"Ang ingay."
"Wala namang sense ang sinasabi niya madalas."
"Ang OA pa."
O, lupa. Lamunin mo na nga muna ako kahit ngayon lang. Please lang.
Hindi ko alam kung anong trick ang nangyari at biglaan na lang naging goody goody ang dalawang 'to. Madalas naman magkita si Phoenix at Jaydee dati pero hindi sila nagpapansinan. Ngayon, hindi ko alam kung ano ang masamang hangin ang umihip at biglang naging magkabiruan na sila ngayon. Nag tag team pa sila para sirain ang araw ko.
Ang naaalala ko lang na nangyari..
Naglalakad kami sa hallway ni Phoenix. Uwian na noon at kakatapos lang namin magguitar session ni Jaydee. Hindi na muna umuwi si Phoenix kasi may hinabol din siyang requirement na deadline ngayon. Kaya hinintay na rin niya ako hanggang sa matapos kami ni Jaydee.
Habang nagkwekwentuhan kami ay biglang nadaan si Jaydee. Pauwi na rin siguro siya.
"Jaydee!" sigaw sa kaniya ni Phoenix.
Napataas naman ang kilay ko sa ginawa niya. So friendly na siya ngayon?
Huminto naman si Jaydee at humarap sa amin.
"P're, natututo na ba 'to?" tanong pa ni Phoenix. Hindi agad nakasagot si Jaydee kasi malamang naweiweirduhan din siya at kinakausap siya nitong isa, "Ah, nakwento niya kasing nagpapaturo siya sa 'yo maggitara."
Pinanliitan ako ng mata ni Jaydee. Nagtaka naman ako kung bakit kaya napakunot ang noo ko.
"Sinabi mo?" Na nagpapaturo akong maggitara? Malamang. Kakasabi nga lang ni Phoenix e. Hay nako. "Pinakita mo?" mahina pa niyang sabi.
Ano ang ipapakita ko?
Oh! Alam ko na kung bakit.
"Hindi ha. Wala akong sinabi o pinakita. Sabi ko lang nagpapaturo ako sa 'yo."
"Ha?" Naguguluhang tanong ni Phoenix pero inilingan ko lang siya at nginitian.
Akala ko naman kung anong napakalaking kasalanan ang ginawa ko at mukhang galit si Jaydee. 'Yun pala nagworry lang siya na baka pinagkakalat ko na na gusto niya si Ate Sab at pinapakita ko na 'yung video niya na kumakanta.
"Mabagal. Ang hina," sagot ni Jaydee kay Phoenix na ikinatawa naman nitong isa.
"May pagkaslow talaga 'to kung minsan. Pagpasensyahan mo na lang."
Magbuhat ng eksena na 'yun ay nagkasundo na 'yung dalawa. Close na agad sila. Paano parehas ang interes nila. Ang guluhin ang peaceful life ko.
"Ang saya niyo, ano? Hindi naman kayo nag-eenjoy na pinagtatawanan ako?" singit ko sa usapan nila in case nakalimutan nila na may kasama pa sila.
"Alam mo namang ikaw ang kaligayahan namin," sagot ni Phoenix na tatawa tawa pa.
"Not me," kibit balikat naman ni Jaydee.
Napairap ako sa dalawa at tumayo na, "Bahala kayo diyan! Magkadevelopan sana kayo!"
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...