*Kris POV*
Saturday na ngayon at balak kung umuwi muna dahil uuwi sa sunday sila mommy at matagal tagal narin pala ang huling kita ko sa kanila dahil ang hilig nilang mag date dalawa
"gusto mo hatid na kita?" umiling ako sa tanong ni hilaw dahil alam kung uuwi rin sila tita at kailangan nya rin umuwi
"hindi na kaya ko na at kasama ko naman ang mga asungot dahil pinapapunta rin sila ni kuya kyke sa bahay"
"hindi pa pala nakaka alis si kuya kyle?" tumango ako dito at nag-aayos na lang kami dalawa ng aming buhok
"ewan ko nga doon pero si kuya kyro ay kasama nila mama pauwi kaya magiging kumpleto kaming lahat" kinuha nito ang suklay at sya ang nag ayos ng buhok ko
"hindi kayo kumpleto" nagtaka naman ako dito
"ha?"
"kasi wala ako" natawa lang ako dito at pinalo ng mahina "Im part of your family too right?" tumango ako dito
"HAHAHA oo naman, at pang habang buhay na iyon" sabay naman kaming napatawa at hinati nya ang buhok nya sa gitna at akala ko gwapo na sya kapag nakataas ang buhok nya mas gwapo pala sya sa sa korean style "waaaaaa--"
"puta!!"
Natawa ako ng magulat ito sa biglaang pagsigaw ko
"sh*t I have korean boyfriend!!" at pinisil ang dalawang pisnge nito "shoooww chuteeee" baby talk ko dito at pinisil naman nito ang ilong ko and we both giggled
Ilang minuto pa kaming nag prepare hanggang mag 8:45 na at kailangan na naming umalis at nag text narin sila aaron na nakaalis na daw sila kasi naman sabi ko 7 kami aalis pero dahil naglandian pa kami ni hilaw 9 na tuloy ako makakaalis kaya pinauna ko na lang sila
Si hilaw na ang nagsara ng pinto at sabay na kami naglakad papuntang parking lot ng dorm
"so tara na?" ngumiti naman ito sa akin
"HAHAHA tar--wait!" nagtaka ako dito. "sh*t nakalimutan ko yong susi ng kotse ko" napatawa naman ako dito "wait hintayin mo ako--"
"samahan na kita--"
"hindi wag na andro E, mainit narin" umiling naman ako dito
"gagi wala kang kasama alam mo namang--"
"shhh" pagtigil nito sa akin "masyado pang maaga at tingnan mo marami ring tao na naglalakad, kaya hintayin mo na lang ako ok?" napabuntong hininga naman ako
"sige na nga! Bilisan mo ha!"
"yes boss!" tumakbo na ito at napailing na lang ako habang natatawa
Sumandal na lang ako sa kotse ko at napatingin sa bagong kotse ni hilaw isa rin itong Lamborghini na white and black na gustong gusto ko dahil ang ganda nito, lumapit ako dito at hinaplos ito paikot
"BUMALIK KA DITO!!"
Lahat ng tao na nasa parking area ay naagaw ang pansin ng may sumigaw bigla at agad rin akong pumunta doon at may isang lalaking hinahabol ng dalawang lalaki at kilala ko ang mga iyon dahil kaibigan yon ni boyband, naitulak ko naman ang nasaunahan ko at kinilatis kung sino ang hinahabol nila at kahit na ilang taon na ang nakalipas mapaharap o mapatalikod kilalang kilala ko ito
'Nicka?'
Hindi ko alam pero agad rin akong napatakbo sa kanila, alam kung wala na dapat akong pakialam sa kanya pero kahit naman na ganoon ay naging magkaibigan rin kami at naging importante sya sa akin, siguro itong tulong naibibigay ko bilang isang MABAIT NA NILALANG
"ano ba kasing ginawa ng baklang yon!?" inis kung tanong sa sarili ko at malayo na sila sa akin pero nakita kung pumasok sila sa isang building at naramdaman ko namang nag vibrate ang phone ko at saglit na tumigil at sinagot ito "hello?" at tumakbo na ulit ako
BINABASA MO ANG
✔️Androgynous Return (gayxstraight)
Teen FictionR-18 Status: COMPLETED (book-II) WAWTABS book II Started - 09/29/20 Finished-11/15/21
