Chapter 9

17 3 0
                                    


WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.





CHAPTER 9




Alas dose na ng gabi at hindi pa rin ako makatulog. Pagod na pagod ako kanina dahil ang layo pa ng binyahe namin pero hindi ko alam kung ba't hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Hindi ko alam o ayaw ko lang aminin?

Inaamin kong hindi mawala sa aking isipan ang mga binitawang salita ni Lian kanina. Who would have thought na gusto rin ako ng crush ko?

FLASHBACK

"God! You're so hard to unlove and it's so hard to stop." bulong niya at mataman akong tiningnan sa mata.

Nanlaki ang mata kong nakipag laban ng titig sa kanya. Triple ang bilis ng puso ko ngayon kumpara kanina. Parang hindi ako makahinga dahil sa bilis. Parang ilang kilometro ang tinakbo ko.

Ano ang sinabi niya?

Bahagya siyang lumayo at nakapamewang sa harap ko.

"Sabi ni Angela na fresh from break up ka raw." Sabi niya. Ngumuso ako at umiwas ng tingin.

Why did she have to tell him about it?

"I will help you Cath. You can use me to move on." Dagdag niya ng hindi parin ako nagsalita.

Shit. Siya na mismo ang nagsabi na pwede ko siyang gamitin but ayaw ko siyang masaktan. Umamin na siyang gusto niya raw ako. Paano kung dumating rin ang araw na ma realize ko na gusto ko lang siya pero hindi ko naman siya mahal? He told me loves me but what if I'm really not.

Nasaktan ako pero ayaw kong makasakit.

Sinulyapan ko siya ng bigla siyang ngumisi kaya napajwas ulit ako ng tingin. What the hell! Ang seryoso niya tapos bigla na lang ngingisi. One weird ass.

"Magsalita ka naman." Ngumuso siya. Halik gusto mo? Char.

"Anong sasabihin ko?" wala sa sariling tanong ko.

Bahagya siyang umatras at ngumisi. Tiningnan ko lang siya dahil ang weird niya talaga.

Susulyap tapos ngingisi na parang ewan. Ilang ulit niya iyang ginawa hanggang sa mag-aya na siyang bumalik na kami.

"Tara, baka hinahanap na tayo ron." Hinawakan niya ulit ang pulsohan ko gaya kanina at hinila ako pabalik.

Hinatid niya lang ako sa tapat ng kwarto saka nagpaalam siyang pupunta muna siya sa kanya.

"What happened?" mapanuksong ngumisi si Angela sa'kin ng makapasok ako.

"Chika ko sa'yo mamaya." Kinikilig na sabi ko.

Lumapit ako sa higaan ko at nahagip ng mata ko si Eve na nakatingin sa akin. Hindi nagtagal ay siya ang unang umiwas at tumalikod sa'kin.

Dala namin ang kanya-kanyang bag namin habang papunta sa parking lot. Siguro ay kina William na muna ako sumakay ngayon dahil parang awkward naman kung kina Lian ulit ako.

Nandoon naman si Eve na kasama niya.

Bubuksan ko na sana ang pinto sa backseat ng sasakyan ni William ng may humawak sa braso ko.

Napatalon ako sa gulat at sinulyapan kung sino iyon.

"I'll drive you home. Third wheel ka lang diyan." Sambit ni Killian.

Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now