STL 11

31 8 0
                                    

Ryle's POV

Maingay at nakakasilaw na gawa ng neon lights ang sumalubong sa'kin nang makapasok kami kung saan kami dinala ni jace.

Hindi ito yung bar kung saan ginanap ang birthday niya, sa tingin ko ay mas mamahalin dito kesa don.

Na upo kami sa bakanteng upuan sa gilid, pinagmasdan ko lang mga nagsasayawan sa gitna. Bahagya nalang akong napa-iling dahil medyo maaga pa at madami ng lasing kaagad dito. Yung iba ay wasted na.

"Dude anong sayo?" Napatingin ako kay jace ng siniko ako nito.

"Kahit ano" walang gana kong sagot dahilan para mapangiwi siya at binalik ang tingin sa waiter.

"Jager nalang sakaniya"

Halos lumuwa ang dalawang mata ko sa pagkagulat, tumingin ako kay jace at nakita ko pang itong ngumisi saakin.

"Hayop ka!" Mariin kong sambit dahilan para mas lalo siyang humagitgit ng tawa.

Strong kasi ang alak na iyon, pag nakarami ako non ay paniguradong matinding sakit sa ulo ang abot ko kinabukasan.

"Sabi mo kahit ano eh" natatawa niya paring sambit ngunit di ko nalang siya pinansin.

Gastos niya naman, siya bahala.

Kinuha ko ang phone ko at muling binuksan yun, nagbabakasakaling may panibagong text nanaman si stella ngunit dismayado kong pinatay ulit ang phone ko nang makita kong wala siyang text sa'kin.

Napasinghal nalang ako at tinuon nalang ang tingin sa nag sasayawan sa gitna habang hinihintay ang order namin. Habang inililibot ko ang paninhin ko ay napikaw ng isang babae ang tingin ko.

Nakatingin rin siya saakin, obviously she's flirting. Natanggal ang tingin ko sakaniya nang dumating na ang order namin.

Kinuha ko ang baso na may lamang ice at sinalinan yun ng alak, sabay sabay kaming tumagay at natawa nang walang dahilan.

Siguro dahil sa saya?

Sa pangalawang beses naming shot ay sinalinan ko ng Jager ang baso ko, di ko pa ito nasusubukan pero alam kong malakas ito.

Itinaas naming ang baso naming tatlo para makapag cheers.

"Para sa chix ni ryle na di siya sinipot– aray" binato ko siya ng ice cubes.

Walang preno talaga bunganga nito.

Nang makapag cheers na kami ay sabay ulit namik iyon tinungga.

"Kanina ko pa napapansin na kanina pa tingin ng tingin sayo yun" tinignan ko ang tinuro ni jace at nakita ko nanaman ang babae kanina.

"Chix pre, puntahan mo na" pang uuto saakin ni jace pero umiling lang ako.

Hindi ako interesado.

Maganda naman yung babae, di ko iyon ipagkakaila ngunit wala lang talaga ako sa mood para mangulikta ngayon.

"Panget mo kabonding tanga!" Sigaw ni jace pero di ko lang siya pinansin.

Tumayo siya at pumunta sa gitna ng dancefloor, sasayaw ata.

Halos mapikit na ako ng mariin dahil sa kahihiyan, ganon ba kabilis tumalab sakaniya yung alak?

Walang pumapansin sakaniya dahil lahat ng tao ay para ng hayop kung makasayaw dito ngunit nakakaramdam pa rin ako ng hiya dahil sa pinag gagawa niya.

Hindi pa naman ako masyadong lasing, tipsy lang dahil nakakalimang shot palang kami ni dave.

May pagkaboring din kasi itong kasama dahil tutok lang ito sa phone niya, tanging pag inom nalang ang naging libangan ko sa ngayon.

Stella (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon