Chapter 1

65 5 0
                                    

WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.


CHAPTER 1

Typical college student, sa coffee shop nakatambay para maki-wifi. Basta bumili ka lang ng kahit anong pagkain o drinks nila, may password ka na ng wifi. Halos mag tatatlong oras na ako dito pero wala pa akong balak umalis. Wala namang wifi sa apartment na tinutuluyan ko. Kilala rin naman ako ng mga nag tatrabaho dito kaya okay lang.

Medyo crowded ang coffee shop ngayon since alas singko na ng hapon at marami ng estudyante ang lumalabas mula sa campus. Ito lang kasi ang pinaka malapit na shop sa school. Actually, magkatapat lang 'to at ang school namin. Sa right side naman ay may pizza house. May 7/11 din at may Jollibee, ang pinaka malapit na fast food sa'min.

"Cathy!" There goes Lila with our annoying friends. Pero wala akong choice kasi sila lang ang kaibigan ko. Char.

She's with Angela and Zeus, mga kaibigan din namin.

Well, Lila. One thing to describe her, maingay. Siya iyong pinakamaingay sa aming lahat. Hindi tatahimik hangga't walang pagkain sa bunganga. Siya rin ang pinakamaliit sa amin. Kung gaano siya kaliit ay ganon din siya kaingay. But despite of her height, maganda naman ang katawan. Maalaga kasi siya sa katawan niya. Kutis mayaman rin. Obviously kasi mayaman.

"What now?" Tanong ko nang makalapit sila sa table. Isa-isa silang umupo sa tapat ko since mag isa lang naman ako sa malaking table. Papers at laptop lang ang kasama ko.

"Let's go for a drink." And that's Zeus everyone.  "Kaibigan ko 'yung may ari and opening nila mamaya. Free drinks. So walang gastos, pamasahe niyo lang." then he chuckled.

Zeus is the kind of friend that you can count on when it comes to walwal. Isang yaya mo lang, go na agad. To describe him, malaki ang katawan. Sabagay nag g-gym kasi. Kutis mayaman rin. Pala-inom 'to pero ayaw raw niyang magpatayo ng sariling bar.

"Can't go, marami akong gagawin." Sabi ko while pointing at the messy table in front of me. Nagkalat ang mga papel sa buong mesa ko at wala akong oras ayusin lahat dahil marami pa akong dapat tapusin. "Tsaka uminom pa nga kayo kagabi sa apartment ah. Iinom nanaman kayo ngayon?" reklamo ko. Are they really that thirsty?

"Sandali lang naman yon, ang strict naman kasi ng landlady mo." Sabi ni Zeus. Which is true, actually.

"Hay! Cath, iniwan ka lang, nagtino ka na. C'mon, mag aayos pa ako. For sure, maraming lalaki doon." Pilit ni Angela sa akin. Ang isa pang kaibigan ko.

And that's Angela, my most malandi friend. Hindi naman sa malandi as in kahit sino lang ang nakaka-ano. Basta ano. But 'yong kalandian niya ay through banats lang. Kumbaga, hanggang salita lang pero hindi seryoso. So, virgin pa 'yan... not sure.

Actually, pito kami lahat. Tatlo lang kami ni Lila at ni Angela ang babae tapos lalaki na 'yong apat.

"Tangina mo! May hinahabol akong deadline. Mamayang alas-otso na 'to kaya dapat ko na 'tong tapusin." Sigaw ko sa kanya.

So yeah, fresh from breakup ako. Sana nga inunahan ko 'yong gagong yon. Kapal ng mukhang mang iwan, akala mo naman sobrang gwapo. Shet, mahal ko naman. Tangina.

"Tsk. Bilisan mo nalang." Singit naman ni Lila tapos umirap pa. Inirapan ko rin siya.

"Mamayang alas noebe pa naman 'yon, may ilang oras pa kayo." Zeus said.

"San pala sila Levi? Ba't hindi niyo kasama?" tanong ko nang mapansing wala 'yong tatlong kaibigan pa namin. Umalis sina Angela at Lila sa tapat ko at pumunta sa counter para mag order.

Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now