Chapter 5

12 4 0
                                    

WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.




CHAPTER 5

Sunday and as usual, I am alone. I woke up early so that I can join the first mass for today. I just wore something simple and pleasant to look at since sa simbahan rin naman ang punta ko.

Nang makarating ako sa simbahan ay wala pang masyadong tao, halos mga matatanda lang rin ang narito. Ganito kasi kapag 1st mass sa amin. Mga matatanda halos ang umaattend sa oras na 'to.

May tatlong entrance ang simbahan dito. May malaking pintuan sa gitna tapos sa magkabila naman ay maliit lang. Doon ako pumasok sa right side na pinto at makikita dito ang crying room. Kadalasan ay ang may mga sanggol ang nandito. Doon ako pumupwesto palagi, hanggang ngayon rin naman.

Pagpasok ko ay dalawang tao lang ang naroon, parehong matatanda na. May tatlong benches ang naroon at doon ako pumwesto sa hulihan.

Ilang minuto ay nagsimula na rin ang mass. Tahimik lang akong nakikinig hanggang sa matapos. Pagkauwi ay hindi muna ako nagbihis, agad akong humiga sa kama at nag-iisip kung ano ang gagawin ko sa buong araw since ako lang naman mag isa dito.

Days passed by so fast and November came. I am getting ready to visit my father's grave. I bought some fresh flowers while mama bought some candles for the two of us.

When we arrived at the cemetery, marami na ang naroon. It looks like we're having a fiesta here. May dala-dalang pagkain ang iba.

Pagpasok mo sa gate ay may makikita kang stalls sa kilid na nagtitinda ng mga kandila, pagkain at bulaklak. Tapos malapit dito ay ang mga puntod ng mga naging opisyal sa aming barangay. Sa unahan naman ay iyong mga normal na residente lang.

My father's grave was from a distance so we still have to take a walk. As we arrived in front of my father, I grabbed the broom and cleaned it before transferring my flowers to the vase. Sinindihan na rin ni mama ang dala naming kandila.

I sat beside her quietly and stared at my father.

KEAN T. PEREZ

Narinig ko ang hikbi ni mama kaya napalingon ako sa kanya. Nasa mukha ang mga palad niya at mahina siyang umiiyak. After all this years, it's still painful for her. It's still for me but I don't want to show it. I have to be strong.

I told myself that I'll never cry again but my eyes are betraying me. Kusang tumutulo ang luha ko at ang hirap pigilan. Before he passed away, he reminded me not to cry because tears will never bring back someone's life or just something. Death will always be the end of every one. Mangyayari 'to sa lahat, it's normal raw. How many years have passed but the pain is still there. Nababawasan man pero hindi naman nawawala. It will never leave my heart, I know that. But life goes on no matter what.

"Namimiss ko na ang papa mo." Sambit ni mama habang pinupunasan ang luha.

"Miss ko na rin siya ma." Naluluhang usal ko.

"Kaya ikaw anak, mag-aral ka ng mabuti ha? Make your papa proud." Naiiyak na aniya.

I slowly nodded and looked up the sky. I know he's watching us from above. I know he's guiding us from there. You are still part of my plans, pa.

Ilang araw ang nagdaan ay kailangan ko nang bumalik sa city dahil hindi pa ako nakapag-enroll. Sa susunod na dalawang araw na ang pasukan pero nandito pa rin ako sa probinsya kaya nagpasyahan kong bumalik na.

"Tandaan mo ang mga bilin ko ha?" habilin ni mama.

"Yes ma. Kumain sa wastong oras. Umuwi ng maaga at mag-aral ng mabuti." Ulit ko sa sinabi niya kanina.



Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now