CHAPTER 14

1K 50 5
                                        

***Nick's POV***

Naka-upo ako ngayon at nanunuod ng TV at si Dave ang nagluluto ngayon ng dinner namin at nabalitaan ko rin ang nangyari kay Galaxy dahil sinabi sa akin ni Dave

"Come on Nick" pinatay ko na ang TV at naglakad na papunta sa kusina at nakaupo na doon si Dave at kumakain at kumuha narin ako ng pinggan at kumain

"Sino daw ang may gawa kay Galaxy non?" Tumingin naman ito sa akin at nag kibit balikat

"I don't know" sagot lang nito "at ano bang kasalan ni Galaxy para gawin nya yon" sagot naman nito at napabuntong hininga naman ako

"Kaya nga eh" sang-ayon ko pa "ang daming mga bago ngayon no?" Nagtaka naman ito "kasi sa atin dalawa ang transfere at balita ko sa Zebra isa at sa ibang section rin" napatango lang ito sa sinabi ko "basta ang daming mga bagong mukha ang nakikita ko nagyong taon" tumango lang ulit ito sa akin at tahimik na ulit kaming kumakain, mula ng umalis dito si Galaxy ay naging tahimik na ang room namin, dahil tahimik ang kasama ko

Ilang minuto pa ay natapos na rin kami at ako na ang naghugas ng plato at pumasok narin sya sa kwarto at bumalik ulit ako sa sala at nanuod ng tv

Isang oras pa ang lumipas at biglang nagustuhan kung kumain ng Ice Cream.. Tumingin naman ako sa relo ko at 9:35 palang naman at 11 naman nag sasara ang mall dito sa University.. Pinatay ko na ang TV at kinuha ko ang jacket na nakasabit at sinuot ito at lumabas na ng room at ng dorm at naglakad na ako sa field at mga ilaw nalang ang nagbibigay liwanag pati ang buwan.. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang makarating na ako sa mall at pumasok na ako at dumeritso sa Ice Cream Parlor

"Good evening Sir" bati nito sa akin

"Medium size ng cookies and cream at medium size rin ng Ube" ngumiti naman ito sa akin, naisipan ko kasi na bigyan narin si Dave dahil this past few days ang lungkot nya at kami lang rin ni Galaxy ang palagi nyang kinakausap kapag nasa room kami at pagdating naman ng recess at lunch ay ako palagi ang kasama nya

"160 po Sir" kinuha ko naman ang pera at binigay sa kanya

"I received 500 Sir" wika nito "340 your change Sir, thank U" ngumiti lang ako dito at kinuha na ang naka plastic na dalawang Ice Cream

Naglakad na ako paalis at palabas ng mall at naisipan ko naman na sa gilid nalang maglakad at hindi na sa field para rin mapadaan ako sa garden at makakita naman ng magagandang bulaklak.. Tahimik lang ang daan na tinatahak ko dahil ang karamihan ay sa field naglalakad dahil mas maliwanag nga doon dulot ng maliwanag na buwan, napangiti naman ako ng makita ko na ang entrance ng Harden at pumasok na ako doon at napangiti naman ako dahil ang galing lang ng nag-aalaga ng mga bulaklak na ito, talagang malulusog at lahat namumulaklak

"Ano bang nangyari jaan sa mga pasa mo?"

Napatingin naman ako sa may kanan ko ng may nagsalita doon, pero may nakaharang naman na maraming bulaklak kaya hindi ko makita kung sino

"Bakit hindi ka ngumingiti?"

Umupo naman ako sa may bench, saglit lang rin ako at babalik na ako sa dorm

"bakit ang tahimik mo Nicolette?"

"hindi Nicolette ang pangalan ko"

Napunta naman ulit ang attention ko sa nagsasalita at kilala ko ang boses na yon at napatayo naman ako at umikot at sumilip sa kanila at hindi naman nila ako makikita dahil ang dilim sa pwesto ko at hindi nga ako nagkamali at nakita kung naka-upo si Nicko sa bench at nakatayo naman si Creed, kilala ko sya dahil kaibigan sya ni Kris at sikat rin naman sila kaya kilala ng lahat

"Umiiyak ka ba?" Yumuko naman si Creed at hinawakan ang dalawang pisnge ni Nicko paharap sa kanya

"H-hindi" inalis naman nito ang pagkakahawak ni Creed sa pisnge nya

✔️Androgynous Return (gayxstraight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon