“You’re improving.”
Napatingin ako kay Jaydee at napangiti. Nasa rooftop na naman kami at hanggang ngayon ay tinuturuan niya pa rin akong maggitara. For the first time since we started this guitar session, he complimented me. Boo yah!
Coming from the expert, then, siguro nga nag-iimprove na talaga ako. Kabisado ko na ang basic at kaya ko na kahit papaanong tumugtog ng ilang songs. The easy one. Minsan nagloloading pa rin ‘yung fingers ko sa pagkapa ng keys kaya lang kung ikukumpara noon na maski first stanza hindi ko magawa, ngayon kaya ko na.
Oh my goodness, I’m so proud of myself. I’m so great. Yeah, you’re so great, Ash!
“What’s at stake?” he asked.
“Saan?”
“You learning how to play the guitar. You’re giving too much effort just to learn.”
“Oh, that. Wala lang. Pride ko lang.”
Tinaasan niya ako ng kilay sa naging sagot ko. Ano ba ang ineexpect niya? May kapalit na milyones kapag natuto akong maggitara?
“Ang taas naman ng pride mo.”
“It’s a great satisfaction when you prove people wrong. Sabi nila hindi ko kaya, then I’ll show them na kaya ko. No one has the right to belittle me. No one is allowed to say that I cannot do whatever they ask me to do. Not even myself.”
“Lakas ng fighting spirit ha,” sabi niya at tinanguan pa ako.
Tinanguan ko rin siya at umasta na nagmamayabang, “Mahal ko sarili ko kaya dapat palagi kong sinusuportahan ‘to.”
Bumalik na ulit kami sa paggigitara nang biglang mag ring ang phone niya. Nang tingnan niya ‘yun ay napangiti na lang siya at napailing. I bet si Ate Sab ‘to.
“Anong problema?” tanong niya sa nasa kabilang linya na itago na lang natin sa pangalan na Sab. “Why are you asking me?”
Tumingin siya sandali sa akin at napatango, “Yeah, she’s with me.” Ako ba pinag-uusapan nila? Hindi naman sa assuming o ano pero ako lang naman kasama niya dito. Except na lang siguro kung may iba pa siyang nakikita na hindi ko naman makita.
“Ha. Seriously? Does she have a curfew or what? ... Ah. Overprotective brother. She’s not a child anymore. She’s ...” Napahinto siya at tumingin sa akin saka bahagyang inilayo ang phone, “Ilang taon ka na?” tanong niya.
“Fifteen.”
“She’s fifteen years old already. She can handle herself. ... I can’t. Basta. I’m hanging up. Bye.”
Ibinalik niya ang phone niya sa bag at saka ulit humarap sa akin, “Game, tugtugin mo naman ‘yung – “
“Sino ‘yung tumawag? Si Ate Sab?”
“Oo. Hinahanap ka raw ng Kuya Ice mo. Hindi ka raw nagpaalam na hindi ka uuwi agad.”
Mas mahigpit pa talaga ‘tong si Kuya Ice kaysa kila Papa at Mama.
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...