WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.
CHAPTER 17
Bago kami maghiwalay ay napag-usapan naming magkikita muli mamaya. Gaya ng nakasanayan ko ay ibabahagi ko kay Esley ang nangyari kahapon.
Simula noong akala ko'y na-snatch ang phone ko hanggang sa kaninang umaga.
"Ini-imagine ko ang mukha mo noong nawala ang phone mo sa'yo saglit. Shit, bes. Nakakatawa!" tinuturo niya pa ako saka malapit ng mamatay sa kakatawa. Sana ay matuluyan.
"Sus! Kung ikaw ang nasa posisyon ko ay ganon rin ang magiging reaksyon mo no!" pinandilatan ko siya kaya mas lalo siyang natawa.
"Bakit? Ano bang iniisip mo habang tinitingnan 'yong mga pictures? Ha?"
"Iniisip kong ang swerte ko dahil ang gwapo na niya tapos basta. Ang swerte ko." Sabi ko habang inaalala ang mga iyon.
"Mukha lang pala ang habol mo, tse!" tampal niya sa'kin.
"Duh! Syempre, magugustuhan mo siya sa itsura pero mahuhulog ka sa ugali no!" pagdadahilan ko.
Nakangisi siyang umirap saka sumeryeso bigla. Tumaas naman ang kilay ko.
"Asan na 'yong friend mo?"
"Sinong friend?" takang tanong ko. Iniiba ang topic bigla, hindi ko na tuloy alam kung anong ibig sabihin niya.
"'Yong ire-reto mo sa'kin. Gaga!" Nilabas ko ang cellphone ko at tinext si Ken.
Text Message
To: Ken Maceson
Where u at bro?
Agad naman itong nag-reply sa'kin.
Text Message
From: Ken Maceson
Papunta sa court
Text Message
To: Ken Maceson
May game kayo?
Text Message
From: Ken Maceson
Nope. Mamaya pa. why?
Text Message
To: Ken Maceson
Sabay tayong mag-lunch mamaya
Text Message
From: Ken Maceson
Sure
"Sabay ka sa aming mag-lunch mamaya ha?" baling ko kay Esley na nasa cellphone pa rin.
"OH. MY. GOD. Ito ba ang kaibigan mo, Cath?" Pinakita niya sa akin ang picture na tinitingnan niya. Nangi-stalk pala sa page ng school.
"Yep." Tango ko.
"Ang gwapo naman! May rason na ako para manuod ng basketball nito." Kinikilig na aniya kaya napangisi ako.
Sabi ko na nga ba. Who wouldn't like that guy?
"Alam mo, dapat pala ay nuon mo pa ako pinakilala sa mga kaibigan mo. Who would have thought na may nabubuhay at humihinga pa lang ganitong nilalang." Patuloy lang siya sa pagi-stalk habang ang mga mata ko naman ay pagala-gala sa kahit saan.
Ano kayang feeling ng ka-schoolmate mo lang ang gusto mo ngayon? Nakalimutan ko na eh.
Lumingon ako sa garden ng school, maraming alala ang nandyan sa lugar na 'yan. Kung ayaw kasi namin kumain sa canteen o sa labas ay doon kami kakain noon. May mga tables at benches tapos maaliwalas pa ang lugar.
YOU ARE READING
Far From Home (LANY Series #1) ON-GOING
Teen FictionLANY Series #1 Catherine Rose Perez, just an ordinary woman who was left by someone she love and Lincoln Andrei Santiago, a man with no experience at all met each other in an unexpected time. She was someone who wants to get over that relationship a...