Two years and a half passed since umalis si Jaydee. Tulad nang naging usapan namin, hindi kami nagparamdam sa isa't isa. Nakagraduate at nagcollege na ako't lahat pero wala akong balita sa kaniya. Minsan maririnig ko sila Phoenix pati sila Ate Sab na babanggitin 'yong name niya pero ayon na 'yon.
"Dami naman niyan." Napahinto ako sa paglalakad nang akbayan ako ni Phoenix. "Second week pa lang tapos hindi ka na magkandaugaga diyan sa mga librong dala mo."
"Adik ka ba? Kung nakakalimutan mo, student assistant ako ng librarian ng college namin."
"Bakit ka ba kasi nag-SA?"
"Gusto ko lang."
"Akin na nga 'yan. Tulungan na kita."
Si Phoenix ay nag business ad. Sa nakalipas din na two years, wala naman masyadong nagbago sa kaniya. Bukod na lang siguro sa mas gumwapo siya at mas nagmature. Mas dumami rin ang mga nagkakagusto sa kaniya. Mas naging close din kami.
"Phoenix! You're just here lang pala. I was trying to call you, but you're not answering your phone," biglang sulpot ni Aubrey at kumapit sa braso ni Phoenix.
"Huwag kang magulo. Baka malaglag ko 'tong mga libro."
"Nako, Phoenix, you're helping Ash pala. You're really trying to be her knight in shining armor. Two years na ang nakalipas, hanggang ngayon hindi ka pa rin ba nakakaget over sa kaniya? Move on na kasi, Phoenix. Nandito naman ako."
Natawa ako nang mamula ang tenga ni Phoenix sa sinabi ni Aubrey. One year ago, nagdecide si Aubrey na kung hindi siya liligawan ni Phoenix, siya na lang ang manliligaw sa kaniya. Inamin niya sa amin na gusto na niya si Phoenix since third year kami kaya lang sa akin lang daw nakatingin si Phoenix kaya pakiramdam niya wala na silang pag-asa. Pero nang makita raw niya na mukhang hanggang friends lang kami ni Phoenix, nagpasya na siyang gumawa ng move bago pa man siya may pagsisihan.
Hindi ko alam kung nahahalata ba ni Aubrey pero umeepekto naman ang panliligaw na ginagawa niya kay Phoenix. Halata naman kay Phoenix na gusto niya si Aubrey. Siguro naguguluhan lang siya kasi nga ang babae ang nanliligaw sa kaniya.
"Sige na, Phoenix. Akin na 'yang mga libro at samahan mo na lang 'yang si Aubrey."
"Nah, I'll help you."
Hinila ko siya at binulungan, "Gusto mo naman 'yan. Huwag ka masyado magpakipot. Baka mamaya mapagod 'yan mawala pa. Isang taon na 'yang nanliligaw sa 'yo."
"Hindi ko naman kasi alam kung seryoso ba o – "
Hindi ko napigilan na batukan siya, "Baliw ka ba? Sinong magtyatyagang manligaw ng lalaking hindi naman niya gusto sa loob ng isang taon? Babae pa 'yan, ha."
"Hey! Stop whispering," utos sa amin ni Aubrey kaya napatawa na lang kami ni Phoenix at naglakad.
Kaya lang ilang sandali pa ay hindi pa rin sumusunod sa amin i Aubrey kaya huminto kami ni Phoenix. Tinignan ko siya kaya napabuntong-hininga si Phoenix at tinawag siya, "Tara na, Aubrey. Kakain tayo pagkatapos nito."
"Really?"
"Yeah. Kaya tara na."
"What time out mo, Ash?"
"5pm pa."
"Mamayang 7pm tayo sa No Name, ano?"
"Yup."
Nakagawian na rin namin na magpunta sa No Name every Fridays. Kapag nag-fit lang naman sa schedule. Ganito rin kami no'ng first year. Minsan hindi kami nakakapunta kapag may school works or midterm or finals. Pero ngayon, since second week pa lang naman since nagstart ang second year, maluwag pa ang sched namin.
BINABASA MO ANG
Wanted: SomeoneTo Love
Teen FictionKung ang lahat ng tao sa paligid mo masaya, parang automatic na nagiging masaya ka na. Kung lahat naman sila malungkot, mararamdaman mo yung lungkot na nararamdaman nila. E paano kung lahat sila in love? Maiinlove ka rin ba? SYEMPRE HINDI. Kasi amin...