Nagmadali akong lumabas sa building. Nag- taxi ako papunta sa Prosecutors' Office. Natigil ako sa pagmamadali nang masilayan si Hera. She was standing still while holding an envelope. Hindi pa din nagbabago ang itsura niya. She's still beautiful.
Hindi ko alam kung paano niya name- maintain ang itsura niya habang stress sa kung ano sa buhay. Nang masilayan niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Inabot niya ang envelope sa akin.
"Sa tingin ko, kailangan na nating pumunta sa address niya agad." Saad niya. "Ang ganda mo talaga, teh. Crush pa din ata kita."
"Tara na. Nga pala, crush din kita, teh." Pumasok na kami sa kotse niya at pinaandar niya na iyon.
"May boyfriend ka na ba?" Tanong niya sa akin.
"Meron na,"
"Sobrang busy na natin sa buhay 'no?" Tanong niya at napatango naman ako. "Ano nang plano mo?"
"Wala pa akong plano. Nag- iisip pa ako nang biglang sumagi sa isip ko si Mommy."
Pinagkiskis ko ang mga kuko ng hinlalaki ko dahil sa kaba. Makikita ko ba siya ngayon? Kahit masulyapan ko ba siya, maggagawa ko? Magiging masaya ba siya kapag nakita niya ako? Magiging proud ba siya sa akin? Ligtas ba siya? Malusog pa din ba siya? Wala ba siyang sakit? Masaya ba siya?
Itinigil ni Hera ang kotse sa harapan ng isang villa. Matataas ang gate nito ngunit kita pa din ang nasa loob nito. Naipon ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata at biglang nanginig ang aking mga kamay nang masilayan si Mommy.
Nakikipag- laro siya ilang asong nandoon. Her looks didn't age at all. She's happy and healthy, that's all that matters.
"Gusto mong makipag- usap sa kanya?" Tanong ni Hera at napailing naman ako. "Natatakot ka?"
"Oo, tsaka gusto kong magpakita sa kanya kapag okay na ang lahat."
"Alam mo na kung saan siya nakatira. Alam mo na din na masaya siya kaya maging masaya ka na din."
"Masaya na ako.” Saad ko at ngumiti.
Bumalik na ako sa office at inayos na ang mga papeles para sa pagsimula ng construction next week. Karamihan sa amin ay abala para doon. Habang nag- pipirma ay nakarinig ako nang malakas na pagbagsak mula sa opisina ni Daddy.
“Do you really have to let her work here?! For God's sake, Jerry!” Rinig kong sigaw ni Zoey mula sa kabila.
Kinuha ko ang earphones ko mula sa bag ko at ginamit agad iyon. I don't want to hear some bullshits. Napatingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Napaupo si Krystal sa sahig habang tinatakpan ang mga tenga niya. Maya- maya ay sinimulan na niyang pagkiskisin ang mga kuko niya habang nanginginig ang buo niyang katawan.
Pinanood ko lamang siya.
Tinanggal ko ang earphones ko at huminga ng malalim. Tiningnan niya ako at tumakbo papalapit sa akin. Agad niya akong niyakap at umiyak sa balikat ko.
Nakikita ko ang sarili ko sa kanya.
The fact that her Mother wants to have my name as her's is not okay. Paano pa kayang alam ko na hindi din siya okay? Paano ngayong alam kong parehas din na nangyayari sa kanya ang mga pinagdaanan ko? Galit na galit ako nang kinuha ng magulang niya ang buhay ko pero mas galit na galit ako ngayong alam kong hindi niya dapat maranasan 'to.
Sa maikling panahon na nakilala ko si Krystal, nakita kong mabait siya. Nakita kong kaya niyang dalhin ang sarili niya but her Mother keeps on dragging her to be someone that she doesn't want to be.
“She's my daughter.” Saad ni Daddy mula sa kabilang opisina.
“She's not mine. My own daughter deserves this company, everything here.”
“But I don't want everything.” Bulong ni Krystal.
“Alis tayo?” Tanong ko sa kanya. Umangat siya ng tingin sa akin at tumango.
Tahimik lamang kami sa ice cream parlor na malapit sa building. Tanging ang ingay lamang ng ibang customers na nandoon ang naririnig namin. Napatingin ako kay Krystal at mabuti na lamang ay ayos na ang pakiramdam niya kahit papaano.
“Thank you, Ate Daphne.” Saad niya.
“You're welcome.”
“Pwede po bang sa inyo na muna ako matulog? Ayaw ko po kasing makita si Mommy ngayon.” Mahinang sabi niya sa akin habang nakayuko.
“Mag- aalala ang Mommy mo, baka sa akin pa magalit si Zoey pero kung ayaw mo talaga siyang makita edi okay lang.”
“Talaga po?” Tumango ako nang sabihin niya iyon.
Binuksan ko ang pinto at pinapasok siya sa apartment ko. Ngayon ko lang napagtanto na nakakahiya sa kanya. Inayos ko ang kama at inilahad iyon sa kanya.
“Dito ka na matulog, sa sofa na lang ako.” Saad ko at ngumiti. Tumango siya habang inililibot ang tingin sa buong apartment ko.
“Mommy mo po?” Tanong niya habang nakaturo sa picture na naka- display. Um- oo ako.
Napangiti ako lalo nang maalala kung gaano ako ka- galak nang makita siyang masaya at ligtas. Lumapit ako kay Krystal, nakangiti din siya habang nakatingin sa larawan na iyon. Dahan- dahang tumulo ang luha niya.
“Sorry,” Saad niya habang umiiyak.
“Wala kang kasalanan.” Kalmadong sagot ko sa kanya.
“Sorry talaga, Ate.”
“Your Mother's sins are not yours. Her mistakes are not yours. Oo, Mommy mo siya pero you have different lives, separate lives. But it will be your choice if you want to be like her.”
“Sa tingin mo ba, Ate, ma- iiba yung buhay ko kung hindi siya ang Mommy ko?”
“Hindi ka mabubuhay kung wala siya.” Prangkang saad ko. “You can't change anybody but you can change yourself.”
“Will you be by my side, Ate?” Tanong niya. Napatitig ako sa kanya at saktong napaangat siya ng tingin sa akin.
“Hindi ako mangangako.”
“But I'll expect you to stay by my side.” Saad niya at ngumiti habang pinupunasan ang mga luha niya. “Hindi ako makapaniwala na sasabihin ko yun. Hindi ako makapaniwala na may tao na akong pagkakatiwalaan.”
Hinaplos ko ang buhok niya. Habang ginagawa iyon ay biglang may nag- doorbell. Lumapit ako sa pinto at nanlaki ang mga mata nang makita kung sino ang nandoon.
“Surprise!” Sigaw ni Diana at Fleur.
“Anong ginagawa niyo dito?”
“Sleepover.” Saad ni Fleur.
“Pero—” Naputol ang sinasabi ko nang pumasok na ang dalawa. Natigilan din sila nang makita si Krystal. Pinakilala ko sila sa isa't isa.
“Sa susunod na lang pala tayo mag- sleepover.”
“Dito na kayo matulog.” Saad ko.
“Girls' Night!” Tili ni Diana habang pumapalakpak pa.
Napatingin ako kay Krystal kung kumportable ba siya. Nakangiti siya habang pinapanood si Diana. Napatingin ako sa labas at napansing may nakatingin sa amin mula sa bintana. Nang makita niyang nakatingin ako ay agad siyang tumakbo paalis.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)
RomanceSelene Daphne Loretta has a lot of secrets. She hides the fact that she's from a rich family and decides to be independent. She changed everything and hides every connections she have to her family. Selene chooses to make her own world until a guy a...