Chapter 6: Good and Bad News

223K 6.6K 607
                                    

"Anong mukha yan?"

Napahawak ako sa mukha ko dahil sa tanong sa akin ni Marga. Trip na naman ako ng babaeng 'to.

"Mukha ko. Kumpleto naman. Hindi ko naman naiwan ilong ko, o kaya yung mata at bibig ko."

"Ha! Ha! Funny."

I rolled my eyes at her, "Kasi naman, hindi ako makapuntang canteen."

"Bakit naman hindi? Nakadikit pa naman ‘yang dalawang paa mo sa katawan mo."

"Baka kasi mamaya makita ako ni Phoenix. Mahirap na."

Pinagtaasan niya ako ng kilay at maya maya ay tumawa na lang bigla. Hindi ako nainform na nagjoke pala ko. Sana nalaman ko para may kasama siyang tumawa.

"Girl, alam kong maganda ka, kaya lang nasobrahan ka ata sa ganda sa sarili mo at naisip mong hinahanap ka ni Phoenix. Ni hindi ka nga niya kilala."

Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa statement niya. Gaano ba kahirap paniwalaan na kilala ko 'yang si Phoenix? Ano bang problema ng babaeng 'to? Bestfriend ko ba 'to? Tingin ba niya magtatago ako ng ilang araw dito sa library para lang taguan ang lalaking hindi naman ako kilala?

Minsan talaga nagtataka ako kung bakit section A 'tong si Marga.

"Bahala ka nga. Ilang beses ko na sinasabi sa'yo ayaw mo namang maniwala. Lumayas ka na nga lang at puntahan mo  ‘yung magaling mong boyfriend."

"O, sige. Sabi mo yan ha. Sayang dadalhan pa naman sana kita ng pagkain dito kahit na mabatas pa ako kaya lang mukhang -- "

"Joke lang. Sige na kako. Puntahan mo muna si Rocco at baka gutom ka na. Tapos balikan mo ko. Ingat ka sa paglakad ha."

Hay nako. Kasalanan ko kung bakit nagkakaganito ako ngayon e. Bakit ba kasi ang kapal ng mukha ko nung gabing ‘yun? Ano ba ang nakain ko at nagyaya ako ng hindi ko kilala na maging boyfriend ko? Ang masaklap pa, si Phoenix pala ang naaya ko at dito rin siya nag-aaral sa Kingdom High.

Ayan tuloy. Anong napala ng kadesperadahan ko? E di nagtatago ako ngayon sa kahihiyan.

Napabuntong hininga ako at sumandal sa shelf. Medyo napalakas ata ang pagsandal ko kaya medyo nakagawa ako ng ingay. Napatingin ako sa direksyon ng librarian at sobrang laking ginhawa ko na hindi niya narinig yung ingay. Mahirap na, baka masabon kung sakali. Buti na lang sa dulo ako tumambay.

"Istorbo."

Tinikom ko ang bibig ko bago pa ako makasigaw ng dahil sa gulat. Sino ba naman kasing hindi magugulat kung nasa dulo ka ng library tapos wala ka namang kasama at sobrang tahimik tapos bigla kang may maririnig at makikitang paa na nakalabas sa likod ng shelves.

 "S..sino yan? M..multo ka ba? Nawa.. nawawala ba yung katawan mo? Tutulungan kitang hanapin yun 'wag mo lang akong sasaktan, please."

"Stupid."

Naningkit ang mata ko ng dahang dahang gumalaw yung paa at maya maya lang ay kaharap ko na ang isa sa taong hindi ko gustong makita.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon