Chapter 15:
Ilang araw na ang nakakalipas magbuhat nang simulan akong turuan ni Jaydee. Isang buwan na rin pala pero hanggang ngayon naiirita pa rin ako sa lalaking unggoy na ‘to. Hindi pa rin nagiging mabait sa akin ang isang ‘to hanggang ngayon.
Sabagay, hindi na rin ako magrereklamo kasi mukhang galit naman talaga siya sa mundo. Palibhasa may unrequited love. Kaya sa sobrang bitter, buong mundo na ang hinehate.
Saya saya ng life tapos sinasayang lang niya. Kawawang unggoy.
“Isang buwan na tayong nasa basic. May balak ka pa ba talagang matuto? Ang slow learner mo masyado.”
Patience, Ash. Keribels lang ‘yan. Intindihan mo na lang ang unggay na ‘yan. Hindi pa kasi fully developed kaya ganiyan. It’s okay, Ash. It’s really okay.
Pumikit ako sandali para marelax at itinuon ulit ang atensyon sa gitara. Hindi ko na lang siya papansinin para matahimik parehas ang buhay namin.
“Slow na bingi pa,” bulong niya pero obvious naman na nagpaparinig.
Inuubos talaga ng unggoy na ‘to ang pasensya ko pero sorry siya. Kung gusto niyang mainis ako, pwes hindi ako maiinis. Asa pa siya.
“Wala na ‘tong kinabukasan.”
Pero ang kapal talaga ng pagmumukha niya. Akala mo kung sinong magaling e bukod naman sa paggigitara mukhang wala ng ibang alam.
“Hoy. Ano na? May balak ka pa ba talagang matuto? Nagtatanga-tangahan ka lang ba o sadyang tanga ka?”
That’s it. I ran out of patience.
Inilapag ko ang gitara saka tumayo sa harap niya at nagpameywang. Ang isang kamay ko pa ay ginamit ko pangduro sa kaniya. Rude na kung rude. Wala pa rin talagang tatalo sa pagkarude niya. Siya ang pinakarude sa lahat ng pinakarude.
“Hindi ka ba naturuan na kung wala ka namang sasabihin na maganda, huwag ka na lang magsalita. Mas mabaho pa sa bad breath at lumalabas diyan sa bunganga mo. Ako nagtitimpi lang ako sa ‘yo dahil tinuturuan mo ako pero kasalanan mo talaga kaya hindi ako matutuo. Instead na turuan ako, lait ka ng lait. Kung hindi lait, nambwibwisit ka. Parang pinanganak ka para mang-inis lang sa mundo. Anong problema mo sa buhay? Nakakaubos ka na ng pasensya ha. Nandito ako para magpaturo sa ‘yo pero lagi mo lang akong iniinis tapos hindi ka naman nagtuturo ng maayos. Nagsasayang lang tayo parehas ng oras. Kung noon palang sinabi mo na na hindi mo ako matuturuan e ’di sana naghanap na ako ng ibang magtuturo sa akin.”
Tinitigan niya ako at maya maya ay tinaasan ng kilay. Arte nito. May nalalaman pang ganu’n.
“Are you done?”
Napakagat ako sa labi ko at napapikit sa sobrang lakas makainis ng unggoy na ‘to.
“Hindi kasalanan ng instructor kung talagang slow lang ang tinuturuan niya. Nasa estudyante na ang diperensya. Kasi kung gusto mo talagang matuto, kakayanin mo kahit walang nagtuturo sa ‘yo.”
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...