Simula

69 3 0
                                    

“Paki- ayos naman nung printer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Paki- ayos naman nung printer.” Saad ko sa isang intern mula sa IT Department. Tumango naman ito at agad na lumapit sa printer.

“Ma'am Selene, pinapatawag ka na po sa meeting room.”

“Hindi na ba pwedeng magpahintay for another five minutes? Hindi ko pa napi—”

“May powerpoint ka naman siguro?” Bungad ni Sir Josiah sa akin, tumango ako. “Okay na yan, huwag mo na iprint.”

“Sir—”

“Tara na,” Saad niya, napakahilig talaga niyang sumabat.

Kunyare ay papaluin ko siya gamit ang laptop ko ngunit bigla siyang humarap sa akin kaya napatingin na lamang ako sa labas ng glass wall.

“Kahit kilala ka ng pamilya ng may- ari, you should have prepared for the meeting.”

“Kagabi lang sinabi sa akin.” Saad ko at umirap.

“Kahit na, Selene.”

“Sorry na kasi, hindi ko naman alam na sira yung printer dito. Edi sana sa 6th floor na ako nagprint.” Sabi ko habang sumusunod sa kanya papunta sa meeting room.

Binuksan niya ang pinto at pumasok na kaming dalawa. Nag- apologize ako sa mga nandoon at sinabi na lamang na nagkaroon ng technical difficulties. Buti na lamang ay hindi nila ako pinagalitan at pinagsabihan lang na huwag nang mauulit.

Nagsimula na akong magpresent ng agenda namin para sa meeting. Ipinaliwanag ko lamang ang ilang mga bagay para sa project ng kumpanya ngayong taon. Iba- iba ang reaksyon nila nang matapos ko ang presentation ko. Ilang suhestyon at tanong ang binigay sa akin. Huminga ako nang malalim nang matapos ang meeting.

Tinulungan ko ang sekretarya ng bawat department na mag- linis at ayusin ang meeting room. Bumalik na ako sa cubicle ko at sumandal ng bongga sa upuan ko.

“Kaya pa ba today?” Tanong ni Fleur sa akin habang nilalahad sa akin ang kape.

“Oo naman, thank you.” Saad ko at tinanggap ang kape. Uminom ako ng konti at inilapag iyon sa lamesa ko.

“May dinner party daw mamaya ah."

“Palagi namang merong ganon kapag Biyernes.”

“Sasama daw si Sir Josiah.” Sabi niya. Napatingin ako sa kape ko. “Uy! Sasama na yan.”

“Pag- iisipan ko.”

Inilibot ko ang paningin at napansin na sobrang busy nilang lahat. Halatang gustong gusto matapos ang mga gawain para bwelo ang dinner party mamaya. Napailing na lamang ako at nirevise ang presentation ko at ginawan yun ng document type para mapapirmahan na sa COO ng kumpanya namin.

“Lunch na teh.” Sabi ni Fleur.

“Sige na, mauna na kayo.”

“Hindi pwede, magla- lunch ka kasabay namin.” Tumingin ako sa kanya at nakitang nakapamewang na siya. Sinave ko ang ginagawa ko at tumayo na.

Pumunta kami sa cafeteria sa 2nd floor ng building namin. Malaking cafeteria yun dahil sobrang dami naming empleyado ng kumpanya na ito. Sa totoo lamang, group of companies ang napasukan ko. Kung kaya't hindi na nakapagtataka kung maraming empleyado o buildings ang meron. May construction company, music company, food management company at marami pang iba.

Umupo na kami sa isang table kasama ang mga nasa department ko at doon kumain. Ako ang leader ng CEO Department. Kami ang nagha- handle ng lahat na dapat ipadala sa CEO ng kumpanya. Dumadaan muna sa amin ang lahat bago sa kanya.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagkaroon ng bulong- bulongan sa buong cafeteria. Napansin ko na ang karamihan sa mga nandoon ay nanlalaki ang mga mata at tila ba'y balisa na.

“Nanjan na daw yung CEO.” Rinig ko mula sa kabilang lamesa.

Syempre, chismosa ako kaya maririnig ko yun ng maayos. Binulong ko iyon kay Fleur at sa ibang ka department namin. Nanlaki ang mga mata nila at ako ay kumibit- balikat na lamang.

“Calling the attention of employees of Wager's Group of Companies, please proceed to the main entrance. Thank you.”

Napangisi ako nang mapagtantong muli na mas nauuna ang chismis kaysa sa announcement. Sakto na lamang ay tapos na kaming kumain kaya dumeretso na agad kami sa lobby. Marami nang tao doon. Kumaway sa akin si Ma'am Diana, ang COO, pati na din ang pamilya niya.

Pumwesto kami sa katabi nila at nagbeso ako kay Ma'am Diana. Nagmano naman ako kay Chef Theo at natigilan ako sa harapan ni Atty. Luna nang nakangiti itong tumingin sa akin. Nagbeso siya sa akin at ganon din ako. Tinapik niya ang balikat ko at tinulak ng mahina sa mga ka- department ko.

“Akala ko ba bukas pa dadating si Sir Apollo?”

Napatingin kami sa likod at nandoon si Sir Josiah.

“Akala din namin.” Saad ni Atty. Luna.

“Long time no see po, Tita.” Sabi niya, ngayon lang napagtanto na nandoon sila.

“Long time no see din, hijo. Ewan ko ba jan kay Apollo, nagmamadaling umuwi.”

“Nagmamadaling umuwi? Ilang taon na siyang hindi umuuwi dito sa Pilipinas.” Sumbat naman ni Chef Theo. Inirapan siya ni Atty. at lahat kami ay natawa na lamang.

“Let us all welcome, the CEO of Wager's Group of Companies, Mr. Apollo Dominique Wager!” Saad ng announcer. Pumalakpak kaming lahat nang makapasok na siya sa building.

Inilibot niya ang tingin gamit ang walang emosyon niyang mga mata. Nag bow siya sa aming lahat at nagpalakpakan naman kami. Siniko ako ni Sir Josiah at siniko ko din siya pabalik. Matapos ang ilang minutong pakikipag- usap ni Sir Apollo sa bawat head ng team ay nagawi siya sakin.

“Long time no see.” Saad niya at nilahad ang kamay.

“Long time no see din po, Sir.”

Matapos yun ay binati niya na ang pamilya niya. Sumenyas ako kay Atty. na mauuna na kami. Sumimangot ito sa akin ngunit tumango na din. Kumaway ako sa kanya at tumalikod na. Marami pa ding tao ang nandoon nang makaalis na ako. Nanatili din doon ang department ko ngunit ako'y nauna na dahil gusto ko nang matapos ang gawain ko.

Umupo ako sa cubicle ko at pinagpatuloy ang gawain. Lumipas na ang isang oras ay doon pa lamang nagsibalikan ang mga ka- department ko.

“Magkaka- tao na jan sa taas.” Saad ni Fleur.

Napatingin ako sa opisina ni Sir Apollo, malaki iyon at naka- elevate ng limang hakbang mula sa flooring ng department namin. Glass ang wall nun kaya kitang kita sa loob maliban na lamang kung ibaba ang blinds. Napansin ko na mas malinis na sa loob, baka nilinisan habang nasa baba kaming lahat.

Nang matapos ang gawain ko ay dumeretso na ako sa printer. Tinanong ko sila kung ayos na ba iyon at sumang- ayon naman sila. Nagprint na ako ng mga kailangang papeles na papapirmahan kay Ma'am Diana.

“Is that your presentation earlier?”

“Ay!” Sigaw ko na may kasamang mura. Napatingin ako sa likod at nanlaki ang mga mata. “Sorry po, Sir Apollo.”

“It's okay.” Saad niya, lumapit siya sa akin at bumulong. “Magugulatin ka pa din pala hanggang ngayon.”

Napatingin ako sa likod niya at nakita ang mga pasulyap- sulyap na ginagawa ng mga ka- department ko.

Hopelessly Falling In Love (Hopeless Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon