5: Bwisit Day

3.6K 51 4
                                    

“Pasuyo nga ng tubig.” Sugo ko

“Wait lang misis ah. Dalawa lang po ang kamay ko.” reklamo ni Olsen

Nga pala, close na kami nyan. Ok naman pala sya kapag nasa tamang pag-iisip. Paminsan-minsan nga lang eh sinusumpong sya ng sakit sa utak.

2 weeks na nyang binibwiset, este tinututor ako. So far ok naman. Good student kaya ako! Sa talino kong to.

“Nasagutan mo na yung page 29?”

“Wait lang din. Malapit na matapos tong Fairy Tail.” Sagot ko habang nakatutok sa harap ng laptop.

“Ano ba naman yan! Anime na naman? Galing ka na ng Japan di ka pa din nagsawa?”

“Yeah whatever.”

Next thing I know, patay na ang laptop. Literal.

“Hala! Wala to! Bakit mo pinatay?” galit kong tanong. Laban na yun ni Mirajane saka Jenny eh!

“Tapusin mo muna kaya yang pinapagawa ko bago ka tumunganga.”

“Heh. Bad ka talaga!” kainis!

No choice, binuklat ko yung workbook sa Physics. Eto kasi subject namin today.

Badtrip talaga tong taong to! Ang kj kahit kelan! Binabawi ko na yung sinabi kong ok sya. Hmpp!

“Oy oy yung nguso mo abot garahe na.”

Tiningnan ko lang sya ng masama. “At nagawa mo pa talagang magjoke ah.”

“To naman. Oh meryanda mo.” Sabay lapag nya ng camote-q at iced choco sa table. Syempre naka plate yung camote. Like hello?

“Dali na misis. Kainin mo na. Paborito mo yan diba ^____^.” with matching ngisi ng malapad

“Heh! Di mo ko madadaan jan! saka itigil mo yang pag-ngiti mo. Di bagay sayo. Mukha kang constipated.” Sabay kagat ko ng camote-q. Eh sa paborito ko to eh!

“Hindi daw! Eh kagat-kagat mo na nga! Ang siba mo talaga. Walang pinapalampas. Kaya ka lumulobo eh.”

Hinampas ko nga ng workbook sa ulo! Ako? Masiba? Ang kapal!

“Pag kumain ng camote-q masiba na agad? Batayan na yun ngayon?”

“Hindi ganun. Ang gusto ko lang sabihin eh halos lahat ng binibigay ko, kinakain mo. Ilan na kaya timbang mo?” Nakangisi pa rin sya

Grrr! Ang kapal talaga!

“Hoy! Ang kapal talaga ng mukha mo! At saka nga minsan gamitin mo rin yang utak mo! Tutor pa man din kita. Ang pagkain kinakain! Alangan naman titigan ko lang! Kaya nga pagkain ang tawag diba? Bwisit! Saka ano naman sayo kung kinakain ko lahat? Eh galing naman sa ref namin yung mga binibigay mo ah! Ni hindi ka nga gumastos! At isa pa, kelan mo ba ilalagay sa kukote mo na buntis ako kaya malamang ganito ako kalaki! Magtaka ka kung kasing payat mo ko! Hindi ako malnourished na gaya mo! Ahhh! Bwisit ka talaga! Umalis ka na nga dito!”

Haaaaaay grabe tong taong to! gustong-gusto talaga nyang binibwisit ako! Konti nalang masasapak ko na to! Pasalamat sya at buntis ako, kung hindi—

“Hahahahahahahahaahah! Grabe, ang cute mo talaga pag naaasar! Kamukhang-kamukha mo si Mrs. Puffs! Idol!” sumaludo pa. yung mukha nya pula na kakatawa.

Mom @ 17Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon