Kabanata 4

26 3 0
                                    

Napatingin ako sa katabi ko nang narinig ang paghakay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napatingin ako sa katabi ko nang narinig ang paghakay niya. Hinawakan ko ang ulo ni Sir Apollo at ipinatong iyon sa balikat ko.

“You want me to sleep?” Tanong niya at tumango naman ako. “Hmmm okay.”

Natigilan ako nang maramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Hinayaan ko siya at tumingin na lamang sa labas habang nasa gitna ng traffic. Nang maka- andar na ang sasakyan ay saktong tumunog ang cellphone niya. Suminghal siya at agad na sinagot ang tawag. Napansin kong mahalaga ang tawag na iyon nang umupo siya ng maayos.

“Yes... I understand... Shall we reschedule it? No, it's okay. We understand... What question? Harley Ocampo?” Nagtinginan kaming dalawa nang marinig ang pangalan na ginagamit ko. “Why? She's my employee.”

“Sino yan?” I mouthed.

“Your Dad,” He mouthed back. Pinanlakihan ko siya ng mata. “Yes, I'm with her right now.”

Inilayo ni Sir Apollo ang cellphone mula sa kanyang tenga at ni- loud speaker iyon. Nanatili sa kanya ang tingin ko, nang mapansin niya iyon ay napatingin din siya sa akin. Tumaas ang lebel ng kaba ko nang marinig ang boses ng ama ko.

“Are you fine, Daph?” Tanong niya. Hindi ako sumagot. Nanginig ang labi ko at ramdam ko ang pag- ipon ng luha sa talukap ng aking mga mata. “I'm sorry, anak.”

“Park the car there.” Bulong ni Sir Apollo sa driver niya.

Ibinigay niya sa akin ang cellphone at lumabas. Binuksan niya ang pinto sa banda ko at inilahad ang kanyang kamay. Kinuha ko iyon at lumabas. Naramdaman ko din ang kamay niya sa ulo ko, pati na din ang panghihina ng tuhod ko. Agad niya akong inalalayan.

“I know that you'll only listen to me. I know that you won't talk to me. Please make sure that you're okay and safe. I always tell you how much I want you to live the life that you deserve—”

“I'm fine, Dad. Don't worry about me.” Saad ko habang inililibot ang tingin at napagtantong nasa Park pala kami. Napatingin ako sa mga mata ni Sir Apollo at doon na tumulo ang luha ko. “I'm fine, Dad.”

“Are they taking care of you?” Tanong niya.

“Yes,”

“Do I need to tell Apollo to take care of you?”

“You don't need to. Uhm— Dad, about the construction—”

“Wager Group will do it. I'll make sure of that. You don't need to think about those things, just worry about yourself. Make sure you're okay so that Daddy won't be sad, anak.”

Sunod- sunod na tumulo ang luha ko nang marinig ang mga katagang iyon. Pinunasan ko ang mga iyon at sinubukang hindi gumawa ng kahit na anong ingay. Hinila ako ni Sir Apollo papalapit sa kanya at niyakap ako.

“I'm okay, Dad. Apollo— Sir Apollo is taking care of me.”

“Bakit mo naman siya tinatawag ng ganon? Parang wala naman kayong pinagsamahan.” Narinig ko ang pagbungisngis ni Sir Apollo nang marinig ang sinabi ni Daddy. Naramdaman ko ang pag- init ng pisngi ko.

Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon