CHAPTER 17

1K 54 14
                                        

**Nick's POV**

Nagtaka naman kami ng maaga kaming pinabalik sa mga dorm namin at ngayon ay inaayos ko na ang mga gamit ko at nag-aalisan naman sila

"Nasa Hospital raw si Kris" napatigil naman ako sa ginagawa ko at napatingin kay Marco ng sabihin nya yon at nakita ko naman na nagulat si Nicko at nagmadali na silang umalis at nagtataka naman ako kung anong nangyari kay Kris, napatingin naman ako kay Dave na nag-aayos rin ng mga gamit nya

"Nasa Hospital raw si Kris ngayon" tumingin naman ito sa akin at nagtataka

"Bakit daw?" Nagkibit balikat naman ako dito

"Tara punta tayo?" Yaya ko dito at sinakbit na nito ang bag nya

"Uuwi muna ako" nagtaka naman ako dito "dadating kasi si Mommy ngayon at gusto nya ako sumundo" napatango naman ako dito

"Paano ka lalabas?"

"She already texted the Principal" napatango ulit ako dito at sabay na kaming lumabas ng classroom at marami ng naglalakad sa hallway

"Daming dugo talaga"

"Nadulas ata?"

"nakita ko ang kuya nya dumating"

Napatingin naman ako sa mga nag k-kwentuhan

"Sige mauna ka na dave may pupuntahan ka pa" tumango naman ito sa akin at umalis na nga ito lumapit naman ako sa mga nagk-kwentuhan

"Hi!" Bati ko at napatingin naman sila sa akin "pwede bang malaman kung anong nangyari kay Kris?" Tanong ko sa kanila

"Basta pagkakita namin sa Restroom sa 4F ay nakahandusay ito at duguan" wika ng isa "may nagsabi nga na baka nadulas lang ito meron namang nagsasabi na baka napagtripan" napatango naman ako sa kanila

"Ah salamay pre" kumaway naman sila sa akin at naglakad na ako at kinuha ko naman ang phone ko at tinawagan si Galaxy at sumagot rin ito

"Oh? Napatawag ka?" Bungad nito

"Kamusta si Kris?"

"Alam nyo na?" Tanong nito pabalik at kumaway naman ako kila jude

"Oo, pero sa building lang naman natin at pinabalik rin kami sa dorm ng maaga, hindi namin alam kung bakit eh" paliwang ko pa dito "kamusta na sya" tanong ko ulit

"Ito tulog parin at may benda sa ulo, sabi ng doctor baka raw na untog o pinalo ang noo nya, pero malalaman lang namin kung ano ba kapag nagising na sya" napatango naman ako sa sinabi nito "punta ka dito, isama mo narin si Dave"

"Wala umalis, dadating daw ngayon ang Mommy nya at sya ang susundo" paliwag ko dito at naglalakad na ako ngayon sa field pabalik sa dorm

"Sige ikaw nalang" napatango naman ako "dito lang rin sa malapit na Hospital, 105 na Room 3F"

"Sige pupunta ako, wala naman akong gagawin dito" pinatay ko na ang tawag at napatigil naman ako at napa-isip kung paano pala ako makalalabas dito eh bawal

'Karaugot!'

Hindi ko muna inisip yon at naglakad na ako ng mabilis pabalik sa dorm at pagkarating ko ay agad na akong nag bihis ng civilian at kinuha ang susi ng kotse ko at lumabas na ng room at bumaba na at dumeritso sa parking area at sa harap nalang ako dadaan dahil alam kung mas mabait ang guard sa doon kaysa dito sa likod.. Pinaandar ko na ang kotse ko at mabilis na pinatakbo papunta sa Entrance at lumapit naman sa akin ang guard at binaba ko naman ang bintaba ko

"Bakit Sir?" Tanong nito

"Sir kaibigan ko po yong duguan kanina si Kris Sandoval, tingnan nyo po" kinuha ko naman ang phone ko at pinakita ang selfie namin dalawa noong birthday ko at ang tagal na nito "kakamustahin ko po sana eh" binalik ko na ang phone ko at tumango naman ito

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon