SPECIAL CHAPTER

41 7 2
                                    

Ryle's POV

Hinipan ko ang sketch pad ko matapos kong ma-idrawing ang babaeng nasa panaginip ko. Ngiting ngiti ko itong pinag mamasdan dahil kamukhang kamukha niya talaga ang iginuhit ko.

Napakaganda niya, ngunit di siya nag e-exist sa mundong ito.

Unting unti nawala ang ngiti ko dahil sa inisip ko. Panira.

Isinarado ko ang sketch pad na hawak ko at ibinalik na iyon sa hand bag na dala ko, matapos kong makapag ligpit ay sumandal ako at napabuntong hininga nalang habang nakatingin sa kawalan.


Bahagya akong napa-pikit dahil sa malamig na hangin ang dumampi sa balat ko. December na ngayon kaya malamig na plus mag gagabi na rin.



Kasalukuyan akong nakatambay dito sa park, day off ko ngayo kaya may oras akong makapag gala. Nag aaya nga si jace na uminom ngunit tumanggi ako.


Nakakatawa lang dahil di man lang nag bago ang ugali ni jace sa panaginip ko, gago pa rin siya.



"Tabi tabi po" napamulat ako ng makarinig ako ng mahinang boses.



Inilibot ko ang paningin ko hanggan sa mahagip ng mga mata ko ang isang babaeng bumibili ng cotton candy sa di kalayuan.


Napaningkit ako para tignan iyon ng mabuti, halos mag si taasan ang balahibo ko ng humarap ito sa gawi ko habang hawak hawak niya ang pinamili niyang cotton candy.



Ngumiti ito kaya naman ngumiti rin ako.



"Ate!" Napatingin ako sa batang tumakbo sa likuran ko, sinundan ko iyon ng tingin hanggang makalapit siya sa ate niya.



Tulala pa rin akong nakatingin sa babae, hindi ko na nga namalayan na nakalapit na pala ako sakanilang dalawa.


Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin ito sa'kin, napalitan ng pagtataka ang expression ng mukha niya.

"Excuse me do you need something?"


Napakurap kurap ako ng mag salita niya bahagya akong napayuko dahil nararamdaman kong namumula ang mukha ko dahil sa hiya.



"Mister?" Tanong ulit nito kaya naman napa angat na ako ng tingin.

"Uhm..."

"Kuya ang galing niyo pong i-drawing si ate kanina" napatingin kaming dalawa sa batang nakapagitna sa'min.

"Ha? D-drinowing niya ako?" Tanong nito.


"Opo ate, kuya ipakita mo nga!" Hinawakan nung bata ang laylayan ng suot kong t-shirt dahilan para mapatingin ulit ako sakaniya.


Tumingin ako sa dalaga na ngayon ay nakataas lang ang kilay.


"Ah.." nahihiya kong binubuksan ang hand bag ko para kunin dun ang sketch pad.


Binuklat ko ito at hinanap ang kaninang drinowing ko.



"Ito hehe" nahihiya kong binigay ang sketch pad ko.



Nanlaki ang mata niya nang makita niya iyon, nag balik balik ang tingin niya sa'kin at dun sa sketch pad.


"W-wow" namamangha nitong sabi.


"Kamukhang kamukha ko nga elle" anito habang pinapakita niya iyon sa bata.


"Ang galing niyo naman kuya"



"Ah di naman, kamukha mo kasi yung babaeng nasa panaginip ko" usal ko dahilan para mas lalo siyang mamangha.



"Elle!" Napatingin kami sa likuran nila nang may sumigaw na babae.


"Ay nako kailangan na nating umuwi elle" dismayadong sambit nung dalaga.


Tumingin ulit ito sa'kin saka ngumiti, binalik niya ang sketch pad.



"Alis na kami kuya, salamat pala ha" aniya saka nag lakad na sila pa alis.


Ngunit parang may nag tutulak sa'kin na tawagin siya ulit.



"Ms!" Sigaw ko at napatingin ulit silang dalawa sa'kin.


"Ano palang pangalan mo?" Lakas loob kong tanong, ngumiti siya



"Stella"



Naka-ngiti niyang tugon saka tumalikod.






A/n: kala niyo tapos na? Mag sisimula palang kwento nilang dalawa.

SOON!

Stella (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon