WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.
CHAPTER 11
Mamayang gabi na ang pasko at sabay namin itong sasalubungin ni mama. We are both currently preparing the foods we need later for Noche Buena.. She prepared the spaghetti while I prepared the mango float.
Next up is our viand, mga putaheng palaging nakikita sa mesa kapag may selebrasyon. We also bought lechon belly, just enough for the two of us.
We finished around seven and took a rest for awhile. Later at 10 pa ang simbang gabi so I still have time to rest.
I was about to sleep when I felt my phone vibrated from under my pillow. I opened an eye to see who's calling only to see Lian's name on my screen.
"Hey!" I greeted, still feeling sleepy.
"Did I woke you up?"
"Hindi pero matutulog na sana ako."
"Oh! I'm sorry."
"Hindi, okay lang."
"I just called to say that I'm missing you so much."
Agad napalitan ng kilig ang antok na nararamdaman ko. Parang nagkaroon ulit ako ng energy. I bit my tongue to hide my smile kahit hindi naman niya makikita.
"Sige! Tawag na lang ulit ako mamaya. Kiligin ka muna diyan."
I wasn't able to answer so he continued. I just a laughed at him and fixed my position.
"Hindi naman ako kinilig." I denied.
"Okay. Maniniwala na lang ako."
"Baliw!" sagot ko habang sinusulat ang pangalan niya sa ere.
"Um.. Matulog ka na muna. I'll call later."
"Okay."
"Good bye."
"Bye." Sagot ko at ako na mismo ang bumaba ng tawag.
Nakangiti akong pumikit at tuluyan ng nakatulog.
Mukhang kapipikit ko lang ay naramdaman ko ng may tumapik sa balikat ko. "Cathy." Narinig ko ang malambing na boses ni mama.
Dahan dahan akong dumilat at sinulyapan siyang nasa likod ko lang. "Kailangan mo ng mag-ayos. Maga-alas diyes."
Bago pumasok sa banyo ay naghanap muna ako ng maisusuot ko. Plano kong mag-suot ng simpleng jeans at blouse lang dahil sigurado akong lalamigin ako mamaya.
I just wore a simple red dress and a cardigan kasi medyo revealing yung sa likod.
"Antagal mo naman!" narinig kong reklamo ni mama mula sa labas.
I am having a hard time deciding kung ano ang susuotin ko. Should I wear heals or just flats?
In the end, I chose my old black heels. Bagay naman sa suot ko.
Habang naglalakad kami ni mama patungo sa simbahan ay marami ng bumabati sa'min. Mga kapit bahay lang rin naman namin.
"Ang laki na nitong si Cathy ah." Sabi nong isa sa nakasalubong namin ni mama. Isa ito sa kaibigan niya. They were having a conversation while we are on our way to the church.
"May nobya na ba 'to?" nakangiting tanong ng kaibigan ni mama habang nakatingin sa'kin.
"May nobya ka na ba raw?" I glance at her and she just raised her brows at me.
"Wala pa po."
"Sa ganda mong 'yan wala pa? Impossible ata 'yan iha." Sabay na humalakhak sila mama at ngumiti na lang ako.
YOU ARE READING
Far From Home (LANY Series #1) ON-GOING
Teen FictionLANY Series #1 Catherine Rose Perez, just an ordinary woman who was left by someone she love and Lincoln Andrei Santiago, a man with no experience at all met each other in an unexpected time. She was someone who wants to get over that relationship a...