Chapter 12

52 3 0
                                    

WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.


CHAPTER 12

Saturday came and I woke up really early out of excitement that Lincoln will already be home today.

I don't know what time will they arrive but I have to prepare now kaya kapag dumating siya ay okay na ako.


Dapat maaga talaga akong mag-aayos dahil baka biglang susulpot 'yon dito.


Habang naliligo ay narinig kong may nag-uusap sa labas.


Mabilis kong tinapos ang pagsa-sabon at nagbanlaw.


May hinanda na akong susuotin kanina sa kama kay isusuot ko na lang ito.


Sumilip ako sa peep hole at nanlaki ang mata kong makita na nandoon si Lincoln at kinakausap ang landlady ko.


Tiningnan ko muli ang sarili sa salamin, may towel pa sa buhok ko. Si Lincoln lang naman 'yan. Char.


Nagpabango muna ako bago siya pinagbuksan.

Nang buksan ko ang pinto ay agad napalingon ang dalawa sa'kin. Ngumiti pa ng napakatamis ang landlady. Plastik nito. Nang bumaling ako kay Lian ay nakangisi na siya.

I smiled back and he gave me a tight hug. This feels so home.

"I missed you so much, Cath." Sambit niya at hindi parin kumakalas sa yakap.

Batid ko'y sa yakap niya pa lang ay sabik na sabik na siyang makita ako muli. Kinilig naman ako sa isiping 'yon.

Tiningnan niya ang kabuuan ng mukha ko ng bitawan niya ako.

"Hindi mo'ko na-miss?" nakangising tanong niya.

"Na-miss naman." Ngumisi ako sa kanya at pabiro siyang umirap. Gayshit.

"Tara? You ready?"

"Sandali lang, magsusuklay muna ako." Paalam ko at tumango siya. "Pumasok ka muna."

He followed me inside and sat in one of our sofa. I remembered the first time he came here just to ask for my number. Parang tanga.

Mabilis akong nag-ayos dahil ayaw kong paghintayin siya sa labas. Nag-apply na rin ako ng konting make up para hindi ako masyadong putla tingnan.

"Where are we going?" tanong ko habang papalabas na kami ng street.

"Sa condo ko." Sagot niya na parang wala lang 'yon.

"Anong gagawin natin sa condo mo?" kinakabahang tanong ko. Gusto ko siya pero ayaw ko pang isuko ang perlas no.

Sumulyap siya saglit sa'kin at ngumisi. "I want to cook something for you, wag kang mag-alala."

I sighed and trusted him.

"Pwede rin naman nating gawin 'yang iniisip mo. What do you think?" He smiled playfully as he glance at me.

"Bakit? Ano bang iniisip ko?" I looked away feeling so awkward.

"Ano nga ba?" he teased. Damn this man.

"Wala naman." Sabi ko nalang.

"Okay. Grocery muna tayo. I don't have the ingredients yet."

"May condo ka rin pala?" tanong ko kasi diba, ang laki na ng bahay nila tapos may condo pa siya.

"Yep. A gift from dad. Hindi ko masyadong nagagamit dahil palagi ako sa bahay." Bahagi niya.

Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now