CHAPTER 24

586 37 0
                                    

**Kris POV**

gabi na ngayon at nandito kaming lima sa garden at maliwanag naman dito dulot ng mga ilaw at ng buwan dahil bilogan ngayon ang buwan.. Katabi ko si Aaron sa bench at nakatayo naman na nagtitingin ng halaman si Ashton at nakaupo si creed at franco sa mat habang naggigitara si creed at kumakanta pa at nakikisabay rin kami paminsan-minsan, niluluko nga namin na dapat sumali na sya ng The Voice o kaya ng Idol Philippines dahil sa ganda ng boses nya

"Isayaw mo ako, sa gitna ng ulan mahal ko"

Ngumiti ako kay creed ng magtama ang paningin namin

"Kapalit man nito'y buhay ko
Gagawin ang lahat para sa 'yo
Alam kong mahal mo na rin ako--"

"Oyyy, para kay nickooo"

"yah! bwisit ka talaga" natawa kami ng mag biro bigla si Franco at wala namang tigil sa pagtanggi si creed na friend nga lang sila ni Nicka at wala itong pagtingin, pero ayaw parin maniwala ni Franco at nasa denial stage pa raw ito

"Sir, tawag na po kayo si sir kyle, kakain na daw po ng hapunan"

Sabay sabay kaming napatingin sa katulong namin at nagsitayuan na kami at sumunod na dito

"nanjan na pala si kuya kyke" rinig kung wika ni Franco

"oo nga eh, sana hindi na lang sya umuwi--" "

"KUYAA KYLEEEEEE, SANA DAW HUNDI KA NA UMUWIIIII--"

"KRISSSSSSS"

Rinig ko naman ang sigaw ni Creed at natatawa akong hinabol nito at dahil nga mabilis itong tumakbo ay naabutan agad ako nito at tinakpan ang bibig ko at wala kaming tigil lahat sa pagtawaa

"waaaa, wag mong sabihinnnn" wika nito

"HAHAHHA, naku sabihin mo kris, para yari si creed"

tinaas ko naman ang kamay ko na parang sumusuko na at inalis na nito ang kamay nya sa bibig ko, natatawa akong tumingin dito at ngumuso ito sa akin at nagmamakaawang tumingin

"biro lang, ikaw naman" lumapit ako at ginulo ang buhok nito, ngumiti na ito sa akin, ang ganda talaga ng pagkakakulot ng buhok nya

Sabay sabay na kaming pumuntang kusina at nandoon na nga si kuya kyke at hinihintay na lang kami

"Hi kuya kyle" bati naming lahat

"I heard shout" seryoso nitong wika at nagkatinginan naman kami at natawa

"wala kuya, nagbibiruan lang kami kanina" tumango lang sa akin si kuya at umupo na kami at sa tabi nya ako puwesto at nagsimula na kaming kumain "ano pala oras dating nila mommy bukas kuya?"

"afternoon" sagot nito "susunduin ko sila sasama ka ba?" napaisip naman ako kung maygagawin ba ako bukas at parang wala naman kaya tumango ako dito "ok"

Mabilis ng natapos ang pagkain namin at nagkanya kanya na silang akyat at sa guest room matutulog sila Ashton, creed at Franco dahil may room naman si Aaron dito

Tok, tok, tok

Napatingin ako sa pinto ng may kumatok dito

"pasok" mahina kung wika at nakangiting si creed lang pala yon at may hawak itong Ice Cream

"Hi sungit!" masaya nitong bati at tumabi sa akin sa kama, nanunuod lang ako ng bl "salamat nga pala dito sa Ice cream ha, kahit hnd naman ikaw ang kumain, dahil alam kung si aaron na naman ang kumuha noon, ayaw pa umamin!" napatawa ako sa sinabi nito

'kung alam mo lang'

"gusto mo?" tumingin ako dito at sumubo ng kaunti "ano pala pinapanuod mo?" tanong nito

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon