Chapter 2

35 6 0
                                    

WARNING: THIS IS AN UNEDITED CHAPTER SO EXPECT FOR TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS.

CHAPTER 2

Nagising ako sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana. I slowly opened my eyes and realized that I am in my bed. I tried to remember what happened and I can only remember the guy. Shoot! Him again.

Chineck ko muna kung iyon pa rin ba ang suot ko. And yes, I'm right. Minus the sandals lang.

Unti unti akong bumangon at naramdaman ko na ang sakit ng ulo ko. Worst part of getting drunk, hangover sa umaga. At least worth it 'yong sakit ng ulo ko, nag-enjoy naman ako kagabi. Ata.

I immediately went to the bathroom because I feel so dirty. Hindi na rin masyadong kita ang make-up ko. Sabagay, light lang naman kasi ang nilagay ko.

While brushing my teeth, I remember the guy again. Hindi man lang tumalab ang banat ko. I should seek for an advice from Angela. Expert 'yon pagdating sa mga ganito. Iyong tipong kahit sinabihan ka ng ayaw niya, babanat pa rin.

I'm thinking that maybe I should try to date someone new, maybe in this way, makakalimutan ko 'yong taong nang-iwan sa'kin. Flirting may be a good start. I guess.

I just have to divert my attention to other things or just keep myself busy from different stuffs. But whatever you do, no matter how hard you try to forget someone, nasa puso mo na 'yong tao eh. Maalala at maalala mo pa rin siya.

I don't actually regret spending a couple of years with him, naging masaya naman ako pero ang sakit lang kasi. 'Yong gusto mong isipin na sana hindi mo nalang siya nakilala. Sana hindi nagtagpo ang landas niyo kung hindi naman kayo magkakatuluyan. 

He spoiled me with so much love but being left for another person fucking hurts. Iyong hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Hindi mo alam kung may nagawa ka ba because he just left without a word. Biglang hindi nagparamdam, biglang nawala. Malalaman mo nalang na may iba na pala. Mapapa 'Am I a joke to you?' ka nalang.

Maybe dating someone new would help me move on. O baka may mas hihigit pa sa pinadama ng ex ko sa akin. Angela's right. My life doesn't end here. May nawala pero hindi dito matatapos. I should get a life.

I cooked anything I could find from the fridge. Nag-init na lang rin ako ng tubig para sa hangover ko. Wala na akong instant noodles kaya ito na lang muna. At least mababawasan ang sakit ng ulo ko.

I looked around my living room. I still need to clean and that's what I did the whole day. I threw all the things I don't need anymore and kept what I can still use.

Nang malapit ng dumilim ay naisipan kong mag-grocery muna. Bumili ako ng mga instant foods. I bought anything I need and want but not all. I am living alone so I have to save.

Pagbalik ko sa apartment ay nilagay ko muna ang mga pinamili ko sa kusina at 'yong mga bathroom essentials ay idinertso ko na sa bathroom. Naligo na rin ako at nagluto ng makakain.

While eating, naalala kong Sunday pala bukas, baka uuwi muna ako sa amin sa probinsya.

Sunday came and I really went home. Isang oras lang naman ang biyahe from the city. I just listened to my favorite playlist so I won't get bored.

Nang makarating ay tahimik na bahay ang bumungad sa akin. Kagaya ng apartment ko ay may maliit na sala pagpasok mo. Sa left side ay ang dining area na for 4 sitters lang. And then beside it is our small kitchen. May hagdan din na 3 lang ang hakbang malapit sa dining area. Patungo ito sa kwarto namin.

Alas noebe na pala ng umaga, nasa trabaho na si mama sa oras na 'to. Nilagay ko muna ang bag ko bago pumunta sa ospital kung saan nag tatrabaho si mama. 

Far From Home (LANY Series #1) ON-GOINGWhere stories live. Discover now