Chapter 12: Doubts

192K 6.3K 359
                                    

Tatlong araw na magbuhat nang huli kong makita si Phoenix. Hanggang ngayon hindi niya pa rin ako pinapansin. Paano nga naman niya ako papansinin kung hindi ko naman siya nakikita? Hindi kasi nagpapakita. Baka tinataguan ako gaya ng pagtatago ko sa kanya noon.

“Hindi pa rin kayo okay?” tanong ni Marga.

“Hindi nga nagpapakita ‘yung tao paano sila magiging okay,” dagdag ni Rocco.

“Malay mo tinext siya o kaya nagPM sa Facebook or nag-tweet sa Twitter.”

 “No. Hindi pa rin kami ayos hanggang ngayon,” sagot ko sa dalawa.

 “Ikaw, okay ka lang ba?”

Kapag sinabi ko bang hindi ako okay may mababago ba? Kapag sinabi ko bang hindi ako okay, hindi na magagalit sa akin si Phoenix? Kapag sinabi ko bang hindi okay, magiging okay na?

"Okay lang."

Sa dulo naman kasi sasabihin ko  pa rin na ayos lang– na okay lang. Ganoon naman ang nakasanayan nilang isinasagot ko kaya ganoon na lang ang sagot na ibibigay ko.

 Napailing si Marga sa isinagot ko, "Ash, baka nakakalimutan mo, bestfriend mo ako. Alam ko kapag okay ka. Alam ko kapag hindi. Ngayon, hindi ka okay. Itatago mo pa ba? It doesn't take a genius to see that. You're not your usual self. Matamlay. Tahimik. Hindi nanggugulo. Hindi ikaw 'yan Ash."

"Sino nga ba ako? Am I even being true to myself, Marga?"

Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Kaya lang totoo naman. Kung posibleng niloloko ako ng karamihan ng tao na nakapaligid sa akin, posible bang niloloko ko lang rin ang sarili ko?

"Ikaw, are you being true to me?"

The moment I let those words out of my mouth, nagsisi na agad ako. Halata rin sa mukha ni Marga ang pagkabigla at ang sakit sa mga salitang nasabi ko. Maski ako nagulat. Bakit ba kasi nasabi sabi 'yun? Nagpapadala na ako sa naiisip ko.

Alam mo ‘yung punto sa buhay mo na gustong gusto mong ibalik ‘yung nakaraan at bawiin ang sinabi mo? Ganoon ang nangyayari sa akin ngayon. Gustong gusto kong bawiin ang sinabi ko. Gustong gusto kong ibalik sa nakaraan ang nakalipas na sampung segundo.

"I've always been true to you, Ash. You know that. At ngayon, magiging totoo pa rin ako sa ‘yo. Masakit para sa akin ang sinabi mo. After all that we've been through nagdodoubt ka pa rin ba sa akin? You're unbelievable."

"Look, Marga. Hindi ‘yan ‘yung gusto kong sabihin. I'm sorry. Hindi ko intensyon ang saktan ka. It’s just that – “

“Save your explanation.”

Tinalikuran niya ako at saka lumabas ng classroom. Sinundan naman siya ni Rocco na kanina pa nakikinig sa amin.

I messed up. Again. Ilang tao pa ba? Ilan pa ba ang itutulak ko palayo nang hindi sinasadya? Ilan pa ba? Kung sino pa ang pinakamalalapit sa akin, sila pa itong nasasaktan ko dahil sa maling mga bintang. Dahil lang ba sa Ynna na ‘yan magugulo ang relasyon ko sa mga kaibigan ko? Sino ba siya? Inakalang kaibigan ko lang naman siya.

***

Nang matapos ang klase ay agad na lumapit sa akin si Rocco.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon