dito
"sobrang malala na" ulit nito sa Sinabi ko at nagtitigan pa kami
"hoy Galaxy! tawag ka na ni sir, ang landi mo daw!!" sabay sabay kaming natawa ng may pumasok na kaklase ni hilaw at pinapatawag na ito at pinakyuhan nya lamang ito
"bye my love, magpapagod tayo mamaya ha?" pinalo ko ito ng mahina
"baliw!" naglakad na ito paalis at may nagtutukso parin sa akin maliban lang kay boyband na tinatarayan ako, halos lumabas na ang mata sa kakatirik
Nakangiti akong bumalik sa upuan ko at inagaw agad ni Aaron ang panda sa akin
"gwapo check, mayaman check, hot check, tapos sweet pa, ugh akin na lang sya!!" hinampas ko si Aaron ng sabihin nya yon
"isusumbong kita kay Marco!! At ipapatulfo kita!!" biro ko at natawa naman ito
"joke lang, mahal na mahal ko kaya si Marco!" natawa ako dito at nagkulitan na lang kami
Madali lang natapos ang dalawang oras at nagsilabasan na kaming lahat at nakita ko agad sila Galaxy na naghihintay sa amin, oo sila kasi kasama nya na si nick, dave, Marco at nicka na ngumiti sa akin at ganoon rin ako sa kanya
"sino taya ngayong lunch?" tanong agad ni Creed sa aming lahat
"ikaw diba?" sagot agad ni franco
"bakit ako? Ako kaya kahapon, bwisit nato!"
BINABASA MO ANG
✔️Androgynous Return (gayxstraight)
Novela JuvenilR-18 Status: COMPLETED (book-II) WAWTABS book II Started - 09/29/20 Finished-11/15/21