CHAPTER 39

407 23 0
                                    

**Creed's POV***

'I change myself to the person you like kris'

Mula ng pumasok at makita ko ulit si kris nag-iba na ang takbo ng buhay ko, palagi na akong napapangiti ng totoo at parang gusto gusto ko na lang mag stay sa school kasya sa bahay na nakakasakal na

Lumipas ang segundo, araw, minuto, buwan at taon hanggang sa malaman kung babalik na ito sa pilipinas

"Babalik?" Tanong ko pa "b-bakit sungit?" Natatawa kung wika kahit na nasasaktan ako

"Kasi nandoon ang buhay ko creed-"

"Paano kami?" Agad kung wika at napatingin naman ito sa mga kaibigan naming nag m-ml lang

"Nah, were good" sagot pa ni franco

"Don't worry bibisitahin ko rin kayo" tumalikod na ito at napakamot naman ako sa ulo ko at naglakad lakad pabalik balik...hindi pwede

"Hoy creed, nakakahilo ka, alam mo yon?" Napatingin ako kay aaron

"Sasama ako kay sungit, bahala kayo jaan!!" agad akong pumasok sa kwarto namin at agad na nag-impaki at nagulat naman ako ng nagpasukan rin ang tatlo at nag-impaki rin "ano ginagawa nyo?" Taka kung tanong

"Nag-iimpaki?" Tanong pa ni franco "batuhin kita jaan eh"

Napangiti naman ako sa kanila at binilisan na ang aming pag-iimpaki, at agad ring nagsi-ligo at nagmadaling pumunta sa airport, sobrang rush namin dahil pabigla bigla rin si kris hindi man lang agad sinabi sa amin na aalis pala sya kahit na magkasama kami sa iisang bubong lima

Hindi ko alam kung anong sasabihin sa magulang ko, nagalit na nga sila ng tumuloy ako sa condo ni aaron lalo na ngayon na babalik sa bansa na ayaw na nilang balikan ko, pero sorry pero para kay kris kaya kung talikuran kung ano mang meron ako ngayon

Wala ng mas sasaya pa sa akin ng araw araw kung nakakasama si kris hanggang sa nakarating na kami sa bahay nila at first time kung nakapasok dito dahil palagi lamang kami sa park noon kapag magkikita at bukas narin pala start ng pasukan dito

Mabilis lang natapos ang araw at ngayon nandito na kami at nag lalakad kasama ang hilaw na palagi nyang kinekwento hanggang sa

"Can I court you Kris?" Nawala ang ngiti sa labi ko ng marinig ko iyon kitang kita ko ang pagkagulat ni kris at napatingin ito sa amin at naibalik ko agad ang ngiti

"Hmmm, pag-iisipan k--"

"Andro E!!"

"Hahahaha joke lang, OO hilaw pumapayag ako--"

"YES!"

Araw na pinagsisihan kung bumalik pa kami dito sa pilipinas, sana pala talagang pinigilan ko sya noon..nakatingin lang ako sa dalawa hanggang si aaron na naman ang biniro at katulad dati nakisama na lamang ako kahit na nasasaktan ako sa nakikita ngayon

Mula rin ng araw na iyon marami akong naririnig na tungkol kay kris at sa bestfriend nito na alam kung si nicko

Hanggang sa lumipas ang araw hanggang sa sinabi ni galaxy ang balak nyang pagpropose bilag boyfriend kay kris at hindi ko na napigilan ang sarili kung tawagan si Michael at mula rin noon nalaman kung nagkasakit ang nanay nya

"Don't worry, Ako na magpapagamot sa nanay mo" sagot ko

"Talaga? Thank you creed--"

"But you know Casper family" pagputol ko dito "himihingi kami ng kapalit" wika ko dito at wala na talaga ako sa sarili ko dahil galit na galit ang nararamdaman ako

"Creed?" Hindi makapaniwala nitong tanong

"Papayag ka ba ba oh hindi?"

"Pumapayag ako, kahit anong kapalit pa yan" walang choice nitong wika

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon