"Ilang taon na ba ang pamangkin mo?"
"Eight years old."
Ayos din talaga ang mga bata ngayon. Eight years old palang naglalakwatsya na. Bumibisita na agad sa bahay ng kaibigan at okay lang malate ng uwi. Noong ako ang nasa edad na gano'n, 'yung mga tao lang malapit sa bahay ang kalaro ko o kaya si Ate at Kuya. Bawal akong lumayo ng hindi kasama sila Papa at Mama o kahit sinong kakilala kong matanda na at maaalagaan ako. May curfew pa ako dati. Dapat mataas pa ang sikat ng araw makapasok na ako sa loob ng bahay. Pero ngayon..
Ano na naman ang pinaglalaban ko?
"Dito lang po. Saglit lang kuya," sabi ni Phoenix sa taxi driver at huminto kami sa isang apartment.
Nakatayo at naghihintay na sa labas ang dalawang bata kasama ang isang matandang babae.
Hindi na ako pinababa ni Phoenix. Dumiretsyo siya sa may dalawang bata at mukhang nagpaalam pa siya sa matandang babae saka sumakay ulit sa taxi kasama ang isang sobrang cute na batang lalaki.
"Siya?" Tinuro ko ang batang lalaki at napatango naman si Phoenix. "Aww." Ginulo ko pa ang buhok ng bata dahil ang cute cute niya.
"Siya si Mi - "
"Sabi sa akin ni Mama, masama raw ang magturo ng tao," sabi ng bata kay Phoenix at saka humarap ulit sa akin. "You're a bad person. Huwag mo rin hawakan buhok ko. Si Mommy lang pwede."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at napatingin kay Phoenix na halos may kaparehas ko ng reaksyon.
"Hindi siya - "
"Love mo ba siya?" Pakiramdam ko namula ang pisngi ko sa tinanong ng bata kay Phoenix. "She's not nice. Kaya dapat hindi mo siya love. Marami pang babae ang mas mabait at mas maganda sa kaniya."
Ay nako, kahit bata ko papatulan ko talaga 'to. Makakatikim 'to ng isang batok sa akin. Akala mo naman matanda na kung magsalita. Naging masama pa akong tao dahil lang sa tinuro ko siya pero siya itong sinasabihan ako ng hindi maganda. Hindi na ako magugulat kung malaman kong mababa ang conduct ng batang 'to.
"Pigilan mo lang ako, Phoenix. Kahit pamangkin mo 'yan - "
"Ash," suway niya sa akin at saka tumingin sa bata. "That's not nice, Migs. Say sorry."
So, Migs pala ang pangalan ng batang konti na lang ay mapuputulan ko na ng sungay.
"Sabi ni Mommy, kapag may nagawa kang action na mali dapat magsorry ka. Wala naman akong ginawang mali. Siya ang nagturo ng pointing finger niya sa akin. That's bad."
"May nagawa kang mali, Migs. Ang sabi mo sa kaniya masama siya at hindi siya maganda. Kaya mag-sorry ka."
"Hindi ko naman ginawa 'yon. Sinabi ko lang 'yon. Magkaiba ang ginagawa sa sinasabi."
I've always been a fan of child's innocence. 'Yung hindi nila alam ang mga ginagawa nila at halata sa mukha nila na pure truth lang ang mga sinasabi nila. Kaya lang hindi ko gusto 'tong kainosentehan ng batang 'to. Kung ako talaga adviser nito sa school, ipapatawag ko na agad agad ang magulang niya. Nakakaloka.
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...