Ryle's POV
"What do you think? maganda ba?" tanong saakin ni stella habang pinapakita saakin ang kulay asul na bistida na may design na mga puting bulaklak. kasalukuyan kaming nandito sa department store dahil mayroon daw bibilhin si stella.
"You can try it ma'am" ani ng sales lady na nakatoka rito sa female section.
"you should try first, para makita mong bagay talaga sayo" suggest ko at tumango naman siya, inalalayan siya ng sales lady para mag punta sa fitting room.
Pagkatapos ma ihatid ng sales lady si stella ay bumalik naman siya sa gawi namin kanina at inayos ang nagulong mga damit, na upo naman ako nang maka kita ako ng isang bakanteng bench dito malapit sa shoes section.
inilibot ko ang paningin ko sa paligid, madaming tao ngayon sa mall kadalasang nakikita ko ay magkakapamilya. sales day ngayon kaya madaming nagmurang mga magagandang gamit dito katulad nalang ng mga sofas, damit, appliances, at kung ano ano pang pwedeng gamitin sa bahay.
Nilingon ko ulit ang fitting room dahil napansin kong may lumabas dyn ngunit hindi si stella, tinignan ko ang lockscreen ng cellphone ko para tignan ang oras, alas singko na ng hapon.
Pinatay ko ulit ang phone ko at nilibot ulit ang paningin sa paligid habang naghihintay kay stella, natigil nalang ako ng makakita ako ng isang magandang sapatos, tumayo ako saka nagpaalam sa sales lady na kapag hanapin man ako ni stella ay sabihin na mag ba-banyo ako.
Tumungo ako sa nakapukaw saakin na sapatos, rubber shoes ito na kulay puti, may design itong light blue sa gilid gilid nito sa palagay ko ay bagay sa bibilhin niyang bestida.
At tsaka regalo ko na rin sakaniya ito dahil malapit na ang ka-arawan niya.
"para po sa girlfriend niyo?" napatingin ako sa gilid ko at tumumbad saakin ang isang sales lady, napangiti naman ako saka umiling.
"ah hindi, para sa kaibigan ko" ani ko saka binalik ang tingin sa sapatos.
"ms may size 9 ba kayo nito?" tanong ko.
"Meron po, saglit ikukuha ko po kayo" tumango ako habang nakangiting pinagmamasdan yung sapatos.
"What a coincidence"
Nawala ang ngiti ko nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses, ini angat ko ang tingin ko at tumumbad saakin si Jina habang nakangising naka tingin saakin.
"para saakin ba yan?" tinignan niya ang hawak kong sapatos,"Peace offering?" akmang hahawakan niya iyon pero inilayo ko sakanya. "how sweet" dugtong niya.
"Sir ito na po yung siz-- ito po ba yung kaibigan niyo? napakaganda naman po hehe" napatingin kaming dalawa nang dumating ang sales lady.

BINABASA MO ANG
Stella (Short Story)
FanfictionHis dream girl is literally on his dream. Bangtan Series #5 Date Started: July 23, 2021 Finished: Aug 6, 2021