STL 14

34 7 0
                                    

Ryle's POV

Napapansin kong ini-iwasan ako ni stella nitong mga nakaraang araw, kagaya nalang nung nang-yari nung isang araw. Inaya ko siyang mag celebrate pagkatapos nung final exam niya pero di lang ito kumibo at diridiritsong pumasok sa kwarto niya.

Tinanong ko naman si dave kung may nangyari ba nung nalasing ako, ang sabi niya lang naman saakin ay sinundo lang naman daw ako ni stella sa bar nung gabing yun. napapa isip tuloy ako kung may ginawa ba akong hindi niya nagustohan or nasabi.


I was too dumb to notice
That there's something about you
What am I supposed to do
I sure wish I knew.




Nabalin ang tingin ko sa radyo nang mag play ito, nakapag tataka lang ay inilipat ko to ng istasyon para makinig ng balita ngunit napunta ito sa kantahan.


All the butterflies I felt inside 

Never really mattered 

Wishful thoughts and sudden smiles 

Ended being shattered.


Pinihit ko ang volume para lakasan ito, actually maganda yung kanta.


What are we supposed to be
I'm hopelessly addicted to you
But you never felt the same
Time may pass us by
But you'll stay stuck on my mind
And that moment we stared that night
I thought it was right
But maybe I was wrong all along
I held onto something that never really mattered
Stuck on that starting line
I'm still silently, quietly hoping you'll end up with me.


"Dude!"

*blag*

Nahulog ang radyo nang masikil ko ito dahil sa gulat, inis akong bumaling kay jace na ngayon ay natatawa, sumulpot naman si dave sa likuran niya at bakas sa mukha nito ang pagtataka.

"T*ngina naman dude, bat ka nang gugulat?! uso namang kumatok diba?" sarkastiko kong tanong sakaniya at pinulot sa sahig ang nahulog na radyo.

"kanina pa kami katok ng katok pero di mo naman kami pinag bubuksan, tapos makikita ka naming nag e-emote jan" aniya.

Tumayo ako para ibalik sa tamang lagayan yung radyo, sa tingin ko malilintikan ako ni mama kapag bumisita siya rito at makita niyang may gasgas itong radyo.

Pag balik ko ng sala ay bahagya nalang akong napasinghap dahil ang kakapal ng mga mukha nila, kumuha na kasi sila ng pagkain niluto ko kanina. para sa haponan namin yun ni stella pero mukhang uubusun ng dalawang ito ang niluto ko.

"bakit ba kayo nandito?" iretado kong tanong at na upo sa gilid.

"wala lang, gusto lang naming malaman kung sasama ka mamaya" sagot ni jace habang puno ng pagkain ang bunganga niya.

"pass ako ngayon" 

"sure ka?" tanong pa ulit ni jace at tumango naman ako.

"okay, sige alis na kami" aniya at tumayo na.

"mabuti yan lumayas na kayo dito, alis!" nagtawanan naman silang dalawa bago sila tuluyan maka labas dito.






Stella's POV

"ew gem, yan ang isusuot mo?!" 

Stella (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon