Napalunok ako at tinapos na lamang ang ginagawa habang nasa likod ko siya.
“Ikaw na po ba ang magpipirma nito o si Ma'am Diana pa po?” Tanong ko sa kanya.
“Ako na, dalhin mo na lang sa office ko.” Saad niya at umalis na. Nang matapos ang printing ay sumunod ako sa kanya at inilapag yun sa lamesa niya.
“Can you fix my walls here? Ayaw ko ng glass wall eh. Can you do it tonight? Habang walang mga empleyado so that I can be comfortable to work tomorrow. Yes, thank you.” Ibinaba niya ang tawag at tiningnan ang ginawa ko.
“You're still good.” Saad niya. Pinagkiskis ko ang kuko ng hinlalaki ko. “You can now go, I'll just review this.”
Lumabas na ako sa opisina niya at nagbuntong- hininga. Umupo ako sa cubicle ko at napasulyap sa kanya. Hinawi niya ang kanyang buhok habang binabasa ang ginawa kong proposal. Kitang- kita ang matangos niyang ilong at mapulang labi. Hindi din mapagkakaila ang ganda ng mga mata niya kahit wala iyong emosyon. Kapansin- pansin din ang ganda ng postura niya.
Umiling ako at tumingin na lamang ulit sa monitor ko. Napa- takip ako ng bibig nang makita na wala na akong gagawin pa. Tumingin ako sa mga ka- department ko at nagu- usap na lamang sila at wala na ding ginagawa. Tumingin ako sa orasan at nakitang maaga pa.
“Nagugutom na ako.” Saad ko.
“Then order something.” Sabi niya habang inaabot sa akin ang mga papeles.
“Ako na lang po sana ang nagkuha sa'yo.” Kinuha ko ang papeles sa kanya. Tumingin si Sir Apollo sa mga ka- department ko at sinabing;
“Order na kayo ng meryenda, I'll just pay for it.”
Napabuntong- hininga na lamang ako nang makita ang mga kasama na nakatingin sa akin. Tumango na lamang ako at nagsitalunan sa tuwa ang mga ito. Umupo na ako sa cubicle ko at tiningnna ang papeles. Habang binubuklat iyon ay may biglang nahulog na post it note. Kinuha ko iyon at binasa.
See you later sa dinner.
Napailing na lamang ako dahil wala naman akong balak pumunta sa company dinner. Nang pumatak sa alas sais ang oras ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ang mga nandoon ay abala sa paglilinis ng mga pinagkainan nila. Inilagay ko ang bag ko sa balikat at nagpaalam na sa lahat.
“Mauna na ako.”
“Hindi ka na naman sasama?” Tanong ni Fleur. Umiling lamang ako at kumaway sa kanila.
Dumeretso na ako palabas ng opisina namin. Ang mga katrabaho ko ay busy sa pag- asikaso sa company dinner. Yun talaga ang bet na bet nila sa main building na ito. We have company dinners for two times in a month kapag Friday. Ayaw na ayaw kong pumupunta sa ganon dahil may pasok pa kinabukasan.
Hindi din gusto ng mga Wager ang schedule na ganito pero pumupunta pa din sila at umuuwi na lamang nang maaga. While, the oldest Guevarra really like this schedule.
It's a good thing to have an apartment near your company building, napaka- convenient. Hindi siya ganon kalapit pero kayang kaya naman lakarin. I took my time walking. Sa sobrang haba ng araw ngayon, lumulubog pa lang ang araw. Napangiti ako. Gustong gusto ko talaga ang sunsets.
Sunsets are really majestic.
Habang naglalakad ay napatigil ako nang makita ang nakalagay sa malaking screen ng ibang building. A man is talking about building the largest mall in the city, and that guy is my father. Nawala ang saya ko dahil sa sunset nang makita iyon.
Binilisan ko na lamang maglakad.
“Hinahanap ka nila!” Saad ni Fleur sa kabilang linya.
“Hindi pa ba sila sanay na hindi ako uma- attend ng ganyan?”
“Haller! Halata bang sanay na sila?” Napatawa na lamang ako.
“Sige, I'll just text them na lang—”
“Ay wait! Oo nga 'no! Sanay na sila na wala ka sa ganito. Baka isa lang naman talaga ang naghahanap sa'yo.” Pang- aasar ni Fleur na hindi ko naman maintindihan.
“Isa?” Tanong ko.
“Sir Apollo, magandang gabi po. Ah eto po? Si Ma'am Selene po.”
“Daph...” Nagsitaasan ang mga balahibo ko nang marinig ang boses niya.
“Sir Apollo—”
“God damn it! I'm looking for you. Sabi ko, I'll see you here—”
“They might hear you.” Saad ko. “I don't go to company dinners, Sir.”
Napapikit ako nang mariin.
“You don't call me that when it's not office hours, Daph. You call me 'Dom'. Call me like that again.”
“Lasing ka ba?” I asked.
“Kapag sinabi ko bang oo, pupuntahan mo ako ulit?”
“No, I won't go to you.”
“I miss you.”
Ibinaba ko ang tawag at kinalma ang sarili. Kiniskis ko ang mga kuko ko sa isa't isa. Kailangan kong magpahangin. Lumabas ako ng apartment ko nang naka hoodie at pajama lamang. I took a look at the clock. 12:03, it's already midnight. I shrugged and walked towards a convenient store.
Pumasok ako sa loob at bumili ng ice cream. Umupo ako sa labas ng store at nagmuni- muni habang kumakain ng ice cream. Tumunog ang phone ko pero hindi ko iyong pinansin. Tumunog ito ulit, napamura ako at kinuha iyon.
“Hatinggabi na, tumatawag pa din?” Iritado kong saad. Nagpapahangin ako tapos ganito?
“Ay? Galit na galit?” Tanong ni Fleur sa kabilang linya.
“Midnight na, Fleur.” Mahinang sabi ko dahil sa hiya.
“Alam ko, 'teh! Midnight na pala, bakit nasa labas ka pa?”
“What do you mean—” Napatigil ako sa paglibot ng tingin nang makita sila Fleur. Kasama nito ang ilang katrabaho sa department namin pati na din si Sir Apollo.
“Huwag kang mag- alala, hindi ka nila nakitang mairita.” Huling sabi ni Fleur at ibinaba na ang tawag.
She happily waved at me despite my irritated tone earlier. Kumaway din ang iba at kumaway naman ako bumalik. Nakangiti ako sa kanila but deep inside, I want to scream. Pwede namang sila na lang. Bakit kailangan pang kasama si Sir Apollo? Lumapit sila sa akin. Gumegewang- gewang na sila sa paglalakad except kay Fleur na hindi naman umiinom
Ghad! I forgot na dito nga pala sila pumupunta after a karaoke jamming. Napasapo ako sa noo ko dahil wala na akong maggagawa.
“Hinahanap ka po ni Sir Apollo.” Saad ng isa. “Wala po siyang kasama doon, kaya sa'min na lang po siya sumama.”
Tumawa- tawa pa sila, they're really drunk. Anong gagawin ko sa mga ito? Mas lalo akong nawindang nang mahagip ko ng tingin si Sir Apollo. Bumaling ako kay Fleur.
“Ay! Umuwi na kayo, guys! Magbu- book ako ng grab para sa inyo.” Saad ni Fleur pero sa akin nakatingin. Nag- peace sign siya sa akin.
“Ako na bahala kay Sir—”
“Syempre, 'teh! Ikaw pinunta niyan dito, edi ikaw mag- alaga.” Bulong niya sa'kin. Pinalo ko ang braso niya at tumawa lang siya.
Lumapit ako kay Sir Apollo. Sinubukan niya ding lumapit sa akin ngunit hindi niya maggawa. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay yun sa balikat ko.
“I told you before that you should stop drinking when you know that you're drunk.” Inis na saad ko.
“You haven't answered me yet.”
“For what?”
“I said that I miss you. Daph, I miss you.”
BINABASA MO ANG
Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)
RomanceSelene Daphne Loretta has a lot of secrets. She hides the fact that she's from a rich family and decides to be independent. She changed everything and hides every connections she have to her family. Selene chooses to make her own world until a guy a...