Chapter 21: If I'm Gonna Fall in Love

144K 5.6K 492
                                    


Nagpunta ako sa rooftop dahil free time naman namin. Gusto ko sanang matulog kaya lang kung nasa classroom ako, hindi ako makakatulog sa sobrang ingay ng mga classmates ko. Isa pa baka mabato lang nila ako doon ng kung anu-anong pinaglalaruan nila.

Our classroom is a battlefield every free time.

Pagdating na pagdating ko sa rooftop ay nakarinig ako ng tunog ng gitara. Si Jaydee malamang ang nandito. Teritoryo niya 'to eh.

Dahan dahan akong lumapit sa pwesto niya at ginulat siya, "Boo!"

Kaya lang hindi siya nausuhan ng pagkagulat. Hindi siya nagulat kahit konting konti lang.


"I could hear your footsteps, Ms. Obvious."


Fine. Siya na. Siya na magaling.


"Gusto ko 'yang tinutugtog mo. Anong title?"

"Google it."

"Anong igoo-google ko kung melody lang ang naririnig ko?"

"Problema mo na 'yon."


Pinalo ko siya sa naging sagot niya.

Napakadamot. Ano ba naman kung sabihin niya ang title? As if naman may gagawin akong hindi maganda doon.


"Ano na nga kasi? Arte naman. Dali, sabihin mo na."


Nagpanggap siya na walang naririnig at nagtuloy lang sa pagstrum ng gitara. Kinuha ko ang phone ko at pasimpleng nirecord 'yung tugtog niya. Ipapagtanong tanong ko kung ano ang title ng kantang 'yon.

Nang matingin ako sa kaniya, napansin kong nakatingin siya sa phone ko at saka tumingin ulit sa akin, "Curious ka talaga, ano?"

Magtatanong ba naman ako kung hindi?

Hindi ko na lang siya pinansin dahil paniguradong mang-iinis lang lalo siya.

Triny kong magfocus sa pagtulog since ayon naman ang idinayo ko dito kaya lang hindi na ako makatulog. Nawala na antok ko.


"If I'm gonna fall in love," bulong niya.


Humarap ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, "Huh?"


"Title. Ayon ang title."

"Ayos ha. Nakonsensya?"


Hindi na naman niya ako pinansin at tumugtog na lang.

Nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako para bumili ng pagkain sa cafeteria kahit wala man lang paalam kay Jaydee. Okay lang naman 'yon. Hindi rin naman niya ako papansinin magpaalam man ako o hindi.


"Where are you going?"


Or not.


"Nagugutom ako. I'll buy something to eat."

"I'm hungry, too. Bili mo ko tapos akyat mo na lang dito."


Agad akong napatingin sa kaniya. Hindi man lang siya natinag sa pwesto niya. Naggigitara pa rin siya at nandoon ang atensyon niya.

Wanted: SomeoneTo LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon