Dali- dali akong naglakad ng mabilis papunta sa kabilang parte ng mall. Ang tanging nasa isip ko lamang ay ang makaalis dito nang hindi nila nalalaman. Pero kahit na anong iwas ko ay hindi ko maiwasang sumilay ng tingin sa kanila.
The girl that stole my name, my identity and the lady who let her do it.
Napangisi ako nang makita kung gaano sila kasaya sa estado ng buhay na ninakaw lang nila sa iba. Kung gaano sila nagpapakasasa sa buhay na dapat na akin. Nawala ang ngisi ko nang makita ang ama ko na papalapit sa kanila. Kaya pala busy. Kaya pala hindi makakapunta sa appointment, kaya pala.
Umiwas ako ng tingin at naglakad na lamang palayo habang nakayuko. Dire- diretso lang ang paglalakad ko nang bigla akong tumama sa isang matigas na bagay. Napadaing ako. Napahawak ako sa noo ko at hinilot iyon dahil sa sakit.
“Are you okay?” Tanong ng nasa harapan ko at tinanggal ang kamay sa noo ko. Siya ang tumingin doon. “Namumula noo mo.”
“Saan ako tumama?” Tanong ko dahil sa pagtataka.
“Sa dibdib ko.”
Bato ba yan? Bakit naman ang tigas masyado? Napailing ako at naglakad na lang ulit. Sumunod siya sa akin. Sa sobrang tangkad niya ay nakayuko itong nakatingin sa akin habang sumasabay sa mga hakbang ko.
“Tama ako!” Sigaw niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat at kahihiyan. “Girlfriend ka po ni Kuya Apollo!”
“Anong pinagsasabi mo?” Bulong ko. Nakakahiya 'tong lalaking 'to! Baka mamaya mapansin pa ako ng stepmom ko.
“Pinsan po ako ni Kuya Apollo.” Napatingin ako sa kanila at nakitang nasa banda namin ang atensyon nila.
“I'm sorry, kailangan kong umalis.” Saad ko at tumakbo na palabas.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kahit tumatakbo ay pinagkikiskis ko pa din ang mga kuko ko. Kahit tumatakbo palayo ay hindi maalis sa isip ko ang nakita. Ilang beses ko nang nakita ang ganong scenario pero parehas pa din ang reaksyon ko, walang nagbago.
Agad akong pumara ng taxi at sumakay doon pauwi. Panay ang tingin ko sa labas. Napadaing ako nang humapdi ang daliri ko. Bumuka ng konti ang balat nun at dumugo na din. Napatingin ako sa driver ng binigyan niya ako ng band-aid.
“Sa—salamat po.” Saad ko at kinuha iyon.
“Kalma lang, hija.” Sabi ni driver at ngumiti.
Napayuko na lamang ako at sinubukang huminga ng malalim. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang buhay na talagang sa akin. Kahit anong gawin ko, ibang buhay pa din ang kakatayuan ko. Nakakapagod ang buhay. Nakakapagod gawin lahat ng ito ng walang kasiguraduhan.
Pumasok ako sa CR at nag- shower. Sinubukan kong malinis ang utak ko sa paliligo ngunit hindi iyon tumalab. Lumabas ako doon at nanlaki ang mga mata nang makita sa labas ng bintana ni Apollo. Magkasalubong ang mga kilay nito at tila'y galit na galit.
BINABASA MO ANG
Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)
RomanceSelene Daphne Loretta has a lot of secrets. She hides the fact that she's from a rich family and decides to be independent. She changed everything and hides every connections she have to her family. Selene chooses to make her own world until a guy a...