**Galaxy's POV.**
"Yaan mo na yon at hindi rin naging kami dahil pinagtagpo lang kami pero hindi tinadhana, dahil ang para pala sa akin ay isang gwapong hilaw at mapagmahal na hilaw, Galaxy is my first boyfriend and I love him so much"
"Wag kang mag-alala sungit, hindi namin hahayaan na may sumira sa pagmamahalan nyo"
Ilang minuto pang katahimikan at naramdan ko naman na may nakalapat sa tuktok ng ilong ko at tinaas ko naman ang kamay ko at hinawakan ang kamay nito at dahan dahan naman akong nagmulat at nakangiting mukha ni kris ang nakita ko
"I love you" mahina kung wika at mas ngumiti naman ito, tinukod ko ang kamay ko at dahan dahang umupo at inalalayan naman ako nito at napatingin naman ako sa paligid at nakita ko rin na nakaupo sa gilid sila Creed, Franco at Ashton at napahawak naman ako sa ulo ko ng kumirot ito
"Ok ka na ba?" Napatingin ulit ako kay kris at napangiti naman ako ng marinig ko ang sinabi nya kanina at mahal na mahal ko rin sya at inalala ko rin bakit ba ako nandito "anong bang nangyari sayo? Sinong pumalo sayo?" Kumunot naman ang noo ko at bumalik naman sa ala-ala ko ang nangyari kanina
**Flashback**
Natatawa naman ako na umalis sa canteen at naglakad na papunta sa may dulo sa restroom at pagkapasok ko ay naabutan ko pa na nag-aayos ang grupo nila boyband at masama naman silang tumingin sa akin mula sa salamin at hindi ko na sila pinansin at pumasok sa isang cubicle at narinig ko rin ang pag-alis nila at saglit lang rin ay natapos na ako at lumabas at lumapit sa washing area at naghugas ng kamay
"Galaxy!"
Blaagg!
Napahawak naman ako sa labi ko ng may malasahan akong dugo at lumingon ulit ako at sinuntok ulit ako nito at naramdaman ko nalang na may malakas na bagay na tumama sa ulo ko at nawalan na ako ng malay
**End of Flashback**
"So nakita mo ba ang sumuntok sayo?" Umiling naman ako sa tanong ni Creed
"Naka mask rin kasi sya at sinuntok nya agad ako kaya hindi ko napagmasdan ang mukha" paliwanag ko
"Baka sila boyband yon" umiling naman ako sa sabi ni andro E
"Pagkapasok ko sa cubicle ay umalis na sila at payat rin ang sumuntok sa akin at nag-iisa lang sya" napaisip naman si kris "at wala rin naman akong naalala na may naka-away ako" napatango naman ito
"Basta, palagi na akong sasama sayo kung saan ka man pupunta, baka balikan ka pa ng gago nayon" seryosong sabi ni andro E "papatayin ko talaga nanakit sayo" natawa naman ako dito at pinisil ang ilong nya
"Don't worry hindi na mauulit yon"
"At hindi natin alam baka nagmamasid lang yon kung saan saan" wika naman ni Creed at tumango naman si kris
"Nagtataka lang ako, wala ka naman nakaaway or niluko, bakit may gumanon sayo" taka pang tanong ni Kris
"Baka napag tripan lang ako" napatango naman si Franco
"Pwede rin, pero kung mauulit man yan, siguradong ikaw talaga ang target ng lalaki na yon" patuloy naman ni Creed
"Hindi kaya si" napatingin naman kami kay Kris at napansin nya naman yon at ngumiti "wala pala" sabi nito at alam kung may iniisip ito at may motibo kung sino pero ayaw kong mag karoon pa kami ng problema
"Baka napagtripan lang talaga ako kaya wag nyo na pakaisipin" nakangiti kung wika "lalo ka na" sabay pisil ko ulit sa ilong ni Kris at napa buntong hininga naman ito
"Baka kasi inutusan ni boyband ang isang barkada nya na gawin yon say---"
"Hahaha ano ka ba, tingnan mo nga yang kilay mo magkadikit na" natatawa kung wika at pinalo naman nito ang kamay ko na nakahawak sa kilay nya
BINABASA MO ANG
✔️Androgynous Return (gayxstraight)
Novela JuvenilR-18 Status: COMPLETED (book-II) WAWTABS book II Started - 09/29/20 Finished-11/15/21