Kabanata 6

17 1 0
                                    

Andaming nangyari ngayong araw, madami ding pumasok sa isip ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Andaming nangyari ngayong araw, madami ding pumasok sa isip ko. Napatingin ako kay Apollo. Pero lahat ng marami na iyon ay napawi. Lahat ng kinakatakutan ko, lahat ng walang katiyakan sa buhay ko, lahat na naisip kong walang saysay, nawala lahat.

Tumingin sa akin si Apollo at pinagsaklob ang mga daliri namin. Ngumiti kami sa isa't isa. Ngayong gabi, kahit ngayon lang, gusto kong maging ako. Gusto kong maging tunay na ako. Gusto kong maging masaya, kahit ngayon lang, kasama siya.

“What's bothering you?” Bulong niya sa akin.

“Andami ko lang iniisip pero ngayong gabi, susubukan kong maalis ang mga yun sa isip ko. I want to be happy tonight.”

“I'll make you happy everyday. Hindi ako sigurado na magiging masaya ka everytime pero gagawin kitang masaya araw- araw.”

Apollo always tells me that, even before and he never fails his words. He's true to it. Ngayon ko napagtanto na sa buong relasyon namin na tama siya. Na kapag magkasama kami, business palagi ang iniisip ko dahil gusto kong madivert ang atensyon ko. Napagtanto ko din na sobrang lungkot ng buhay ko pero nang dumating siya ay sumaya iyon.

Napagtanto ko din na kailangan ko ding maisip ang relasyon namin. Kailangan ko ding maisip ang side niya dahil palaging siya na lamang ang nag- iintindi sa akin. I always run away but he doesn't. Ako yung dapat na humaharap sa buhay ko at hindi siya. Ako dapat yung gumagawa ng paraan para sa sarili ko at hindi siya.

“40 million!” Rinig kong sigaw ng isa.

Napatingin ako sa painting na nasa harapan. A girl is looking at her reflection pero ang repleksyon niya ay ibang tao. Napangisi ako, naalala ko na naman sarili ko. Napatingin ako kay Tita Luna at nag- peace sign ito sa akin.

“Okay lang po, Tita. Ang ganda nga po eh.” Saad ko.

“45 million!” Sigaw ni Apollo. Nanlaki ang mga mata ko at pasimpleng tumingin sa kanya.

“50 million!” Sigaw naman ng isa.

“But I don't want it, Apollo.” Bulong ko. “I don't want to be someone else again.”

Napangiti si Apollo sa sinabi ko at hindi na nag- bid pa para sa painting na yun. Napapansin ko na gusto niya akong yakapain pagkatapos sabihin ko ang mga iyon ngunit hindi niya maggawa dahil napakaraming tao. Napangisi na lamang ako at siya naman ay natawa.

“Sanaol,” Rinig kong saad ni Diana na nasa harapan lamang namin.

“Sanaol nga,” Sabi naman ni Sir Josiah.

“Anong sanaol? Mag- uusap tayo mamaya, Josiah.” Saad naman ni Apollo.

“Narinig ko galing kay Fleur.” Tumawa si Sir Josiah. “Do we really look like we're in a relationship?”

“Hindi naman po, Sir. Sadyang malisosyo lang po mga tao sa department namin.”

“Edi sana alam nilang tayo.” Pagsabat ni Apollo sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. “I mean— basta.”

Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon