***Marco's POV***
Nakaupo lang ako habang hinihintay si aaron na nag cr lang pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi parin ito bumabalik
"Mag gagabi na pala, tara luto na tayo Marco" napatingin ako kay nicka na tapos na palang gamutin si creed at tumango naman ako dito at tumayo na
Napadaan kami kila franco at nick na nag-uusap lang at sa isang tabi naman si creed na malalim ang iniisip at si galaxy naman na busy ulit sa may table at sa kanyang cellphone na may tinatawagan ulit
"Bes kasama diba ni galaxy di dave?" Biglang tanong ni nicka "nasaan na kaya sya?" Napatingin naman ako sa paligid sa tanong nito
"Ewan bes hindi ko rin alam" wika ko "pati si ashton hindi ko rin nakita mula kanina"
"Si aaron na saan?" Nabalik ulit sa isip ko si aaron dahil kanina pa nga ito wala at nag cr lang naman yon at palagi talaga namin chinecheck ang lahat kasi sinabi sa amin ng mommy ni kris na kailangan pati kami ay mag-ingat at kung pwede palaging e check ang lahat
"Bes pwede bang mauna ka na muna sa kusina, titingnan ko lang si aaron sa restroom" tumango naman ito at nauna ng maglakad at naglakad naman ako papunta sa restroom dito lang sa baba
Tok! Tok! Tok!
"Aaron" mahina kung pagtawag pero ilang segundo pa ay walang sumasagot kaya naman hinawakan ko na ang door knob at binuksan ito at walang tao doon kaya nagtaka naman ako "nasaan na iyon?" Tanong ko pa at napakamot na lang
Lumabas na ako sa restroom at naglakad lakad baka sakaling nagpapahinga lang iyon sa isang tabi..napunta naman ako sa harden at pumasok dito at nilibot pero walang tao doon kaya lumabas na lang rin ako pero sa hindi kalayuan ay may napansin akong dalawang taong nag-uusap kaya lumapit ako dito
"ANONG HINDI PA SIGURAD---"
napatigil naman sa pagsigaw si aaron ng maramdaman ang presensya ko at agad ring napatingin sa akin ang kasama nya si ashton
"Aaron"
"Marco may sasabihin ako say--hmmmm" bigla namang tinabunan ni ashton ang bunga-nga ni aaron kaya agad akon lumapit dito
"Anong meron dito?" Taka kung tanong at nagpupumiglas naman si aaron sa pagkakahawak ni ashton
"Can I borrow aaron for a bit?" Nagtaka naman ako dito "may pag-uusapan lang kaming importante"
"Pero sa tingin ko ayaw nya" wika ko at hinawakan si aaron sa braso
"Importante lang talaga marco" hinigpitan nito ang kapit kay aaron "I won't harm him" habol nito at kita ko ngang hindi nya sasaktan si aaron pero grabe na kung makatakip sa bibig ni aaron
"Oh sige sige, pero alisin mo yong kamay mo, nasasaktan si aaron!" tumango naman ito at pansin ko pang may binulong ito kay aaron bago tinanggal ang kamay at naging ok naman si aaron at hindi na nagwala pa "aaron?" Pagtawag ko dito at nag-aalinlangan naman itong tumingin sa akin at balik kay ashton
"Uhm si ashton kasi may c-crush pero nahihiya kaya nag papatulong sa akin" agad naman akong napatingin kay ashton at nagulat ito sa sinabi ni aaron, siguro dahil sa sinabing nagkakagusto na ang shy type nila
"Ah ganon ba HAHAHAH" natawa naman ako at napahilamos na lamang si ashton dito
"Saglit lang pre" tumango ako dito at hindi man lang nito tinanggi ang sinabi ni aaron so means totoo talaga...napailing na lamang ako at napatawa at naglakad na papuntamg kusina kung saan naghihintay sa akin si nicka
"Oh bes" pagbati nito ng makita na ako at tinulungan ko na ito sa paggagayat ng mga ingredients
"Ano pala lulutuin natin ngayon?" Tanong ko dito
BINABASA MO ANG
✔️Androgynous Return (gayxstraight)
Teen FictionR-18 Status: COMPLETED (book-II) WAWTABS book II Started - 09/29/20 Finished-11/15/21