Ryle's POV
Sa lahat ng aking ginagawa
Ikaw lamang ang nasa isip ko, sinta
Sana'y 'di na tayo magkahiwalay
Kahit kailan pa manKanina pa yan pinapakingan ni stella habang nasa daan kami papuntang mall, pinapabayaan ko lang siya dahil natutuwa akong pakinggan ang boses niya habang sumasabay sa kanta.
Ikaw lamang ang aking minamahal
Ikaw lamang ang tangi kong inaasam
Makapiling ka habang-buhay, ikaw lamang, sinta
Wala na 'kong hihingin pa, wala na...
"Wala na" wala sa sarili kong na i-usal habang naka tingin kay stella.
"Ooh, ooh--" tumingin siya saakin kaya naman napa-iwas ako ng tingin at binalik nalang iyon sa daan.
"Ryle"
Halos mapatalon ako dahil sa seryosong tuno ni stella pero di ko iyon pinahalata, "hm?" Ani ko habang naka-tingin pa rin sa daan.
"Daan muna tayo sa coffee shop, libre ko" binalinan ko siya ng tingin at nag taas ng kilay, "bakit? Nagugutom kana ba?"
"Please?" Niyugyog niya ang balikat ko sabay ng puppy eyes dahilan para matawa ako ng mahina. "Sige"
Nang maka-kita ako ng isang coffee shop ay mabilis kong pinarada ang kotse ko sa bakanteng pag parkingan sa harap ng coffee shop. Agad naman ng bumaba si stella at pumasok.
Napa-iling nalang ako dahil halatang nagugutom na nga siya, di man lang kasi ako hinintay eh.
Napatigil ako ng tawagin niya ako kaya dali dali na rin akong pumasok at sumunod sakaniya.
"Good morning ma'am and sir" nakangiting bati saamin ng cashier. Ngumiti lamang si stella at ini angat ang tingin para tumingin ng o-orderin niya.
"You can order our couples promo ma'am, meron pong 10% discount"
Nanlaki ang dalawang mata ko nang marinig ko ang sinabi ng cashier, ganoon rin si stella kaya bahagya nalang akong napa kamot sa likod ng leeg ko.
"Uhm...sure, i'll get this chocolate cake too--ikaw anong gusto mo?" Humarap siya saakin kaya bumalik ako sa wisyo. Masyado lang siguro akong nagulat nung pumayag siyang kumuha ng couples promo.
"A-ahh yun nalang din"
"Okay so one couple promo and two chocolate cakes" ani nung cashier habang may kung anong pinipindot sa cash register.
"369 po lahat ma'am" agad naman nag abot ng pera si stella at tinanggap naman iyon ng cashier.
"Here's your number, you can sit and wait for your order" nasamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang sinabi ng cashier pasimple akong ngumiti at kinuha ang tray na ang lagay ay numero namin.
BINABASA MO ANG
Stella (Short Story)
Fiksi PenggemarHis dream girl is literally on his dream. Bangtan Series #5 Date Started: July 23, 2021 Finished: Aug 6, 2021