Ilang taon na din ang lumipas nang dito na ako tumira sa bahay nila Tito Theo. Nasanay na ako sa mga routine nila, sa mga okasyon, at sa pagmamahal na binibigay nila sa akin. They're not my real family but it feels like that. Pero, alam ko ba talaga ang pakiramdam na magkaroon ng pamilya?
Growing up not knowing my family's story, feels like not having a family at all. These sad years also become my free years as a person. Marami akong nakilalang tao, marami akong naranasang bago, maraming nawala, maraming dumating at bumalik.
Marami din akong naramdaman at naranasan sa paglipas ng taon. Ganon naman talaga ata ang karanasan ng lahat. Sa loob ng ilang taon na iyon ay nakita ko din na napakalaki ng mundo ngunit limitado lamang ang oras natin.
Apollo looked at me and smiled. Ngumiti ako pabalik sa kanya habang papasok siya sa movie theater ng bahay nila. Umupo siya sa tabi ko.
“Kumusta finals niyo?” Tanong niya.
“Ayos lang naman, kayo?”
“Ayos lang din sa akin, hindi ko alam kay Diana.” Saad niya at tumawa. Agad kong pinalo ang braso niya. Ang hilig talaga nitong pagtawanan ang kapatid niya. “Titigil na nga eh.”
“So pwede na kitang ligawan?” Tanong niya at umiling ako bilang sagot. “Sabi ko nga.”
“Bakit ba parang palagi kang nagmamadali?” Pabirong tanong ko sa kanya.
“Baka kasi maunahan ako.” Bulong niya at umiwas ng tingin.
Napataas ang kilay ko dahil sa kuryosidad patungkol sa sinabi niya. Maunahan? Bakit? Gusto kong itanong sa kanya muli iyo ngunit nahiya na akong magbukas ng bagong pag- uusapan.
“Inaantok na ako, Apollo.” Saad ko.
“Sige na, good night.”
“Good night din.”
Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay pumasok na naman sa isip ko kung gaano ako kawalang hiya para pumasok sa buhay nila. Nakitira ng ilang taon sa bahay nila, nakikain, nakitulog at binibigyan pa nila ako ng allowance. Gusto ko din si Apollo ngunit pumapasok pa din sa akin ang konsensya ko.
It's very hard to like someone who you're indebted the most.
Sobra na ang naggawa ng pamilya niya lalong- lalo na siya para sa akin. My family abandoned me here and his family accepted me. Pero may part pa din sa akin na hiyang- hiya na sa mga nangyayari. Nakakahiya at nakakakonsensya.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)
RomanceSelene Daphne Loretta has a lot of secrets. She hides the fact that she's from a rich family and decides to be independent. She changed everything and hides every connections she have to her family. Selene chooses to make her own world until a guy a...