Chapter 23: Pizza Delivery

136K 5K 419
                                    




Nanlaki ang mata ko sa narinig ko kay Aubrey. Paanong nangyari 'yon? Paano nag-break ang dalawang bestfriends ko? Maniniwala pa ako kung maghihiwalay ang ibang tao. Ibang tao pero hindi silang dalawa. Isa pa, masyado naman atang mabilis 'yon.

"Phoenix, pwedeng sa susunod na lang tayo - "

"Oo naman. Sige, samahan mo muna si Marga."

"Thanks. Please pakisamahan din muna si Rocco ha."

Hinila ko na si Aubrey at tumakbo para sundan si Marga. Saan ba nagpunta 'yong babaeng 'yon? Ayaw niya kapag pinapatakbo kami sa P.E. 'yon pala may tinatagong bilis sa pagtakbo ang bestfriend ko. Hay nako.

"Nasaan na ba 'yon?"

"Ah, kasi, ano.. Ash. After Phoenix called you, tumakbo na siya somewhere. Hindi ko nga siya napansin 'cause, I don't know. Masyado sigurong mabilis? Basta when I looked at where she's supposed to be, wala na siya doon and si Rocco na lang 'yong nandoon. Nakaupo sa stairs tapos sabi niya that they broke up na."

"Ang bilis masyado. Saan kaya 'yon pupunta?"

"I'll call her."

Hakbang na ako ng hakbang habang nagriring ang phone ni Marga. Panay tanong din ako kay Aubrey kung sumagot na ba pero nakakailang missed call na siya, wala pa rin.

"Try mo pa."

Tinawagan niya ulit at after few rings ay sinagot na niya, "Hello, Marga? Where are you? Hinahanap ka namin ni Ash."

"Pakausap, please."

Tumango naman si Aubrey at iniabot sa akin ang phone niya. "Marga, nasaan ka ba? Ayos ka lang ba?"

"Nasa may greenhouse ako."

"Okay. Diyan ka lang. Pupunta kami ni Aubrey diyan. Okay?" Humarap ako kay Aubrey at iniabot ang phone niya sa kaniya, "Let's go sa greenhouse."

Nang makarating kami doon ay nakaupo lang si Marga sa bench sa harap. Nakatulala na para bang ngayon lang nagsink in sa kaniya lahat ng nangyari.

"Marga," I called kaya napatingin siya sa akin. Nginitian niya pa ako pero alam ko behind that smile, gusto na niyang umiyak. Kaya lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap. "I'm here. I am here."

Nang sabihin ko 'yon ay tuluyan na nga siyang humagulgol. Nakayakap pa rin ako sa kaniya habang nakaupo naman si Aubrey sa tabi niya at hinahagod ang likod ni Marga. Nang mahimasmasan na siya ay umayos na siya at ikwinento sa amin ang nangyari.

"Nang mag-usap kami sinabi ko sa kaniya na naiinis ako doon sa babae. Tinanong niya ako kung bakit. Strike 1 na 'yon." Napapailing niyang sabi, "It doesn't take a genius para malaman na naiinis ako sa babae kasi nagseselos ako. Bakit hindi niya maintindihan 'yon?"

"Kasi he's a boy?"

Siniko ko si Aubrey sa sinabi niya. Nakita na niyang seryoso 'tong isa eh.

"So I spelled it out for him. Sinabi ko nagseselos ako doon sa babae. Sinabi niya na friends lang sila at ang babaw ko para magselos. Strike two. Sorry, hindi ko alam na mababaw pala na makaramdam ng selos kapag may nakita kang babae na nakikipagtawanan sa boyfriend mo, nakakakwentuhan ng boyfriend mo, ang flirty ng dating sa boyfriend mo. Mababaw pala 'yon."

"No, it's not mababaw."

Paggatong ulit ni Aubrey kaya sinamaan ko ulit siya ng tingin.

"Sabi ko, wala na akong pakialam. Mababaw na kung mababaw. Basta as much as possible, huwag niyang i-entertain 'yong babaeng 'yon. Kaya lang alam niyong sinagot niya sa akin? Sabi niya hindi naman niya mapipigilan kung lumalapit sa kaniya 'yong babae. Ayaw din naman niyang maging rude doon sa babae. 'Yung tipong makita palang daw niyang papalapit, bigla na lang siyang tatakbo palayo. Ang rude daw ng dating. Strike three."

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon