Kabanata 7

35 2 5
                                    

Napatingin ako sa likod ko at napalunok nang makita ang mga hindi inaasahang bisita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napatingin ako sa likod ko at napalunok nang makita ang mga hindi inaasahang bisita. Ngumisi siya sa akin. Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit si Tita Maia sa amin.

“Is she bothering you, Daphne?” Tanong nito.

“Bakit ka naman nangangaelam, Maia? I just want to see my dear stepdaughter.” Saad niya.

“You can fool everyone else but not me, Zoey. Besides, as far as I remember, you abandoned this girl a long time—”

“She wanted to be independent, that's why she left.”

“That's what you want to believe.” Saad ni Tita Maia. Napahawak ako sa braso niya at pinigilan siya. “Ako bahala dito, uupakan ko 'to.”

“How are you, Daphne?” Tanong ni Zoey sa akin.

“Wala kang karapatan na tawagin ako sa tunay kong pangalan.”

“Kung sa bagay, anak ko na ang nagdadala ng pangalan na yun.” Saad nito at humalakhak.

Kahit malayo na kami sa mga nandoon, kahit nasa kasuluk- sulukan na kami ng venue ay nakuha niya pa din ang atensyon na gusto niyang makuha. Inilibot ko ang tingin ko at nakitang karamihan sa mga nandoon ay nakatingin sa amin at nakikiususyo na.

Napabitaw ako sa braso ni Tita Maia at pinagkiskis ang mga kuko ko sa isa't isa. Kahit yumuko na ay napansin ko pa din ang pagngisi ni Zoey. Hinawakan ni Tita Maia ang kamay ko at hinila ako paalis doon. Binuksan ni Tita Maia ang isang room doon at iniangat ang mukha ko.

“Okay ka lang? Kinakabahan ka ba?” Tanong niya. “Stepmother mo siya 'diba?”

Hindi ako nagsalita dahil alam ko na kapag binuka ko ang bibig ko sasabay ang pagtulo ng mga luha ko. Sa pagkakataon na ito, pinipigilan ko na lamang na sumabog sa harapan ni Tita Maia. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ipakita sa iba na mahina ako. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang umiyak sa harapan ng iba.

“Hey, you can cry. Cry until you feel fine.” Bulong niya sa akin.

“Ayaw ko pong mag- alala ka— kayo sa akin.” Saad ko at pumiyok pa sa kalagitnaan.

“Alam mo, mas mag- aalala ako kapag alam kong tinatago mo lahat sa loob. Daphne, I know that we don't have the same experience but I also felt that way. If you want to be alone, I can go.”

“Pwede po bang mapag- isa muna ako?” Tanong ko at tumango naman siya agad. Hinaplos niya ang buhok ko at bumulong, “I want to adopt you.”

Pagkatalikod na pagkatalikod sa akin ni Tita Maia ay nagsitulo na ang mga luha ko. Sumabog na ako. Bumigat na ang dibdib ko. Napaluhod ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. I am always questioning my life. I am always asking to myself why do I have to feel like this? Why do I have to go through those things? Do I really deserve these?

Napamura ako dahil sa mga naisip ko. Napadapa ako sa sahig at mas lalong humagulhol. Ano bang ginawa ko para ma- deserve ang ganito? I keep blaming myself for my Mom's condition. Tapos ngayon, ganito pa? Is life this hard? Did I do something to make me feel this way?

Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon