**Franco's POV**
Lumabas na ako sa kotse ko at lumapit sa Guard
"Hi kuya!"
"Good Morning Sir"
"Wait lang po" tumango naman sa akin ang Guard at kinapa ko na ang bulsa ko at napahampas naman ako sa noo ko ng wala nga pala akong phone, paano ko matatawagan si Kris, napatingin naman ako sa guard "ahh kuya may pangtawag po kayo?" Nahihiya kung tanong at napatawa naman ito at inabot sa akin ang phone nya "salamat kuya tawagan ko lang ang anak ng may-ari ng school at s-save ko na rin para may textmate ka" biro ko at natawa naman ito at mabuti nalang saulo ko mga number ng kaibigan ko at nag ring agad ang phone nito at sinagot "Kris nandito na ako sa guar--"
"H-help" napatigil naman ako at biglang kinabahan
"Kris anong nangyari?" Tiningnan ko naman ang phone at nandoon parin si Kris "hello kris!" Pagtawag ko ulit pero wala talagang sumasagot at kinakabahan na ako, dapat pala hindi ko sya iniwan, agad ko ring binalik kay kuya Guard ang phone nya at nagmadaling pumasok sa kotse at nagdrive papunta sa building namin at ngayon pa talaga ako nawalan ng phone kung kailan emergency at hindi ko matawagan mga kaibigan ko
Nagmadali akong umakyat ng 2F at agad ring pumasok sa room namin at nagulat pa ang guro namin sa presensya ko at agad naman akong tumingin sa likod at wala doon sila Aaron at napasabunot naman ako ng bumalik nga pala sila sa dorm at malamang hindi narin nagpasukan ang dalawa
"May problema ba Mr. Harvey?" Napatingin naman ako kay Sir
"Sir pasensya na hindi ako makakapasok ngayon" agad naman itong tumango sa akin at naiintindihan nya naman siguro na emergency dahil nagmamadali ako at napatingin pa ako kay Michael at ngumiti lang ito sa akin pero hindi ko na pinansin at lumabas at sa Fox naman ako pumunta at nagulat rin sa akin ang guro nila "Sir can I excuse Galaxy? Emergency lang po" napatingin naman ako kay galaxy at nagtataka naman itong tumingin sa akin at napatayo na sya
"Ok, you can go Mr. Smith" tumango naman ako kay Galaxy at hinintay ito sa labas at hindi na ako mapakali
"Franco bakit?" Napatingin na ako dito
"Si Kris" at pagkasabi ko non ay mas kumunot ang noo nya at nag-aalala itong tumingin sa akin
"Nasan sya? Anong nangyari?"
"Inutusan kasi kami ni sir Crister na dalhin yong mga papel nya sa room at sasamahan ko sana si Kris kaso ayaw nya naman dahil may lakad rin ako at bibili ako ng phone dahil nasira ang akin at nakihiram nga lang ako sa guard para matawagan sya at noong sumagot naman sya ay ang huling narinig ko sa kanaya ay HELP" mahaba kung paliwanag dito
"Sh*t Section Lion yon ah" agad nitong sabi "Mga bagulan ang nandoon!" pagkasabi nya non ay agad na itong tumakbo at sumunod naman ako dito at kahit napapagod na ako ay hindi rin ako tumitigil sa pag-akyat hanggang makarating na kami at agad itong tumakbo sa dulo at walang sabi sabing binuksan ang pinto at napatigil naman sa pag-iingay ang mga lalaki at napatingin sa amin at agad naman na lumapit si Galaxy sa isang lalaki
"Anong ginawa mo? Nasaan si Kris?" nagulat naman ang lalaki dito ng hawakan sya ni galaxy sa polo
"Ano bang pinagsasabi mo!" Inis nitong tanong
"May tumawag sa kanya at humihinga ng tulong ito!" Sigaw nito at tinulak naman sya nong lalaki
"Umayos ka Galaxy! Tandaan mo nasa room ka namin" tumingin naman ako sa paligid at nakatayo na sila at nakatingin kila Galaxy "hindi namin alam kung nasaan ang Jowa mo at kanina pa yon nakaalis dito at dahil alam naming Jowa mo yon pinalampas namin, kaya umayos ka" paliwanag pa nito at inayos naman nito ang polo nya at napahilamos naman si Galaxy
BINABASA MO ANG
✔️Androgynous Return (gayxstraight)
Novela JuvenilR-18 Status: COMPLETED (book-II) WAWTABS book II Started - 09/29/20 Finished-11/15/21