Chapter 15

5 1 0
                                    

WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.

CHAPTER 15

Kinabukasan ay dito kami kumain ni Lincoln sa apartment. Sabay kaming tatlo na kumain at naging masaya naman iyon.


Paalis na kami sa street kung saan ang apartment ko ng biglang magring ang phone ni Lincoln. Naka-connect iyon sa sasakyan niya kaya nalaman kung si Eve ang tumatawag.


"Yes?" bungad ni Lincoln pagkasagot ng tawag.


Nanatili akong tahimik dahil kapag magsalita ako ay siguradong maririnig iyon ng kabilang linya. Nakaloud speaker kasi.


"Where are you?"


"I'm on my way to school. Why?" tanaw ko ng ang school kaya nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko para kapag huminto na siya ay agad na akong bababa.


"Pwede ba akong sumabay?" napairap ako sa tanong ni Eve.


"What? Why? Where's your driver?" taking tanong ni Lincoln habang abala pa rin sa pagmamaneho.


"Uh... umuwi sa kanila. Bukas pa babalik." Psh!


"Ah... okay." Mas lalo akong napairap sa sagot ni Lincoln.


"Thanks Drei." Sagot ni Eve at kusang binaba ang linya.


Nang huminto siya ay agad akong nagpaalam sa kanya at bumaba.


"I'll pick you up later again." Aniya kaya tumango ako. "Bye, see you later."


Ngumiti ako saka sinarado ang pinto ng sasakyan niya.


Typical day in school, class hours and the kapag break ay minsan tatambay lang sa library. And the whole day ay kasama ko lang si Esley. I don't know if saan ang mga kaibigan ko. Mga malalaki nanaman 'yon.


"Tumawag nga kanina noong hinatid ako ni Lincoln eh." Bahagi ko. Pinag-uusapan nanaman namin ang tungkol kay Eve at Lincoln.


Hindi ko alam kung ba't mas bothered si Esley tungkol sa kanila kaysa sa akin eh.


"Really?"


"Yeah. Sasabay raw sa kanya papasok. Psh!" sabi ko at umirap. Nasa library kami ngayon. Kami lang dalawa ang nasa table at pinili naming sa dulo pumwesto dahil walang masyadong tao at gusto naming mag-usap lang. And for sure, mag-iingay kami kaya lumayo kami doon sa librarian.



Required ata kapag librarian ka ay dapat istrikto ka. Ganyan 'yong librarian namin. Kahit konting ingay lang ang nagawa mo tapos kahit hindi mo naman iyon sinadya ay papalabasin ka na.


"Tapos?"


"Ayon. Sumunod nga si Lincoln."


"Selos ka dahil may kahati ka?" nakangising tanong ni Esley. Mas inilapit pa ang mukha niya sa akin


Mahina kong tinulak ang noo niya at umirap ako.


"Saka na ako magseselos kung may label na." usal ko kaya natawa siya.


"Bakit? Hindi ba nanligaw sayo? Ha?"


Don't break my heart.


There we go again. Kahit kagabi sa pagtulog ay hindi 'yan anwala sa isipan ko. Why am I so affected?


"Nanligaw naman pero..."


"Pero?"


"Basta!" sabi ko at sumandal sa sandalan saka humalukipkip.


Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now