"Hindi nga sabi ganyan!"
"Bakit ka naninigaw?"
"Slow learner!"
"Wow ha. Hindi madali 'to! Palibhasa, marunong ka nito!"
"You're a slow learner! Ten yrs old ako natuto maggitara! 10! How old are you? 17? Bakit ang hina mo pa rin pumick-up?!"
"15 ako! 15 going on 16! At kasalanan ko ba kung pinanganak ka para maggitara? Edi wow. Edi ikaw na gifted! Hampas ko sa 'yo 'tong gitara eh!"
Napakaharash naman ng unggoy na 'to. Makatawag lang ng slow. Slow ng slow e kitang nasa first section ako. Siya nga 'tong wala dun e. At isa pa, sadyang mahirap lang talaga maggitara. Ang sakit kaya sa kamay. Feeling niya naman.
"Bakit mo ba kasi pinipilit maggitara hindi mo naman pala kaya?" iritang tanong niya.
"Wala kang pakialam!"
"Fine," sagot niya at lumayo ng kaunti at naggitara mag-isa.
So ano ngayon pinapamukha niya sa akin? Na marunong siyang maggitara at ako hindi? Ang yabang ha! Kapag ako nasanay.. akala niya ha!
Sa sobrang inis ko ay napatayo na ako at saka nagpapadyak, "Sige! Bahala ka! Huwag mo akong turuan! Magsolo ka diyan! I-upload ko video mo sa Youtube at sasabihin ko kay Ate Sab na may gusto ka sa kanya!"
Napahinto siya sa paggigitara at tiningnan ako ng masama. Sobrang sama na tumaas ang balahibo ko sa takot sa tingin niya. Napikon.
"Shut. Up." He hissed and walked out.
Two words! Two freaking words and he almost gave me a heart attack. Kailan pa ako natakot sa kanya?!
Iniling iling ko ang ulo ko at huminga ng malalim, "Last na 'yan, Ash. Ngayon ka lang matatakot sa lalaking 'yun. Wala kang kinatatakutan. You're Ashley Scott. I'm Ashley Scott."
Para na rin malipat ang atensyon ko sa iba, tinawagan ko si Phoenix para ayain makipagdate. Makipagdate.. sa ipapakilala ko sa kanya.
***
Kasalukuyan kong pinapanuod si Phoenix na nakikipaglandian sa kaibigan ko. Sana ito na ang hinahanap ni Phoenix. Sana siya na. Sana si Ynna na.
"Excuse me lang ha. Labas lang ako saglit," paalam ko sa dalawa.
Nginitian ako ni Ynna samantalang kinunutan ako ng noo ni Phoenix. Parang sinasabi niya na huwag akong umalis kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Kailangan nilang magkaroon ng privacy ni Ynna. The more na magsolo lang sila, mas lalo silang magkakakilala.
Kapag nandito ako,baka hindi makagawa ng move si Phoenix. Baka mahiya lang kahit hindi ko alam kung nasa bokabularyo niya ang salitang hiya.
Nagpapahangin ako sa labas nang makita ko si Ate Sab kasama si Kuya Josh.
"Ate Sab! Kuya Josh!" sigaw ko sa kanila kaya napalingon naman sila sa akin.
Nilapitan nila akong dalawa, "Bakit nandito ka? Sino kasama mo?"
"Si Phoenix at Ynna."
Tinaasan ako ng kilay ni Ate Sab at sa tingin niyang 'yun, parang alam ko na ang iniisip niya. Naidaldal nga pala kasi ni Ate Zoe si Phoenix sa kanila noon.
"Ayoko ng tingin mo. Nakakapangilabot."
"Phoenix. Akala ko ba -- "
"Look, Ate Sab. Kahit tuksuhin niyo man ako ng ilang milyong beses kay Phoenix, that won't change the fact na magkaibigan lang kami. Just because nakita ni Ate Zoe na magkasama kaming dalawa, doesn't mean na may 'thing' kami sa isa't isa. Bago maging kayo ni Kuya Josh 'di ba nagsasama pa rin kayo na kayong dalawa lang. You hate each other back then."
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...