STL 16

39 8 3
                                    

Watch this first


•THIRD PERSON'S POV•

Seryosong nakatingin ang pamilya ni ryle sakaniya habang ito ay payapang natutulog sa malambot nitong kama.

Isang linggo na kasi itong natutulog, nung una ay inakala nila itong patay na o nabangongot ngunit nung tinakbo naman sa hospital ay may heartbeat pa.




Ang sabi ng doctor na tumingin sa kanilang anak ay uminom raw ito ng maramong sleeping pills, mabuti nalang daw ay agad na na-itakbo ito sa hospital kung hindi ay nakita niya na si kamatayan.


"Jusko po"


Napa-tayo ang kapatid at ama ni ryle nang bigla nalang humikbi ang kanilang ina, agad silang lumapit at tumingin kay ryle na ngayon ay unti unti ng gumagalaw.



"Tumawag ka ng doctor" utos ng ama sa kaniyang kapatid, agad naman na rin itong nagtatakbong lumabas para tawagin ang doctor.



Sawakas ay tuluyan ng gising si ryle, humawak ito sakaniyang tagiliran at bahagyang napakunot nang wala siyang makapang kahit anong sugat.




Kunot noo pa rin niyang inilibot ang kaniyang paningin at nakita ang ina niyang di pa rin tumitigil sa kakahikbi.




"Ma.." sinusubukan niyang bumangon at agad naman siyang inalalayan ng kaniyang ina.



"May kailangan ka ba? May masakit ba sayo?" Nag aalalang tanong nung mama niya.



Umiling lang ito, at sa pangalawang beses ay inilibot niya nanaman ang kaniyang paningin sa paligid. Na para bang may hinahanap.


"S-si stella?"


Nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na napakunot, taka nilang tinignan ang anak nila na ngayon ay naghihintay ng sagot.


*klak*



Napatingin silang tatlo sa pinto dahil may pumasok, napa atras ang mag asawa para bigyan ng space ang doctor para matignan si ryle.




"Nawalan na ng bisa sakaniya ang mga ininom niyang sleeping pills, sa ngayon ay kailangan niya munang mag pahinga." Ani ng doctor saka na ito lumabas ng kwarto.




Napa sign of the cross nalang ang kaniyang ina para magpasalamat, nakangiti nilang nilapitan ulit si ryle ngunit hanggang ngayon ay gulong gulo parin.




"Narinig mo yun anak? Magpahinga ka muna sa ngayon" malumanay na sabi ng kaniyang ina.



"Oo nga kuya, miss ko yung paglalaro natin ng video games" ani raven, kapatid niya.



Tulala lang si ryle dahil hindi nag sisink-in lahat ng mga nangyayari sakaniya ngayon.



Panaginip lang ang lahat? Tanong nito sa isip niya.


Tumingin ito sa kaniyang mga magulang habang may bakas pa rin sa kaniyang mukha ang pag katuliro.


"Si stella po?" Tanong nito.

Nagkatinginan silang tatlo dahil wala silang kilalang nag ngangalang stella.


"Sinong stella?" Takang tanong ng tatay niya.



Napakumot ito saka natawa dahil alam niya ay kilala ito ng kaniyang ama, "si stella po, yung kaibigan ko, yung kasama ko sa condo, di niyo na ma alala?" Ngiti nitong sabi.



Ngunit nanatili pa ring nagtataka ang tatlo dahil di naman talaga nila kilala si stella at tsaka wala naman talagang condo si ryle.


At higit sa lahat ay walang kaibigang babae si ryle.


"K-kuya..." halos mabasag ang boses ng kaniyang kapatid, na aawa kasi ito sa kuya niya.



"Ano bang pinag sasabi mo? Walang stella, walang ka ring condo anak" ani ng tatay niya.




Taka lang tumingin si ryle sa mga magulang niya, "hindi, kasama ko lang siya kagabi, nabaril pa nga ako" kinapa niya ulit ang tagiliran niya ngunit walang sugat iyon.


"N-nabaril?"


"Opo ma, tatakas na sana kami ni stella kaso nabaril ak–" tumulo ang luhang kanina pa pinipigilan ni ryle.





Alam niyang panaginip lahat ng iyon ngunit di niya matanggap, di niya matanggap na hindi totoo ang prenoprotektahan niya, di niya matanggap na yung taong pinaka malapit sakaniya ay di nag eexist.



Ina-amin niyang may gusto siya sa dalaga ngunit di niya iyon na sabi.



Nasabi naman niya ngunit di niya matandaan.



"Nanaginip ka lang anak" para siyang sinampal ng katotohanan sa narinig niya.



Wala ng nagawa si ryle kundi umiyak nalang, sa isip niya ay mas masakit pa itong nararamdaman niya kesa dun sa nabaril siya.




Hindi siya totoo, hindi siya nag e-exist sa mundong ito, hindi totoo si stella.



THE END.

•••••••••••••••••••••

A/n: alam kong ang cliche HAHA by the way thank you!!

Hindi nga ako satisfied sa ending kaso yan lang nakayanan ko tapos start na rin ng pasukan namin sa monday.

Stella (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon