Kabanata 3

27 2 3
                                    

“I’ll explain, Daph—”

“Bakit ka magpapaliwanag? I think you don't need to do that kasi we're just co- workers.” Saad ko pero hindi ko maipagkaila na hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang mga nangyayari.

“But I want to explain.”

“Ma'am Selene— ay, pasensya na po.” Sabi ng isang empleyado at umalis din agad.

Lalabas na sana ako sa lounge nang hatakin ako ni Sir Apollo papunta sa kanya. He locked the door with his other hand. Umiwas ako ng tingin nang tingnan niya ako.

“I know that I don't need to explain. Alam kong wala na tayo, alam kong wala na talaga.” Napamura siya. “I know that pero I always go back to you.”

“Kahit ilang beses mo akong itaboy, kahit ilang beses mo akong paalisin, sa'yo pa rin ako uuwi. I will always go back to you. I will always go home to you.”

Mas lalo akong umiwas nang sabihin niya ang mga iyon. I felt the warmth when he said that while holding my hand. Napamura ako sa isip ko. I need to push him again. I need to accept that we can't be together. Habang nag- iisip kung paano umalis doon ay biglang tumunog muli ang cellphone ko. Kinuha ko ang kamay ko na hawak niya at sinagot ang tawag.

“Nasan ka? Lunch tayo mamaya ah.” Saad ni Sir Josiah sa kabilang linya.

“Nandito sa opisina. Okay, sabay na tayo mag- lunch.”

“Sama natin sila Apollo at Diana.”

“May appointment si Sir Apollo mamayang lunch—”

“I cancelled it.” Saad niya ngunit hindi ko iyon pinansin.

“Hindi siya makakasama.”

“Daph,”

“He's with you, right? Dude, I know he'll cancel any plans just to be with you.” Sir Josiah said. “Selene, it's time to stop pushing him away. Maybe it's time to move forward with him, 'cause you aren't moving on your own.”

Binaba ko ang tawag at napatingin sa kasama. Napayuko na lamang ako at lumabas na roon. Dumeretso ako sa rooftop ng building.  Umupo ako sa pinakadulong bench at tumulala na lamang sa langit.

Inalala ko ang sarili ko sa mga lumipas na taon hanggang ngayon. Hinabol ko ang hininga ko at pinagkuskos ko ang aking mga kuko. I was not myself. I am not myself. Tumingin ako sa suot ko at napagtantong napapabayaan ko na talaga ang sarili ko. I was not like this, this is not the Selene Daphne I knew.

Napatingin ako sa tabi ko nang may nag- abot sa akin ng coffee cup, si Ma'am Diana iyon. She sat beside me after I accepted the coffee.

“Anong pakiramdam mo?” Tanong niya.

“Hindi ko alam,” Sagot ko at uminom ng kape.

“He still loves you 'no?” Tumingin ako sa kanya. “Kuya Apollo still loves you, wala naman sigurong bago.”

She laughed and looked at me. Hinawi niya ang buhok na nakaharang sa mukha ko papunta sa likod ng tainga ko.  Tumingin siya sa akin nang napaka- lambing. She held my hand and squeezed it.

“Mahal mo pa ba siya?”

“Wala namang bago.” Saad ko at umiwas ng tingin. Minura niya ako at pinalo ang braso ko.

“Eh bakit ka nage- emote? Sabihin mo sa kanya na mahal mo siya. Masyado mo pang pinapatagal—”

“Hindi pwede ‘no.”

“Kasi gusto mo siyang ipagtulakan palayo? Selene, kahit patigilin mo yun, kahit itulak mo yan sa iba, sa'yo pa rin yun. Kulang na lang nga lagyan niya sarili niya ng pangalan mo.” Saad nito habang ngumingisi. “Kakambal ko ba talaga yun?"

“Oo, mahal na mahal mo nga si—”

“Shh! You're changing the topic.” Sabi niya at uminom ng kape. “Magla- lunch tayo mamaya 'no? Sasama yun panigurado, libre na naman ang pagkain.”

“Siya na naman magba- bayad lahat.” Dagdag ko sa sinabi niya.

“Alam mo, nami- miss ko yung dating kayo.” Sabi niya bigla. “Wala na ba talagang chance?”

“I don't know. Gusto ko na nagbigay ng chance pero yun nga.”

“Take your time pero huwag gaano kasi hindi natin alam kung makakapaghintay pa ba si Kuya sa'yo—”

“Ikakasal na siya.” Saad ko at tumingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga. Minura niya ako.

“Huwag mo nga akong jino- joke time.” Sabi niya. “Totoo yun? Yung ia- arrange marriage siya?”

Tumango ako. Napalunok naman siya at agad na kinuha ang cellphone. May tinawagan ito.

“Where are you?” Seryosong tanong nito sa kausap. “Go to the rooftop, now.”

Magtatanong na sana ako kung sino iyon ngunit nakita ko nang nagsisitayuan ang mga empleyado. Napailing na lamang ako nang masilayan ang dalawa.

“Kumain na tayo sa labas.” Pag- aaya ni Diana sa aming tatlo at hinila na ako. Nang makalapit sa dalawa ay tumitig ito sa kakambal niya. “Hindi ka pupunta sa lunch meeting mo. Sa amin ka sasama, sa ayaw at sa gusto mo—”

“Sinong nagsabi sa'yo na pupunta ako dun?” Tanong nito at napatingin sa akin. “Let's talk later, love.”

Ngumiwi si Diana, humawak ito sa braso ni Sir Josiah at nauna na sila. Hinawakan rin ni Sir Apollo ang kamay ko. Kinuha ko agad iyon dahil alam kong nakatingin ang iba sa amin. Nauna na akong maglakad at sumunod na lamang siya. Nang makarating sa parking ay dali- dali ang dalawa na sumakay sa kotse at iniwan kaming dalawa ni Sir Apollo.

“Huwag na tayong sumama sa kanila.” Saad niya habang nakahawak sa nakabukas na pinto ng kotse niya.

“We'll talk?” Tanong ko at tumango naman siya. Pumasok na ako sa loob at sumunod naman siya.

Nagmaneho na siya at napansin ko na pamilyar ang daang tinatahak niya. Binuksan ko ang radyo at napasapo sa noo nang marinig ang kanta. Pinatay ko ang radyo ngunit binuksan niya iyon muli.

“It's our theme song.”

Napa- kunot na lamang ako ng noo at tumingin sa labas. Tinikom ko ang bibig habang nagpipigil ng tawa. Napamura ako sa isip ko.

“Galit ka?” Tanong niya, umiling naman ako.

Napahagalpak na ako ng tawa nang sumabay na siyang kumanta sa tugtog. Kahit galit, nagtatampo o kaya naman ay seryoso ito, kapag itong kanta na 'to ang narinig niya, sasabay at sasabay talaga siya.

“Miss ko na yung ganito.” Bulong niya.

Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon