Chapter 7

19 4 0
                                    




WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.

CHAPTER 7

Medyo tinanghali na ako ng gising ngayon dahil napasarap ang tulog ko. Plano ko ngayong araw ay ang mag-aral nalang muna dahil hindi ko ito natapos kahapon.

Naubos ang buong araw ko na narito lang sa apartment at lumalabas lang ng kwarto kung kinakailangan.

Kasalukuyan akong nakahiga sa kama at nakatunganga lang, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi pa ako inaantok.

I reached my phone and started scrolling through my twitter. I stalked Lian again and see no tweets about yesterday. Sabagay ako lang naman ang nasiyahan na makasama siya. Why would I even expect something from him?

Nagbabaka sakali kasi akong baka may tweet siya tungkol don.

I woke up the usual time the next day. Kyrelle is already on duty kaya ako na lang mag-isa ngayon.

I just took a walk para exercise na rin kaya medyo may pawis na ako pagkadating. Mabango pa rin naman.

Wala pang masyadong tao kaya tahimik ang room pagka pasok ko. Ilang minuto rin ang lumipas hanggang sa unti unti kaming na kompleto kaya nagsimula na rin ang klase.

Buong araw kong hindi nakita ang mga kaibigan ko kahit break lang man. Nasa room lang rin kasi ako.

Lumipas ang buong linggo ay wala namang espesyal na nangyari. Noong Saturday lang ay birthday na ni Lila. Inimbitahan niya kaming magsleep over kami sa bahay nila. Siya lang naman mag-isa dahil ang parents niya ay parating nasa ibang bansa.

Alas otso na nang makarating kami doon, pansin kong halos lahat sila ay may dalang jowa. Pinakilala na rin ni Levi 'yong kasama niya. Si Angela ay himalang mag-isa lang at pansin ko ang pamumula ng mata niya pero hindi ko na siya inusisa pa. Magsasabi naman 'yan kung gusto eh. Si Ken ay pareha kong wala ring kasama.

Kami lang namang magkakaibigan ang narito, well plus the girlfriends. Kahit si Lila ay may dala rin. And it was Lian's friend kaya medyo hindi ako naging komportable.

I wanted to ask him about Lian but I didn't bother.

Naging masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Lila, we were reminiscing those embarrassing and memorable moments we had as a squad. We also played games that we enjoy.

Naglabas na rin si Lila ng beer kaya mas lalo kaming umingay dahil napapasarap na ang usapan.

Habang nagsasaya kami ay biglang bumukas ang pintuan at pumasok roon ang mga magulang ni Lila. Napatigil kami sa pag-uusap dahil dito.

Hindi nagtagal ay nagsiuwian kaming lahat. Ang planong mag-sleep over ay hindi na matutuloy dahil sa nangyari. Ngayon lang umuwi ang mga magulang ni Lila at may kasama pa itong babae na parang ka edad lang namin.

As much as we want to stay to comfort Lila ay hindi na lamg muna. It's a family problem and we are out of it.

Iilan lang kami ang naiwan dahil si Angela ay sinundo ni William kanina pa habang si Lila ay biglang lumabas at umiiyak. Ni isa sa amin ay walang alam sa nangyari. Humingi rin ng paumanhin ang mommy ni Lila sa amin dahil mukhang nasira raw nila ang kasiyahan namin.

Nagpahatid lang ako kay Ken dahil gabi na at medyo delikado ang mag taxi. Paguwi ay agad akong naligo at nagbihis. Humiga ako sa kama at iniisip si Lila. I am curious about what happened but I think I can't ask Lila right now. Maybe the next day.

Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now