Selene Daphne Loretta has a lot of secrets. She hides the fact that she's from a rich family and decides to be independent. She changed everything and hides every connections she have to her family. Selene chooses to make her own world until a guy a...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Naglakad ako papunta sa loob ng isang opisina. Bumungad sa akin ang malaking ngiti ng aking ama. Ngumiti ako pabalik sa kanya at niyakap siya.
“How's my girl?” Tanong nito.
“I'm fine, Dad. Ikaw, kumusta ka po?”
“I'm also fine.” Sagot niya at humiwalay sa yakap. “What brings you here?”
“I want to work here.” Saad ko. Nanlaki ang mga mata niya at agad ding ngumiti.
“Are you sure? Nag- away ba kayo ni Mr. Wager?”
“Sure na po ako at hindi po kami nag- away ni Apollo.”
“You can work here if you want but your stepmom comes here when she needed something, pero hindi naman palagi.” Saad niya at napatango naman ako. “Alam ba ni Apollo ito?”
“Hindi po, actually I invited him to lunch. Baka gusto niyo pong sumama?”
“Sure, wala akong sched ngayon pero baka nakakaistorbo ako sa inyong magnobyo?”
Umiling ako at sinabing, “I want you to meet each other at tsaka pwede niyo na pong pag- usapan yung construction nung mall.”
“Business- minded ka talaga, anak.” Saad niya at tumawa.
Pinigilan ko ang sarili na ngumiti nang marinig na tawagin niya akong 'anak'. Nag- usap pa kami ng ilang mga bagay habang abala siya sa pagpipirma ng mga papeles. Magsasalita na sana ako nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin kaming dalawa doon.
Bumungad sa amin si Selene, step- sister ko. Agad siyang umiwas sa akin ng tingin at may inilapag na papeles sa harapan ni Daddy. Kita ko na habang inilalapag niya iyon ay nanginginig ang mga kamay niya. Tatalikod na sana siya nang nag- salita ako.
“Kakain kami sa labas ni Daddy at ni Apollo, gusto mong sumama?”
“Uhm— nakakahiya—”
“You should go also, anak.” Saad ni Daddy.
“Baka makita po ako ni Mommy.”
“Ako ang bahala sa kanya, Selene. You can come with us if you want.”
“Gusto ko pong sumama.” Saad niya at ngumiti. Nginitian ko siya pabalik. “Tawagin mo na lang po akong Krystal, nakakahiya po kasi gamit ko po yung pangalan niyo.”
Biglang lumubog ang puso ko nang sabihin niya iyon. Ngayon ko lang napagtanto na wala siyang kasalanan sa kung ano ako ngayon. She didn't choose to be like this. She didn't choose to steal someone's identity.
Nang matapos si Daddy sa mga paperworks niya ay napagpasiyahan naming umalis na. Si Daddy ay pumasok sa kotse niya at ako naman ay tumungo sa kotse ko. Napatingin ako kay Krystal nang tumakbo siya papalapit sa akin at piniling sa akin sumabay. Napailing na lamang si Daddy sa kanya.
“Alam mo po ba, Ate, hindi ko po father ang Daddy mo.” Biglang saad niya.
Natigilan ako doon at napasulyap sa kanya. Umiling ako at nakinig sa kanya.
“Sabi po yun sa akin ni Mommy—”
“Sure ka bang pwede mong sabihin yan sa akin?”
“Oo naman po, kapatid naman po kita. Hindi nga lang po sa dugo pero Ate pa din po kita.” Inosenteng saad niya. This girl... hindi ko na alam kung anong masasabi ko dahil sa pagiging sobrang honest niya sa akin.
“Gusto ko din pong malaman mo yung mga experiences ko po kasi feeling ko po na kapag nag- open up po ako sa'yo, ganon din po ang gagawin mo.”
“Sige, ikwento mo sa akin lahat ng gusto mong ikwento.” Saad ko at ngumiti.
“Yung totoong father ko daw po, hindi alam na nabuo ako. Sinasabi ko po sa sarili ko dati na ayos lang pero hindi naman po talaga. Gusto ko po siyang makilala pero sabi po ni Mommy, huwag na daw po.”
Sobra akong naaawa sa kanya.
“Palagi ko pong sinusunod si Mommy kaya ganito po ang nangyayari sa akin. Imbis po na mag- aral ako katulad ng mga kaibigan ko, nagsisimula na po akong magtrabaho.” Saad niya at pilit na tumawa. “Pero sobrang thankful po ako sa Daddy natin kasi kapag wala po si Mommy, tumatawag po siya ng tutor para makapag- aral ako.”
“He didn't do that to me but I know that he has reasons.”
“Mabait po ang Daddy natin. Sadyang hindi ka po niya naintindi kasi kailangan niya pong—”
“Nandito na tayo.”
May parte sa akin na takot na marinig ang dahilan. Natatakot ako na baka masira ang mga plano ko. Pumasok na kami sa restaurant at nasilayan ko na agad si Apollo at si Daddy. Lumapit kami sa kanila. Inalalayan ko si Krystal na umupo at si Apollo naman ay ang nag- alalay sa akin.
Nag- order na kami ng pagkain. Nasilayan ko si Krystal na sobra ang ngiti. Ngayon ko lamang siyang makitang ganon dahil ngayon lang kami napag- isa. Kapag kasama niya ang nanay niya ay seryoso siya. Tumingin ako sa labas at nasilayan sa kabilang kalsada ang step- cousin ni Apollo.
Kumaway ako sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya at ngumiti din. Tumakbo siya papunta sa restaurant.
“Ano ngang pangalan ng pinsan mo?” Bulong ko kay Apollo.
“Pinsan?” Tanong niya at napaangat ng tingin. “Zion Elliot Guevarra.”
“Magandang tanghali po.” Masigla nitong saad.
“Magandang tanghali— Mr. Guevarra?” Saad ni Daddy at napatayo pa ito dahil sa gulat nang makita si Zion.
“Mr. Loretta,” Nginitian niya si Daddy.
“Kumusta ka na? Upo ka, hijo.”
“Ayos lang po, ikaw po? Busy ka po masyado ah.”
“Oo, magsisimula na yung construction ng bagong branch ng mall namin. Syempre, Wager Constructions ang gagawa.” Pagmamalaki ni Daddy.
Habang nag- uusap ang dalawa ay dumating na ang pagkain. Inasikaso ko na muna si Krystal at si Apollo naman ay si Zion ang inaasikaso. Napatigil ako sa ginagawa nang mapagtanto na nakatingin sa aming dalawa si Daddy.
“You'll be good parents.” Saad niya at kumain na.
Binalewala ko iyon at kumain na din. Nag- usap kami tungkol sa trabaho at mga ganap tungkol sa amin ni Apollo. Si Krystal at Zion naman ay nakikipagsama din sa pag- uusap at minsan ay parehas pa ang saloobin nila. Nang matapos kumain ay umalis na agad si Daddy at si Krystal.
“Ano?” Saad ni Apollo kay Zion habang kumakain ito ng ice cream.
“Sanaol may lovelife.”
“Sanaol na ano? Mag- aral ka nang mabuti. Nakita ko yung card mo—”
“Bakit ba kasi kailangan pang mag- aral?” Tanong nito. Napatawa naman ako dahil dun. Sinamaan ng tingin ni Apollo si Zion. “Joke lang naman. Nag- aaral naman ako ng mabuti eh.”
“Nag- aaral ng mabuti—”
“I have many rooms for improvement.”
“Good job.” Saad ko. Agad namang kumislap ang mga mata niya sa sinabi ko.
“Buti pa si Ate Selene.” Sabi niya at ngumuso.
“Good job.” Panggagaya ni Apollo sa akin. Pinalo ko siya sa braso at natawa naman siya. Hinarap niya ako at sinabing, “I miss you.”
“I miss you too.” Saad ko.
“Ang tamis— ang tamis naman nitong ice cream.” Rinig kong sabi ni Zion kaya napatawa ako.